I. VACATION
Hindi napapansin ng binatang nagmamaneho sa isang magarang kotse na kanina pa nakatitig sa kanya ang babaeng nasa tabi niya. Si Laura. Hangang-hanga ito sa taglay na kagwapuhan ng lalaki. He is her ideal man. And he also happens to be his brother, idol at tagapagtanggol. Kapag naiisip niya kung gaano siya kaswerte na kuya niya ang lalaking 'yon, she couldn't help but smile. Palagi niyang hinihiling na sana may clone ang kuya niya, at iyon ang makatuluyan niya balang araw.
"Kuya, ang gwapo mo talaga."
Napangiti ang lalaki. Ngiting tila nagsasabing "syempre naman".
"Kaya nga hindi ako naniniwalang wala kang girlfriend dito eh," dugtong pa ni Laura.
"Puro pag-aaral kasi ang inaatupag niyang kuya mo, di tulad mo, para kang mauubusan ng mga lalaki," sabat ng Mommy nila na nasa backseat ng kotse katabi ang Daddy nila.
"Ma, gusto ko na dito mag-aral. Hindi naman ako pababayaan ni kuya eh. 'Di ba, kuya?" nakangiting tanong ni Laura sa kapatid.
"Oo naman", sagot nito.
"Ikaw talaga, Ernests, kinukunsinti mo na naman yang kapatid mo", sabi ng ina nila.
"Hindi naman sa gano'n, Ma.. Anyway, malapit na tayo sa art studio ko. Sana magustuhan niyo ang mga paintings ko."
"Of course. You know that we are really proud of you, son," sabad naman ng kanilang ama. Tuluy-tuloy ang magandang daloy ng kanilang usapan nang biglang may mga armadong kalalakihan ang biglang pumara sa kotseng sinasakyan nila. Kinakabahang itinigil ni Ernests ang kotse. Kaagad niyang itinaas ang dalawa niyang kamay nang tutukan siya ng isa sa mga lalaki ng baril sa ulo.
"Baba!" utos nito. Nakaramdam ng takot si Ernests hindi para sa sarili niya kundi para sa mga kasama niya. Nanatili siyang tahimik at mabilis na nag-isip. Iniabot niya sa lalaki ang wallet niya. Pero ibinato lamang ng lalaki ang wallet pabalik sa kanya.
"Hindi 'yan ang kailangan namin, baba!"
Takut na takot si Laura. Pinababa ng mga lalaki sina Ernests at Laura. Nagsisigaw si Laura nang itutok ng lalaki ang baril sa Daddy nila. Walang sabi-sabing pinagbabaril ito ng mga lalaki kahit pa nagmamakaawa na ang asawa nito. Matapos na duguang bumagsak ito, ang asawa naman ang isinunod. Pinaulanan rin ito ng bala ng wala man lang kalaban-laban. Nagpasya ng lumaban si Ernests. Hindi siya makakapayag na panoorin lamang ang kagimbal-gimbal na pagpaslang sa mga mahal niya sa buhay. Nang bumaling kay Laura ang isa sa mga lalaki, tinangka niyang agawin ang baril nito. Ngunit binaril siya ng isa pang kasama nito, at natamaan ang kanyang balikat. Nakaramdam siya ng ibayong sakit, ngunit ipinasya niyang wag indahin iyon. Alam niyang kailangan siya ni Laura, at lalaban siya hanggang sa huli....
II. THE WITNESS
Nangangatog na ang mga tuhod ng nagkukubling lalaki sa nasasaksihang krimen. Karumal-dumal na pinatay ang mag-asawa, at tinamaan pa sa balikat ang lalaking anak nito. Buong akala niya ay hindi malubha ang magiging pinsala sa lalaki dahil sa balikat lamang iyon tinamaan, pero napakalupit ng mga armadong lalaki. Apat na sunud-sunod na putok pa ang kanyang narinig, at nang bumagsak na ang lalaki, hindi rin pinaligtas ng mga ito ang babae. Kitang-kita niya habang walang awang pinagsasamantalahan ang babae. Pumikit siya at nagdasal na sana panaginip lang ang lahat. Ngunit sa muling pagmulat niya ay ganoong tagpo pa rin ang tumambad sa paningin niya. Kailangan ko ng tumulong, bulong niya sa sarili. Pero paano siya makakatulong? Nag-iisa lamang siya. Ano nga ba ang laban niya sa mga armadong kalalakihan? Nang makita niyang ikinakasa ng muli ang baril upang patayin ang ginahasang babae ay nagdesisyon na siyang tahimik na lisanin ang lugar na iyon, upang hindi na malagay pa sa panganib ang kanyang buhay...
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOUR
ParanormaalIsang brutal na pagpatay sa isang pamilya ang nagbunga ng hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa buhay ni Fille. Nakilala niya ang dalawang taong tila may inililihim tungkol sa kanilang pagkatao. Ano ang kaugnayan niya sa buhay ng dalawang ito...