XIV. FRENEMIES

910 34 1
                                    

XIV. FRENEMIES

That's when Erno and Lou became friends. When they were staring at each other in the dance floor, nag-uusap na pala sila no'n sa isip.   Ikinuwento pala ni Erno ang nangyari sa pamilya niya, pati ang misteryo ng pagkakaligtas niya mula sa tiyak na kamatayan.  Marami pa rin kaming mga katanungan na hindi pa namin mahanapan ng sagot, at 'yon ang lalong naglapit ng loob nina Erno at Lou sa isa't isa.  Parehong may malaking pagbabagong nangyari sa kanila less than two months ago.  Interesado si Lou na mabigyan ng kasagutan ang maraming misteryo na nagsimula lamang sa isang kagimbal-gimbal na krimen.  Wala namang ibang hangad si Erno kundi ang mabigyan ng katarungan ang sinapit ng pamilya niya.  Gusto niyang mahanap ang bangkay ng mga ito.  Pareho nilang sinasabi sa akin that maybe I am somewhat connected with all these extraordinary things that we are experiencing, dahil pareho ko silang nakakausap sa isip, at naririnig ako ni Lou kahit gaano man siya kalayo sa akin.  That's unfair, I know.  I can't talk behind his back dahil maririnig niya ako.  Eh 'yon na nga lang ang naigaganti ko sa tuwing inaasar niya ako.   Ngayon, hindi na pwede.  Hindi na rin ako pwedeng mang-asar kahit sa isip lang 'cause he might also hear me.  Anyway, wala kaming ibang pinag-usapan sa tuwing magkakasama kaming tatlo, kundi ang pagpatay sa pamilya ni Erno.  Kung ano ang motibo, kung sino ang may pakana, at kung saan itinago ang mga bangkay.  Isang araw ay napagkasunduan naming tatlo na magpunta sa bahay namin.  Gaya ng dati, ang pag-solve sa krimen na naman ang dahilan nito.  Idrinowing ni Erno ang mga mukha ng kalalakihang pumatay sa pamilya niya.  Ginabi na sila sa bahay.  Pinauwi na sila ng mom ko.  Kinuha ni Lou ang sketch ni Erno, at nauna siyang umuwi.  Bago umuwi si Erno, makikipaghigh fives sana siya sa akin, but he suddenly changed his mind.  Nag-V sign na lang siya sa akin.  Palabas na sana siya but I approached him.

*Ano nga pala 'yung pinagsinungalingan mo sa akin?  You told me you lied to me.

Humarap siya sa akin at ngumiti.

+It's not like that...  it's just..

*What?  Tell me, or else.  Hindi na talaga ako magtitiwala sa 'yo.

+Okay.  But do you really wanna hear this now?

*Yes, go on.

+I just have to ask you a few questions... what is our sense of sight?

*Mata syempre.  Pero ano ang connection no'n?

+In the universal language?

*Eyes.  But you're not making any sense.

+Not the pair.  Isa lang...

*Eye.

+When you say something that is not true, what is it?

*Lie? 

I was just getting even more confused sa mga tanong niya.

+What is the letter between P and R?

*...Q?

+Yeah, and that's what exactly what I wanted to tell you, but you never gave me the chance.  Nalaman ko na lang bigla na hindi na pala kita partner...

Bago ko pa maunawaan ang ibig niyang sabihin, he showed me a V-sign.

+Pagsama-samahin mo lang 'yung mga sagot mo and that's it.  Goodnight, Fille.

Eyes, like, and the letter Q?  Ano 'yon?  Make that eye.  Eye, lie and Q.  Eye, lie, Q.  I like you?  I felt so stupid.  Nakaalis na siya before I realized what he meant.

"Fille, anak.." tawag ng mom ko.  Hindi ko alam na kanina pa pala siya do'n, inabutan niya tuloy ako ng tila nangangarap.  "Umuwi na ba ang mga bisita mo?"

"Opo, ma."

"Then it's time we have a serious talk.."

Oh my God!  Sasabihin ba niya sa akin to stay away from Erno?  I can't do that, not after what he just told me...

"Are you having troubles with your sleep, Fille?"

I can't tell her about the phone calls.  Baka mag-alala lang siya.

"N-no, mom.  Bakit?"

"Minsan kasi naririnig kita sa gabi.. sumisigaw ka," concerned na sabi ng mom ko.

"Baka nanaginip lang po ako no'n ng masama," I assured her.

"Madalas ka bang nananaginip?"

"Hindi naman po.  Don't worry, mom."

CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon