XXVII. THE CLOCK STOPPER
Matagal ng naghihintay sa labas ng building ng art studio si Jonathan. Sinundan niya sina Lou at Carla nang hindi nito matapos ang assignment ng kapatid niya tungkol sa Roman Numerals. Nagulat siya nang bigla na lang magkasunog sa studio. Hindi niya malaman kung saan nagsimula ang apoy. Narinig niya ang paghingi ng saklolo ng isang babae mula sa loob ng nasusunog na art studio. Gusto niya sanang humingi ng tulong ngunit wala siyang makitang ibang tao sa paligid ng building na 'yon. Natataranta na siya. Pumikit siya at tahimik niyang naipanalangin na sana matigil na ang apoy na kumakalat sa buong studio. Nang lingunin niyang muli ang art studio, laking gulat niya nang makitang tila naka-freeze ang apoy sa studio. It was impossible. Pero hindi na siya nagdalawang-isip pa na pasukin iyon para iligtas ang mga kaibigan niyang nasa loob. He couldn't believe what he saw right before his very eyes. Naka-freeze din ang mga kaibigang sina Lou, Erno, Kei, Fille, Grigor at Carla. Ang eksenang 'yon ay parang video lamang na naka-pause, ngunit totoo ang nasasaksihan niya at hindi isang videotape! Isa-isa niyang binuhat ang naka-freeze na mga kaibigan palabas sa naka-freeze na studiong nasusunog. Isinakay niya ang mga ito sa kotse niya at dinala sa ospital...
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOUR
ParanormalIsang brutal na pagpatay sa isang pamilya ang nagbunga ng hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa buhay ni Fille. Nakilala niya ang dalawang taong tila may inililihim tungkol sa kanilang pagkatao. Ano ang kaugnayan niya sa buhay ng dalawang ito...