KABANATA 20

1.2K 9 7
                                    

THIRD PERSON POV

Ibinaba ni Glenn sa tabi ng tasang may lamang kape ang kaninang binabasa niyang newspaper at tiningnan ang asawang si Maxine na posturang-postura nang mga oras na iyon.

Glenn: Mukhang may lakad ka ngayon, love. You look lovely and elegant as always.

Muling pinasadahan ng tingin ni Glenn ang magandang mukha ng asawa.

Light makeup lamang ang inilagay ni Maxine sa mukha nito at para sa araw na iyon ay nagsuot ito ng white maxi dress na may mataas na slit sa kaliwang bahagi showcasing Maxine's smooth leg.

Marahang pinahid ni Maxine ang gilid ng bibig nito gamit ang table napkin.

Tipid na ngumiti si Maxine kay Glenn at pagkatapos ay ibinaling ang tingin nito sa mga pagkaing nasa mesa. Breakfast time iyon at sabay na nag-aalmusal ang mag-asawang Silva bago pumasok sa trabaho si Glenn.

Maxine: Makikipag-meet ako sa aking mga amiga, love. It's been weeks mula nang huli ko silang makita.

Tumango-tango si Glenn habang nakangiting tinitingnan ang asawa.

Glenn: Maiba ako. Nag-message na bang muli sa 'yo si Kitten pagkatapos ang kanyang huling mensahe na ayos lang siya sa poder ni Marcus?

Biglang sumama ang mukha ni Maxine nang marinig ang pangalan ng dating asawang si Marcus.

Maxine: Unfortunately, hindi pa. Hindi ko nga alam diyan kay Kitten kung bakit sa dinami-rami ng kanyang mga kaibigan ay doon pa sa busabos na lalaking iyon ipinagsiksikan ang kanyang sarili.

Inabot ni Maxine ang baso ng tubig sa harapan nito at sinaid ang laman niyon bago muling nagsalita nang mailapag nang muli sa ibabaw ng dining table ang baso.

Maxine: Alam ko naman ang kakayahan ng lalaking iyon. Paniguradong hindi komportable si Kitten sa lungga ng lalaking 'yon.

Mapaklang tumawa si Glenn.

Glenn: Hindi ba rapat sarili mo ang sisihin mo rahil hinayaan mong matanggap ni Kitten ang bawat regalo, greeting cards, at sulat na ibinibigay ni Marcus sa bawat mahahalagang okasyon ng kanyang buhay?

Nagkibit-balikat si Glenn.

Glenn: Kung hindi sana niya nabasa ang mga sulat ay hindi sana niya iisiping may pakialam pa rin sa kanya ang kanyang tunay na ama after all these years.

Bumalatay ang inis sa magandang mukha ni Maxine.

Maxine: Kahit papaano ay may karapatan si Marcus sa anak namin. Siya pa rin ang ama.

Humalukipkip si Maxine at malalim na nagbuntung-hininga.

Maxine: Malay ko bang maiisipan pang makipaglapit ni Kitten kay Marcus, eh, sa mga nakalipas na taon ay paniwalang-paniwala siya sa kasinungalingang sinabi ko tungkol sa kanyang ama.

Hindi makapaniwalang umiling si Maxine.

Maxine: Tapos ay bibiglain niya tayong dalawa na gusto muna niyang tumira sa lalaking iyon para mas makilala niya ito. Mamaya ay kung anu-anong mga paninira na tungkol sa akin ang sinasabi ni Marcus sa aking anak.

Nanggigigil ang mukha ni Maxine nang tumingin kay Glenn.

Maxine: Hinding-hindi ko mapapatawad si Marcus kapag may sinabi siya kay Kitten na hindi maganda tungkol sa akin. Pagbabayarin ko talaga siya.

Malakas na tumawa si Glenn na ikinakunot ng noo ni Maxine.

Glenn: Sabi nga nila, huwag mong gawin sa iba ang bagay na hindi mo gustong gawin sa 'yo.

Tumaas ang isang kilay ni Maxine dahil sa sinabing iyon ni Glenn.

Maxine: Plano ko ang dalawin si Kitten sa basurang bahay ng lalaking 'yon isa sa mga araw na ito. Para makita ko man lamang ang kalagayan ng aking anak.

Daddy, Patikim...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon