XII. MISTAKEN

931 31 0
                                    

XII. MISTAKEN

Hindi ako makatulog ng maayos kinagabihan dahil sa mga sinabi niya sa akin.  Iniisip ko kung anong kasinungalingan ang sinabi niya sa akin.  Mukhang lalo akong nalalayo sa misyon ko na malaman kung ano ang lihim ng pagkatao niya.  Lalo siyang naging misteryoso.  May crush ako sa kanya, pero hindi ko ikakaila na kung minsan, nakakaramdam ako ng panganib.  Hindi ko alam kung bakit kampante ako na hindi niya ako magagawang saktan, pero ang pagkatakot sa kanya ng mga kaklase namin at ni Lou ay hindi pwedeng ipagwalang-bahala.  Nararamdaman ko na may pagtingin rin siya sa akin, pero bakit siya nagsinungaling?  Suddenly, my phone rang.  At sa ikatlong pagkakataon, unregistered number ng tumatawag.  Bago pa man ako mapatingin sa orasan, nahulaan ko na ang oras, alas tres ng umaga.  Sinagot ko ang tawag.

"Kung sino ka man, pwede bang wag ka ng manggulo?"

"Cainglet, si Lou 'to,"

Si Lou tatawag sa akin ng alas tres ng umaga?

"Ano ba talagang problema mo?  Bakit mo ba ako ginugulo?" inis na tanong ko.

"Alam mo ba kung bakit kita tinawagan?  Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin.  Tinawagan kita para hindi makatawag sa 'yo 'yung sinasabi mong tumatawag sa 'yo tuwing alas tres," sabi ni Lou.

Paano niya nalaman na may tumatawag sa akin tuwing alas tres?  I didn't tell anybody.  Unless, siya ang tumatawag na 'yon, at nagti-trip.

"Stop this, Lou.  Hindi na 'to nakakatuwa."

"Sa tingin mo ba, Cainglet, gagawin ko lahat 'to ng dahil lang sa isang pustahan?  Ano bang mapapanalunan ko sa pustahan, ikaw?  You've got to be kidding me."

"Bakit alam mo 'yon?  I never told you that," tanong ko.  "Unless ikaw 'yong tumatawag at nagtitrip sa akin."

"Akala ko ba babae ang tumatawag sa 'yo?  Pa'no magiging ako 'yon?"

"How would you know any of that?  I never told you anything.  Itigil mo na 'to, Lou."  Then I hung up.  He sent me a text message.

( I just wanna ask u something, and you've got to be honest with me )

Binura ko ang text niya at hindi ko nireplyan.

Kinabukasan, tinabihan agad ako ni Erno pagdating niya sa classroom.  Hindi ko pa rin maiwasang isipin kung ano ang kasinungalingang sinabi niya sa akin.

+Let's buy something for the school dance.  I'll see you later.

Tumingin ako sa kanya nang marinig ko ang boses niya sa isip ko.  Walang dudang gwapo nga siya, pero ano nga ba ang inililihim niya sa akin?

*Ok.

Hindi pumasok sina Lou at Kei.  Sina Jonathan, Dominika, at Simo lang ang nakaupo sa paborito nilang pwesto sa likuran.  Nang mapatingin ako kay Simo, kumindat siya sa akin.  It dawned on me why he was so concerned nung nag-collapse ako sa disco bar.  Dahil siguro sa pustahan nila.  Nagulat ako nang mag-dirty finger si Erno kay Simo.

*Stop it, baka mahuli ka ni Sir.

+Sorry.

Ngumiti siya sa akin at nag-V sign.

*Ano'ng ibig sabihin niyan?

+Cute ako.

Napatawa ako ng malakas sa sinabi niya.  Napagalitan pa tuloy ako ng prof namin.  Pagkatapos ng klase, magkasama pa rin kami ni Erno sa library.  Lahat ng estudyanteng nasa library ay pasulyap-sulyap sa kanya.  Of course, it was because he was a headturner dahil sa sobrang gwapo niya.  Hindi ako nahirapang sagutin ang mga homeworks ko dahil dinidikta niya sa isip ko kung saang libro at anong pahina ko mahahanap ang sagot sa bawat katanungan.  Hapon kami nagtungo sa pagawaan at bilihan ng gown at formal dress.  Nagsukat ako ng mga gowns, habang nakatingin lang siya sa akin.  Dahil hindi pa ako makapagdesisyon kung alin sa mga isinukat kong gown ang bibilhin ko, ipinasya ko munang magtungo sa restroom.  Pagbalik ko, wala na siya roon.  Nasa kotse na siya at hinihintay na akong sumakay.

+Let's go home.  Nabili ko na 'yung gown na gusto mo.

Nasorpresa ako.  Binili niya ang gown na 'yon?  Siguradong mahal ang presyo nito.  Ibig sabihin, bukod sa gwapo siya, napakayaman niya pa?  It's really not hard to fall for him.  Mas mahirap pa nga yata ang hindi magkagusto sa kanya.  I've been trying to push him out of my mind, but I am always unsuccessful.  Sa biyahe, hindi pa rin siya nagsasalita.  Tahimik lamang kami, hanggang sa basagin ko na ang katahimikan.

*Nakakaloka na 'tong ginagawa natin.  Nakakapanis ng laway.  Anyway, pwede ko bang malaman kung bakit mo ako binilhan ng gown?

 +I'll tell you tomorrow.

"May suspense ka pang nalalaman.  Anyway, alam ko naman kung bakit mo 'to binili para sa 'kin eh.. dahil 'yon sa.."  Nag-V sign din ako.

+You're home, Fille.  Good night.

"Thanks.  Oo nga pala, sasayaw nga pala tayo bukas.  Are you a good dancer?" pahabol kong tanong.

+You'll find out tomorrow.

Kilig na kilig ako pag-uwi sa bahay.  Kinagabihan, bago ako matulog, tumawag sa akin si Dominika.

"Pumunta ka rito ngayon, Fille.  May masamang nangyari kay Kei," balita niya.  Nag-alala ako kaya agad kong pinuntahan si Kei.  Kinilabutan ako nang makita ko siyang nakatulala at punung-puno ng sugat at pasa sa katawan.  Awang-awa ako sa sinapit niya.

"Sino'ng may gawa nito sa 'yo, Kei?"

"Hindi mo alam, Fille?  Si Erno.  Nagawa niya 'to dahil sinabi ni Kei sa 'yo ang tungkol sa pustahan nila," sabi ni Dominika.  I shook my head.  Hindi ako naniniwalang magagawa niyang manakit.  Pero naalala ko ang sinabi niya sa akin, that he lied.  Was he lying about his involvement sa pustahan? Nakita niyang sinabi ni Kei sa akin ang tungkol do'n, kaya sinaktan niya ang walang kalaban-labang si Kei.  So, it's confirmed.  Erno is dangerous.  Masama ang loob ko sa kanya dahil sa natuklasan ko.  Akala ko, magkaibigan sila ni Kei.  Pa'no niyang nagawa 'yon?  Na-realize kong mas malala pa pala siya kay Lou, at dahil do'n, nakaisip ako ng paraan para makaganti sa kanya.  Ipapahiya ko siya sa school dance...

At exactly 3 AM, my phone rang again. 

"Cainglet, may kailangan lang akong malaman."  Si Lou na naman ang tumawag na 'yon.

"See you on the dancefloor later, dance partner," ang tangi kong sinabi sa kanya.  Then, I hung up.

CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon