XIX. TRUTHS AND LIES
"Sa palagay niyo ba oxygen ang isa sa mga clues?" nag-aalangang tanong ni Kei sa mga kasama. "Eh anong kinalaman no'n sa krimen?"
"'Yan ang dapat nating malaman," sabi ko.
"Bakit nga pala umalis si Erno?" tanong ni Carla. "Mas nakakapag-isip pa naman ako ng malalim 'pag may gwapo sa harap ko." Hindi ko ma-imagine na nagagawa pa niyang magbiro sa gano'ng uri ng sitwasyon. Kaya nayayamot na itinanong ko sa kanya kung totoo ba talagang napanaginipan niya ang mga nangyari.
"Oo naman. Hindi ako magsisinungaling sa bagay na 'yon. You'll think I'm joking kasi positive lang talaga ang outlook ko sa buhay. At saka mahilig lang talaga ako sa gwapo," nakangiting sabi ni Carla. "Clues ang expertise ko. Magaling akong maghanap ng mga clues. Pero ang mga clues, may expiration ang mga 'yan. Meaning, dapat na nating malaman ang lahat ng clues."
"Gaano ka kasigurado na oxygen nga ang first clue?" tila naiinip na tanong ni Lou.
"I'm 100 percent sure, dahil sa nangyari kay Fille, iyong biglaan siyang hindi na makahinga."
"Pero hindi naman sa kawalan ng hangin namatay ang pamilya ni Erno, di ba?" kumokontrang pahayag ni Lou.
"Clue lang 'yon. And we're not even sure that they are all dead. Erno was also brutally shot. I saw it in my dreams. Pero nabuhay siya ng walang nakakaalam kung pa'no," paliwanag ni Carla.
Paano nga kaya nabuhay si Erno sa multiple gunshots na tinamo niya?
"I was just thinking... Fille. Can you really read minds?"
"Not really. We're just able to communicate using our minds. Not all the time, anyway. Sa tuwing malapit lang kami sa isa't isa o kunektado sa phone," paliwanag ko.
"And Lou can hear you anytime?"
"Yes."
"And Kei can feel everytime you're near?" Tumango ako.
"And I always dream about your phone number," sabi ni Carla. "I was just thinking that maybe you yourself is the biggest clue." Maya-maya pa, tumingin siya sa wrist watch niya. "Bakit ba wala pa si Erno? Sayang ang oras. He should be here by now." Tatawagan ko na sana si Erno nang bigla siyang dumating.
"May kailangan kayong malaman," sabi niya. Gulat na gulat kaming lahat dahil iyon ang unang beses na narinig namin siyang nagsalita. "I lied to all of you."
"Nakakapagsalita ka?" tanong ko. Sari-saring isipin ang pumasok sa isipan ko.
*Bakit, Erno? Bakit ka nagsinungaling? Tanong ko sa kanya sa isip. I couldn't find my voice just yet to speak to him. Ngunit hindi siya sumagot.
"You're a terrible liar!" galit na pag-aakusa ni Lou. "I've never believed in you from the start." Erno covered his face with his hands, then started crying.
"No, you didn't," sabi ni Carla.
"Tama na ang pagpapaikot mo sa amin!" galit na sabi ni Lou. Hinila niya ang shirt ni Erno na may print na 5. "Ngayon, sabihin mo sa amin. Ano ang kaugnayan ng oxygen?"
"Bitiwan mo siya, Lou. Tama na! Dapat nga maging masaya pa tayo, dahil nakakapagsalita siya," pag-awat ni Kei.
"Stop the argument, guys. We only got four days left to get all the clues. I don't care kung nakakapagsalita ka o hindi, Erno, I'm still willing to help you," sabi ni Carla.
*How could you do this to me? I trusted you. Sino ka ba talaga?
Naiiyak na talaga ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tunay niyang pagkatao.
*Why don't you answer me freak? Masarap ba akong paikutin at paglaruan?
Biglang sumakit ng husto ang ulo ko.
"Kalimutan niyo na ang lahat ng mga sinabi ko. Hindi totoo ang lahat ng 'yon!" sabi ni Erno.
"Imposibleng hindi totoo 'yon, dahil alam kong may nakita talaga akong mag-asawang pinatay, at babaeng ginahasa..." sabi ni Kei.
"Tama na, tumahimik ka. Wala kang nakita dahil bulag ka!" sigaw ni Erno.
*Walang reason para magsinungaling ka tungkol sa pamilya mo. Pero bakit nagpanggap kang hindi nakakapagsalita? Bakit pati ako kailangan mong lokohin?
#I think something weird is going on here, boses iyon ni Lou na narinig ko sa isip ko.
#Umalis lang siyang saglit, tapos pagbalik niya, biglang nakakapagsalita na siya.. at sinasabi pa niya sa atin na nagsinungaling siya. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.
*Naririnig rin kita sa isip ko, Lou. Bakit hindi ako kinakausap ni Erno sa isip? Bakit hindi man lang niya sinusubukang magpaliwanag?
#I have a feeling that he can't hear us now.
Nagkatinginan kami ni Lou. Was it possible na biglang nawala ang mind talking ability ni Erno?
#Erno, look at me, if you can hear me...
Hindi lumingon sa kanya si Erno. Kausap niya pa rin si Carla at pilit niya itong pinaniniwala na walang krimeng naganap at inimbento lamang niya ito.
#It's confirmed. He can't hear our thoughts now. Iniisip ko, Fille, that maybe he was the one who killed his family, and he's trying to cover it up that's why he doesn't want us to get involved...
Before I could answer, tumawag ang mom ko with an unexpected news, na umuwi na daw ang dad ko so I have to get home as soon as possible. I've missed my dad so much at maraming bagay akong gustong itanong sa kanya, mula pa noon. Mabait ang mom ko, pero hindi ko alam kung bakit mas malapit ang loob ko sa dad ko. Matagal na silang naghiwalay pero walang araw na hindi ko siya naalala. Kaya hindi na ako nagpaalam sa kanila. Nagmadali ako sa pag-alis.
#Saan ka pupunta? Ano'ng problema?
*It's a personal matter, Lou. I'll just meet my dad today.
#Okay, if you really have to leave. Pero wag kang makulitan sa akin kung magtetext ako sa 'yo from time to time. I'll just be checkin'. I don't trust Erno anymore.
*Thanks. Be careful, Lou. We are not sure that he really can't hear us. He might hear you. I hated to say it but I added anyway. *He might be dangerous.
Sa huling pagkakataon, tinitigan kong muli si Erno. Gwapo pa rin siya pero parang biglang nawala ang appeal niya sa akin. Napatingin ako sa naka-print na no.5 sa T-shirt niya. Hindi ko alam kung bakit natuon ang paningin ko roon. Bigla ko lang naisip na baka clue rin iyon sa mga nangyayaring misteryo. I pushed that out of my mind. I was so happy that I could finally see my dad again. It was time to temporarily push Erno out of my mind.
Emotional ako nang muli kong makita ang dad ko. Incredibly, he was wearing his favorite shirt, iyong may number 4. Hindi ko makakalimutan ang jersey na 'yon dahil iyon ang suot niya noong huli kaming magkita, bago niya ako iniwan sa mom ko. Nakapagtatakang hindi man lang tumanda ang anyo niya. Matagal ko siyang niyakap. But there was something unusual about the incident. Mukhang ang saya-saya kasi nila ni mommy. Kailan pa sila naging masaya? At parang hindi siya excited na makita ako ulit, parang hindi man lang niya ako pinansin.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOUR
ParanormalIsang brutal na pagpatay sa isang pamilya ang nagbunga ng hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa buhay ni Fille. Nakilala niya ang dalawang taong tila may inililihim tungkol sa kanilang pagkatao. Ano ang kaugnayan niya sa buhay ng dalawang ito...