XXI. UNCONSCIOUSNESS
Tatlong araw na ay hindi pa rin nagkakamalay sa ospital si Fille. Hindi mapaniwalaan ng pamilya, kakalase, at mga kaibigan niya ang balitang nagtangka siyang magpakamatay. Dahil likas na masayahin ang dalaga, naghinala ang mga pulis na may foul play sa nangyari sa dalaga nang matagpuan itong nakahandusay sa sahig ng silid niya, katabi ng mga nagkalat na tableta ng gamot. Punung-puno rin ito ng mga pasa at sugat sa katawan at may sugat din ang kanyang ulo. Hinahanap ng mga pulis para sa interogasyon ang mga taong madalas makasama ni Fille, dahil kasabay ng nangyari sa kanya, hindi na rin nagpakita ang mga ito. Ito ay sina Grigor, Kei, at Erno. Ayon sa mga doktor, ang pagkabagok sa ulo ang naging dahilan ng pagiging unconscious ni Fille...
Isang gabing natutulog ang mommy ni Fille sa tabi niya, isang tao ang palihim na pumasok sa kanyang silid sa ospital...
#Fille, gising na. Please. Tell me you're fine. Nakuha na namin lahat ng clues. Please wake up, Fille. It's Lou.
Nang hindi sumagot si Fille, dahan-dahang hinaplos ni Lou ang buhok ng kaibigan.
#Please wake up, Fille. I can't make it without you....
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOUR
ParanormalIsang brutal na pagpatay sa isang pamilya ang nagbunga ng hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa buhay ni Fille. Nakilala niya ang dalawang taong tila may inililihim tungkol sa kanilang pagkatao. Ano ang kaugnayan niya sa buhay ng dalawang ito...