THIRD PERSON POV
Kinakabahang pumasok ang isang lalaki sa kwarto ng babae na halatang kanina pa siya hinihintay. Nasa mata ng babae ang pananabik nang makita ang lalaki.
Babae: Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay.
Mabilis na yumakap ng mahigpit ang babae sa lalaki na ginantihan naman ng mas mahigpit na yakap ng lalaki.
Lalaki: Nahihirapan akong tumiyempo. Hinintay ko munang makatulog si utol. Alam mo namang hindi pwede ang relasyon nating ito.
Kumawala sa pagkakayakap ng lalaki ang babae at umirap.
Babae: Kailan pa naging mali ang magmahal? Nagmamahalan tayong dalawa. Bakit napakalupit ng mundo sa atin? Bakit hindi tayo pwedeng maging masaya?
Nahahapong napabuntung-hininga ang lalaki.
Lalaki: Maging ako man ay napapagod na sa palagi nating ginagawa, mahal ko. Nagkikita tayo nang patago. Hindi tayo malayang maisigaw sa mundo ang pagmamahalan nating dalawa. Hindi ko maipagmayabang sa mga tao ang babaeng mahal ko. Nalulungkot ako, mahal ko. Nalulungkot ako at nasasaktan.
Makikita sa mata ng lalaki ang kalungkutang matagal nang kinikimkim sa sarili. Nahabag ang babae sa anyo ng kasintahan at muli itong niyakap.
Babae: Kalimutan natin ang lahat ng problema natin ngayong gabi. Malaya tayong maipaparamdam sa isa't isa ang ating pagmamahalan sa apat na sulok ng kwartong ito. Tulog na ang kapatid mo at paniguradong bukas pa ang uwi ni Ate. Walang makakapigil sa bugso ng ating damdamin.
Sa mga sumunod na mga sandali ay ipinalasap ng dalawang tao sa loob ng maliit na silid na iyon ang kanilang pagmamahal sa isa't isa. Nag-uumapaw at naglalagablab ang kanilang bawal na pag-ibig sa ibabaw ng malambot na kama ng babae. Naging saksi ang kwartong iyon sa mga mabining halinghing ng babae at malakas na ungol ng lalaki.
Pinuno ng lalaki ang mga naging pagkukulang niya sa babae sa pamamagitan ng pag-iisa ng kanilang mga katawan. Sa bawat pag-indayog ng kanilang mga katawan ay nakikisabay ang malakas na ulan na maririnig sa buong kabahayan.
Nang gabing iyon ay nabuo ang isang kasalanan.
----------
Galit na galit na inihagis ni Maxine ang short brown envelope sa harap ni Marcus. Naguguluhan si Marcus habang nakatunghay ang mga mata sa envelope na nasa mesa.
Marcus: Ano ang ibig sabihin nito, Maxine?
Nanlilisik ang mata ni Maxine na nakatingin kay Marcus.
Maxine: Bakit hindi mo buksan nang malaman mo?
Kinakabahan man ngunit nilakasan ni Marcus ang loob at binuksan ang brown envelope sa harap niya. Hindi siya makapaniwala sa nakitang laman nito. Naguguluhan siya sa mga pangyayari. Umangat ang tingin niya kay Maxine na nanginginig pa rin sa galit.
Maxine: Taksil ka! Sa mismong pamamahay pa mismo nating dalawa!
Mabilis na tumayo si Marcus para aluin ang babae. Pero umatras ang babae at itinaas ang kanang kamay na sinasabing huwag siyang lumapit dito.
Maxine: Huwag kang lalapit! Matapos mong makipagtalik sa sarili mong pinsan ay huwag kang magkakamaling ilapat ang mga kamay mo sa balat ko! Hayup ka!
Marcus: Maxine…
Unti-unti nang tumulo ang mga luha mula sa mata ni Maxine. Magkahalong galit at sakit ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Para siyang mauubusan ng hangin sa katawan at nahahapong sumandal sa lababo ng kusina.
Maxine: Bakit mo nagawa sa akin ito, Marcus? Bakit?
Naguguluhan si Marcus sa mga nangyayari at napatingala sa itaas na wari ay naroon ang mga kasagutan sa kanyang mga tanong.
Marcus: Maxine, maniwala ka. Hindi ko alam kung paanong…kung paanong nangyari 'yan. Hindi ko ginalaw si Nicole. Maniwala ka.
Naroon sa mata ni Marcus ang pagmamakaawa. Umiling lamang si Maxine.
Maxine: Masakit man sa akin ito pero kailangan na nating maghiwalay, Marcus.
Biglang nagpanting ang tainga ni Marcus.
Marcus: Ano?! Hindi man lang ba natin pag-uusapan 'to, Maxine? Hindi mo man lang ba ako pakikinggan?
Nanginginig pa rin sa galit ang babae.
Maxine: Pakinggan?! Nariyan na lahat ng ebidensya na kailangan ko! Pinagtataksilan mo ako at ng pinsan mong si Nicole! Hindi kita mapapatawad, Marcus! Hindi!
----------
Sa isang restaurant sa di-kalayuan ay pasimpleng inabot ng babaeng kulay pula ang buhok ang puting sobre sa lalaki.
Babae: Mahusay ka, bata. Hindi mo ko binigo. Paniguradong matutuwa si Maxine nito.
Humigop ang babae sa kapeng nasa tasa. Ngumisi ang lalaki.
Lalaki: Ang lagay ba ay ganoon na lang? Hindi pera niya ang kailangan ko. Si Nicole ang kailangan ko.
Matamis na ngumiti ang babae.
Babae: Huwag kang mag-alala. Nasa mabuti siyang kalagayan. Ang kailangan nating alalahanin ay si Marvin. Hindi stable ang pag-iisip ng isang 'yon. Baka maisip pa niyang itanan si Nicole? Kailangang maidispatsa mo na siya. Maliwanag?
Ngumiti ng malademonyo ang lalaki.
Lalaki: Areglado.
----------
BINABASA MO ANG
Daddy, Patikim...
General FictionSi MARCUS QUIJANO, iniwan ng asawa rahil sa isang pagkakamaling hindi niya kontrolado. Isang Daddy na hahangaan ng maraming babae ngunit sa huli ay isa lamang ang magwawagi. Sino ang mas may karapatan? Ang babaeng inakala niyang anak niya ng napakar...