XXIII. ASSIGNMENT

889 32 0
                                    

XXIII. ASSIGNMENT

"Estudyante ka ba talaga dito?  Parang ngayon lang talaga kita nakita," sabi ni Simo sa kausap na si Carla.  Nagpapanggap na estudyante sa campus si Carla para malaman kung may kinalaman si Simo sa pag-atake kina Kei at Grigor.  Natagpuan man sa kotse ni Simo ang dalawa, naisip rin nilang baka set up lang ang nangyari.  Lou knew Simo very well, and he concluded Simo is not acting guilty, but Carla can sense something.  Ang isda ay nahuhuli sa bibig, sabi nga.  Kaya nagdesisyon siyang kausapin ito baka sakaling madulas ito at maamin ng di sinasadya ang ginawa niyang pambubugbog sa dalawa.

"Of course.  Lagi nga kitang nakikitang may kasamang babae eh," sabi ni Carla.  "At saka wag kang maingay ah.  May type kasi ako sa mga ka-barkada mo.  Iyong singkit, ano nga ba'ng pangalan no'n?  Nasaan siya?  Ipakilala mo naman ako."

"Ah.  Si Jonathan?  Wala eh, baka nasa court, kasama ni Dominika," ani Simo.

"Hindi, hindi si Jonathan, 'yung isa.." sabi ni Carla.

"Ahh... si Kei?" Simo flinched.  "He's.. he's missing."

"What?  Kailan pa?"

"Tatlong araw na," sagot ni Simo.  "Teka, diba in-announce na 'yon sa buong campus?  Bakit hindi mo alam?"  Umiling lamang si Carla.

"Tinatawagan mo ba siya o hinahanap?"

"Siyempre naman.  Kahit nga 'yung mga kamag-anak no'n sa Japan kinu-contact namin," sagot ni Simo.  "Pati si Grigor Dimitrov na bestfriend ni Fille Cainglet.  And also 'yung pipi na si Erno Gulbis.  By the way have you heard about Fille trying to commit suicide?  Buti na lang nadala agad sa ospital, kung hindi tigok na sana 'yon ngayon."

"Kamusta na siya?"

"I don't know," Simo shrugged.  "Teka, bakit ba ang mga bagay na 'yan ang pinag-uusapan natin.  Let's talk about us, about you.  Do you have a boyfriend?"

"Oo naman 'no.  Sa ganda kong 'to," agad na sagot ni Carla.  "Do you think she really committed suicide, or somebody did it to her?"

"Yeah, siguro nga nagpakamatay 'yon.  May suicidal tendencies naman talaga 'yong taong 'yon eh.  Sa pagkakaalam ko, dalawang beses na niyang ginawa 'yon," pagkukwento ni Simo.  "Pero kay Kei talaga ako nag-aalala kasi bigla na lang siyang nawala at 'di na nagparamdam sa amin.   Nakakamiss tuloy 'yung kakulitan ng abnormal na 'yon."  Natawa pa si Simo nang maisip si Kei.  Maya-maya pa, lumapit sa kanila ang dalawang pawisang nakasuot ng basketball jersey na sina Jonathan at Dominika.

"Tol, Simo, 'yung promise mo ha?  Tutulungan mo ako sa paggawa ng asayment ng utol ko ha?  Malay ko ba naman kasi sa mga Roman Numerals na 'yon.  Absent ata ako nang ituro 'yon," paalala ni Jonathan.  Napatingin siya sa kasama nitong si Carla.  "Bagong ka-tropa ba 'to, 'tol?" tanong niyang muli.

"Hi, I'm Carla.  Ikaw?" nakangiting sabi ni Carla.

"Tan," sagot nito.  "Ito si Dominika."  Inirapan lamang ni Dominika si Carla.  Nararamdaman ni Carla na inosente si Simo pero nararamdaman rin niyang malapit na niyang malaman ang kahulugan ng mga clues.

"'Ngapala, 'tol, nagparamdam na ba sa 'yo si Kei?  Tumawag kasi kanina si Lou.  Sabi niya alam na daw niya kung nasa'n sina Kei," pagbabalita ni Jonathan.

"Nasaan daw?" tanong ni Simo.

"Ewan ko do'n.  Hindi niya nabanggit eh.  Nung tinext ko ulit maya-maya, hindi naman nag-reply.  Saglit 'tol, kukunin ko lang 'yung notebook ko sa locker."  Sumunod si Carla kay Jonathan nang hindi nito nalalaman.  Kumuha ng isang notebook sa locker si Jonathan, at binuklat ito.

"Alam ko sagot diyan.  Tutulungan na kita," alok ni Carla na noon lamang napansin ni Jonathan na nasa tabi niya pala.  Nabitiwan niya tuloy ang hawak na notebook sa pagkagulat.  Pinulot ni Carla ang notebook.

"Relax, masyado kang nerbiyoso.  Buti hindi baso 'yung hawak mo," natatawang sabi ni Carla.  Binuklat niya ang notebook sa pahinang nakatupi na may markang assignment.  "Roman Numerals lang pala ng 51-60.  This is too easy."  She started answering.

51- LI

52-LII

53-LIII

54-LIV

55-LV

Hindi pa man siya tapos magsagot, biglang dumating si Lou.

"Carla, I know everything now," sabi ni Lou sa seryosong tono.

"Talaga?  Nasa'n na si Fille?  Is she okay now?" nag-aalalang tanong ni Carla.  Hindi niya mawari pero may nararamdaman siyang tila kakaiba kay Lou.  Naramdaman niya rin ito nang una niyang marinig na magsalita si Erno.

"Nandoon na siya sa lugar kung saan nagsimula ang lahat," matalinhagang sabi ni Lou.  "Tara na."

"Lou, sandali.  Nasaan si Kei?" naguguluhang singit ni Jonathan sa pag-uusap ng dalawa. 

"Papunta na raw siya dito, kaya dito ka lang," tugon ni Lou.  Nilingon niyang muli si Carla.  "Tara na!"

"Teka, 'tol, sa'n kayo pupunta?  Ano ang sinasabi mong lugar kung saan.." Hindi pa man tapos magtanong si Jonathan ay nagsalita na si Carla.

"Later, Tan.  We'll tell you."  Then she hurriedly left with Lou.  There is no other way to find out than what's unusual with him kung hindi siya sasama dito. 

CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon