KABANATA 21

829 7 0
                                    

THIRD PERSON POV

Hanggang sa makauwi sa kanyang apartment unit ay parang gusto pa ring magalit ni Marcus sa kanyang sarili dahil nagpadala siya sa tuksong hatid ni Yessa. Pakiramdam niya ay nagkasala siya sa kanyang babaeng nililigawan na si Rowena.

Hindi alam ni Marcus kung bakit hindi niya napigilan ang kanyang sariling matukso sa ikalawang pagkakataong inakit siya ni Yessa.

Nang unang beses na inakit ni Yessa si Marcus ay umabot lamang sila sa paghahalikan at paghuhubad ng kani-kanilang mga saplot ngunit bago pa maipasok ni Marcus ang kanyang alagang magdudulot ng kakaibang sarap sa katawan ni Yessa sa loob ng yungib nito ay agad na bumalik siya sa kanyang huwisyo at napigilan niya ang pag-iisa ng kanilang mga katawan.

Nakatulong din kay Marcus sa pagkakataong iyon ang biglaang paglitaw ng imahe ni Rowena sa kanyang isipan kaya naging madali para sa kanya ang mapigilan ang muntikan nang pagpaloob ng kanyang malaking alaga sa loob ng yungib ni Yessa.

Ngunit sa ikalawang pagkakataong inakit ni Yessa si Marcus ay hindi na nakapagpigil pa si Marcus at agad na nagpatangay sa tawag ng laman. Marahil ay naipon na sa sistema ni Marcus ang samu't saring pagnanasang kanyang nararamdaman para sa iba't ibang babae.

Ang una ay ang pagnanasa ni Marcus kay Kitten. Simula nang tumira ang babae sa apartment unit ni Marcus ay hindi na niya napigilan ang kanyang sariling pagnasaan ito dahil sa angkin nitong kagandahan at kaseksihan.

Alam ni Marcus na hindi tamang pagnasaan niya si Kitten ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sariling madarang sa tukso at minsan ay pumapasok sa kanyang mga pantasya ang babae sa tuwing pinapaligaya niya ang kanyang sarili.

Sinusubukan naman ni Marcus na iwasan ang tuksong idinidulot ni Kitten sa kanyang sistema sa pamamagitan ng paglalagay ng sapat na distansya sa pagitan nilang dalawa lalo na kung silang dalawa lamang ang nasa loob ng kanyang apartment unit.

Nakatulong din kay Marcus na may dalawa siyang trabaho maliban pa sa kanyang ginagawang pagmamanman sa kanyang dating asawang si Maxine para hindi sila masyadong makapagkita ni Kitten sa isang buong araw. May trabaho rin si Kitten kaya hindi rin ito buong araw na nasa loob ng apartment unit.

Ngunit alam ni Marcus sa kanyang sarili na kahit nagtatagumpay siya sa pag-iwas kay Kitten ay hindi pa rin nawawala ang kanyang pagnanasa para rito. Ang distansya sa pagitan nilang dalawa ni Kitten ay nakatutulong lamang kay Marcus para hindi niya aksyunan ang pagnanasang kanyang nararamdaman para rito.

May mga pagkakataong gustong sawayin ni Marcus si Kitten sa tuwing nakasuot lamang ito ng sobrang maikling shorts at hapit na hapit na damit sa loob ng kanyang apartment unit lalo na kapag weekends. Ngunit alam ni Marcus na ipagtataka iyon ni Kitten kaya mas minamabuti na lamang niya ang huwag magsalita at ang iwasan ang mapanuksong tanawing ibinubuyangyang ni Kitten sa kanyang harapan.

Hindi naman maaaring sabihin ni Marcus kay Kitten ang kanyang totoong dahilan kung halimbawang sawayin niya ito sa mga isinusuot nitong damit na halos magpakita na ng kaluluwa nito.

Hindi komportable si Marcus sa ideyang sasabihin niya kay Kitten na bumabakat sa mga hapit na hapit nitong damit ang dalawang matigas na pasas na nasa ibabaw ng naglalakihan nitong mga bundok.

Hindi alam ni Marcus kung paanong sasabihin kay Kitten na halos lumuwa na sa mga sexy nitong pang-itaas na damit ang makinis na mga pisngi ng dalawa nitong nagtatayugang mga bundok nang hindi ito mao-offend.

Hindi rin sigurado si Marcus kung mamasamain ni Kitten o hindi kapag sinabi niya ritong halos nasisilip na niya ang dalawang singit nito sa sobrang ikli ng mga isinusuot nitong shorts.

Hindi rin kayang sabihin ni Marcus kay Kitten na may mga pagkakataong umaangat ang legholes ng mga isinusuot nitong maikling shorts sa tuwing tumutuwad ito na nagiging daan para hindi sinasadyang makita ni Marcus ang makinis na bottom part ng dalawang pisngi ng pang-upo ni Kitten.

Daddy, Patikim...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon