XI. THE LIE

938 31 0
                                    

XI. THE LIE

Pagpasok ko sa Psych class namin, nagtaka ako kung bakit parang walang tao sa classroom namin.  Wala ba kaming klase kay Mr. Leerky?  Nakatayo ako sa labas ng classroom ngunit  wala akong marinig na anumang ingay mula sa loob.  Siguro nga ay wala kaming klase.  Nakapagtatakang wala man lang nagsabi sa akin na wala kaming klase sa Psych.  Nang paalis na ako, nakita kong nakaparada sa tapat ng building ng Psych classroom ang kotse ni Erno.

"Walang klase," balita ko sa kanya.

+Kumusta ka?  Parang hindi ka nakatulog ng maayos ah.

"Stop doing that.  It's driving me crazy."

+I could've stayed at the hospital with you 'til morning, pero nakita ko, may kasama ka na, hindi mo na kailangan ang tulong ko.

"Kinausap kita sa kotse kanina, hindi mo ako kinibo.  You're like a foreign language, Erno, hard to read and understand."

Mukhang may nase-sense akong selos.  Nagseselos ba siya?  Dati, bibig lang niya ang 'di bumubuka kapag kinakausap niya ako, ngayon, hindi na rin niya ako tinitingnan.  Marunong din bang magselos ang di-pangkaraniwang nilalang na katulad niya?  Habang nag-iisip ako ng sunod na sasabihin sa kanya, may narinig akong ingay mula sa Psych classroom.  Tila may bumubulong.  Ano 'yon?  Another hallucination?

+I don't think so.  Naririnig ko rin, Fille.  Sounds like hushed voices.

*I'll check.

+Mag-ingat ka, Fille.  It could be something dangerous.

*You could also be someone dangerous, for all I know.  So don't worry.  I can take care of myself.

Dahan-dahan kong binuksan ang classroom.  Hindi ko na hinintay na makababa sa kotse si Erno. 

"Welcome back!" pagbati ng buong klase ang bumati sa akin.  May nakakabit na malaking tarpaulin sa board namin.  It says: WELCOME BACK, FILLE! Sobrang na-touch ako sa sorpresa nila, kaya tinakpan ko ang mukha ko, para hindi nila makita na nagbablush ako, at halos maiyak na ako sa tuwa.

"OMG, Fille!  Look at yourself!  You are blushing!" pagbubulgar ni Dominika.  Ibinulong ko sa kanya na na-touched ako.

"Do you know who did this?" tanong niya.  Umiling ako.  I have no idea.  Si Grigor?  Malabo.  Hindi 'yon magpapagawa ng tarp dahil barat 'yon by nature.  Baka si Kei.  Nasaan nga kaya si Kei at ano ang nangyari sa kanya kagabi?  He looked possessed.  Or maybe Erno.  Pero bakit wala siya dito?

"Lou did," biglang sabi ni Dominika.  Natigilan ako sa sinabi niya.  Yeah, right!  Lou did, para sa pustahan nila.  Tumingin ako kay Lou.  Nakatingin siya sa akin na sa tingin ko ay ngiting nang-aasar.  Nginitian ko siya.  Iyong pinakamatamis at pinakapekeng ngiti ko.  "Wow!  So this was your idea?  Nice!"  Nagpalakpakan at nagtuksuhan ang mga kaklase namin.  Tinanggal ko ang tarpaulin.  "This is so... uncool, unoriginal, and corny."  Inihagis ko iyon sa kanya at dire-diretso na akong lumabas ng classroom, dahil baka kung ano pa ang magawa o masabi ko sa sobrang pagkainis.  Sinundan niya ako palabas.

"At sino ang gusto mo?  Yung pipi na si Erno o si Kei na galing mental?" tanong niya.

"Wala kang pakialam!" bulyaw ko sa kanya.   "Don't you make fun of Kei.  Hindi siya galing mental!"

"Pa'no mo nalamang hindi, Cainglet?  He's been acting weird eversince he came back, so I checked his records.  Alam mo ba kung ano ang natuklasan ko?  Napasok siya sa mental hospital ng halos isang buwan.  Pagkatapos no'n, tumakas na siya," paliwanag ni Lou.  Oh my God!  Si Kei?  Buo pa naman ang tiwala ko sa kanya.  Paano kung mapanganib pala siya?

"Bakit ka niya dinalaw kagabi? At patay pa ang ilaw?  May milagro bang nangyari, ha, Cainglet?" nang-aasar na dugtong pa ni Lou.

"Paano mo nalaman 'yon?" balik-tanong ko.  "Are you stalking me?"

"In your dreams," sabi niya.  "Kung may choice lang ako, hindi ko gugustuhing malaman ang mga nalaman ko tungkol sa 'yo."

"Eh di itigil niyo na ang..."  Hindi pa man akong tapos magsalita, he interrupted me.

"...pustahan, Cainglet?  Itigil na namin ang pustahan dahil sinabi na sa 'yo ni Kei ang totoo?  Wala akong pakialam sa pustahan, Cainglet!  At wala rin akong pakialam sa 'yo! May gusto lang akong malaman..."  Biglang lumapit sa amin si Erno.  Nagmamadaling tumakbo palayo si Lou.  Erno stared at my classmates and they all walked away.  What is it with his stare?

+There's no way that he's stalking you.  I was also in that hospital.  He was not anywhere near you at all.  'Yung mga nalaman niyang impormasyon, baka nanggaling 'yon sa ibang tao.  Someone that you trust who spilled everything to him.

Si Kei?  Magagawa ba ni Kei 'yon sa akin?

"Wala akong pakialam kay Lou, o kung kanino siya kumuha ng impormasyon tungkol sa akin," I told him.

+What I don't get is why would he be interested in you?

"He's not!  Ginagawa niya lang ang lahat ng 'to dahil sa pustahan.  Pero ikaw, Erno, hanggang ngayon, hindi pa kita kilala ng lubusan.  Sometimes you're acting nice, but sometimes you're acting really weird."

+I'll tell you everything, Fille, sa school dance.  For now, I have to go.

Pa-suspense na naman.  Ang hilig niya talaga sa gano'n.  Inismiran ko siya.

*'Yan lang ba ang kayang gawin ng isang tulad mo?  Ang makipag-usap sa ganitong paraan?

Umiling siya.

+Hand signals din.

Sumenyas siya ng T at C pagkatapos ay umalis.  Sinundan ko siya ng tanaw.  Muli niya akong nilingon.

+I lie...

*Nagsinungaling ka?  What did you lie about?

+I'll tell you at the school dance.

CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon