X. FIRST IMPRESSION

894 29 1
                                    

X. FIRST IMPRESSION

"Anak, gising na.  May pasok ka pa," boses ni mommy 'yon na gumising sa akin.  Sinilip ko si Kei sa hinigaan niya noong nagdaang gabi.  Wala na siya roon.  Agad akong bumangon.  Napatingin ako sa cellphone ko, na nasa tabi ng unan ko.  Isinilid ko iyon sa bag ko, at naghanda na ako sa pag-alis.  Hindi na ako pwedeng mag-absent ulit dahil baka marami na akong mamiss na mga lessons.  Paglabas namin ni mommy ng ospital, a familiar car stopped in front of us.  Kotse 'yon ni  Erno.  Binuksan niya ang pinto ng kotse, at hinintay kaming sumakay.  Mukhang shocked si mommy.  Hindi niya siguro akalain na ang anak niyang nerd ay makakakilala ng isang kasinggwapo ni Erno.

"Ma, sabay na daw po tayo,"

"Classmate mo siya, Fille?  Ang thoughtful naman," sabi ng mom ko.  Sumakay kami sa kotse ni Erno.  Iniisip ko habang nasa biyahe kami 'yong huli naming napag-usapan sa ospital.  Hanggang sa basagin ng mom ko ang katahimikan at magpasyang kausapin si Erno.

"So, ano ang pangalan mo?  I'm Oliv, Fille's mom."

"Um. Ma, siya si Erno," ako ang sumagot.

"Oh I see.  You're a handsome, young man, Erno," sabi ng mom ko.  "Tagasaan ka?"

*Please talk.  Hindi ka ba nakakapagsalita, Erno?  Why did Dominika try to talk to you if you're mute?

Ngunit hanggang sa makarating kami sa bahay, hindi pa rin siya nagsasalita.  Hindi rin niya ako kinakausap sa isip.  Napakahirap talagang basahin ng bawat kilos ni Erno, kaya alam kong hindi siya pangkaraniwan.  Ano nga kaya ang dahilan kung bakit hindi pa siya nagsasalita?  I know he was trying to tell me about it in the hospital, pero hindi natapos ang pag-uusap namin.  Mom asked him another question, but instead of replying, itinodo niya ang volume ng radyo sa kotse niya.  Hindi maipinta ang anyo ng mom ko.  Halatang hindi naging maganda ang first impression niya sa weirdong si Erno...

CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon