IV. MIND TALKS

1K 36 1
                                    

IV. MIND TALKS

Nagla-lunch kami ni Grigor nang biglang pumasok sa canteen si Erno.  Bumilis agad ang heartbeat ko.  Crush ko talaga siya.

Dito ka na kumain sa table namin, I said mentally.  Mukhang dininig naman ni Lord ang dasal ko, dahil doon nga siya umupo sa table namin ni Grigor.  Babatiin ko sana siya, pero nahiya ako.  Kaya tahimik lang ako habang kumakain kami.

"Saglit lang, Fille.  Bibili lang ako ng extra rice," paalam ni Grigor.  Tumayo siya at pumila.  Naiwan kaming dalawa ni Erno.  I wanted to talk to him sana pero pinangunahan ako ng hiya.

+Bakit ka lumabas sa Psych class kanina?

Narinig ko na naman ang boses na 'yon.  Kaming dalawa lang ni Erno noon sa table at hindi ko naman nakitang bumuka ang bibig niya para magsalita.

Kay Erno ba ang boses na 'yon?

+Oo, ako nga.

Nabitiwan ko ang kutsarang hawak ko sa sobang pagkabigla.

+Hindi lang ikaw ang naghahallucinate, 'cause I can also read what you are mentally saying.

Tiningnan ko si Erno.  Hindi talaga siya nagsasalita.  Pinulot niya ang nahulog na kutsara at iniabot iyon sa akin.  Bumalik na si Grigor na may dalang extra rice.

"O ba't antahimik niyong dalawa diyan?  Mukha ang dami niyong napag-usapan ah," pang-aasar ni Grigor. 

+Magdamag ko ring inisip kagabi kung sino ang boses na naririnig ko sa isip ko.  Ikaw pala 'yon.

Naghintay siguro siya ng sagot ko, pero hindi ako sumagot.

+Hindi naman ako masamang tao ah.  Bakit ayaw mo akong kausapin?

Paano ako sasagot?  Baka isipin pa ni Grigor na nagsasalita akong mag-isa.

+I've been hearing your thoughts eversince I first met you.  Pero inisip ko ang diniscuss ni Sir tungkol sa hallucination.  And according to him, pag sinabing you are hallucinating, ikaw lang ang nakakaramdam, nakakakita, o nakakarinig.  With both of us, it's not the case.  Hindi ko alam kung ano'ng tawag sa ginagawa natin ngayon.  Anyway, thank you nga pala sa concern mo nung umiinom ako, Miss.

*Hindi miss ang pangalan ko.  Fille.

+Fille pala.

Napatingin muli ako kay Erno.  Siya nga ang nagsasalita sa isip ko, at totoo ngang naririnig niya ang mga sinasabi ko sa isip.

"Ang weirdo naman dito.  Walang nagsasalita," puna ni Grigor.  "Fille, ano'ng nangyari sa 'yo?  Dati madaldal ka ah."

+Madaldal ka naman pala.  Bakit hindi mo ako kinakausap?

I looked at Grigor.  "Hindi ako madaldal 'no?  Bawiin mo nga 'yung sinabi mo."

*Pasensiya ka na.  Mahirap kasi ang ganitong dala-dalawa ang kausap.  Nakakaloka!  How about you?  Why don't you speak out loud so everybody can hear your voice?

Hindi ko na narinig ang boses ni Erno.  Tumayo na siya at lumabas na sa canteen.  Sinundan siya ng tingin ni Grigor.  "Ang tahimik talaga no'n no?"  I disagree.  Madaldal din si Erno, sa isip nga lang.  Anong uri ba ng nilalang si Erno?  At bakit kami nakakapag-usap sa pamamagitan ng isip?  Sinubukan kong iwasan ang barkada nila pagkatapos ng natuklasan ko.  Na-curious akong alamin ang hiwaga ng pagkatao ni Erno.  Sabi ni Dominika, family friend nila si Erno, at nakakapagsalita raw ito.  Pero kahit minsan, hindi ko pa siya narinig na nagsalita, maliban sa isip ko.  Kahit plinano kong umiwas sa barkada nila buong araw, hindi ko nagawa 'yon, dahil halos lahat ng subjects kaklase ko sila.  Iniwasan ko ring mapatingin sa kinauupuan ni Erno.  Paano kung kausapin niya na naman akong muli sa isip?  At gusto ko pa bang makipagkaibigan sa kanya pagkatapos ng natuklasan ko?  I noticed he was also avoiding me.  Hindi na niya ako tinangkang kausapin muli sa isip.  O kahit lingunin man lang ako.  Disappointed ako sa ikinikilos niya.  Gusto ko pa naman sanang mas makilala pa siya ng mabuti pero mukhang ayaw niyang ipagkatiwala ang lihim ng pagkatao niya sa akin.  Sa last period ko, magkatabi kami ni Kei sa upuan.  Nang pumasok sa klase si Erno, tila nag-iba ang ihip ng hangin.  Umupo siya sa tabi ko.  Nagkatinginan kami, ngunit nag-unahan rin sa pagbawi ng tingin.

CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon