XXV. THE DREAM
Isang limang taong gulang na batang babae ang nakasakay sa isang kotse kasama ang kanyang ama't ina. Masayang-masaya siya dahil kakain sila sa Jollibee. Tuwang-tuwa siya habang papunta roon dahil marami siyang nakikitang magandang tanawin habang patuloy na umaandar ang sinasakyan niyang kotse.
"Dad, dapat ako lang ang baby mo ha?" magiliw na tanong ng bata sa amang nagmamaneho.
"Siyempre naman. Halika nga rito, baby. Kiss muna si Daddy," masuyong sagot ng ama.
"Sweetheart naman. Mag-concentrate ka nga sa minamaneho mo. Nasa high way tayo," galit na sabi ng asawa nito na nakaupo sa backseat.
"Janet naman. Nilalambing ko lang 'tong baby natin." Ngunit sa muling paglingon nito sa daanan nila, may kasalubong na silang isang malaking trak. Sumalpok ang kotseng sinasakyan nila sa kasalubong na trak. Duguan ang ulo ng ama, pati ang asawa nito na nasa backseat. Kataka-takang wala man lamang tinamong sugat ang batang babae na niyakap ng ama nito upang iligtas sa malagim na aksidente.
"Mommy, Daddy..." umiiyak na panaghoy ng kaawa-awang bata.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOUR
ParanormaalIsang brutal na pagpatay sa isang pamilya ang nagbunga ng hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa buhay ni Fille. Nakilala niya ang dalawang taong tila may inililihim tungkol sa kanilang pagkatao. Ano ang kaugnayan niya sa buhay ng dalawang ito...