THIRD PERSON POV
Pasimpleng pinunasan ni Martin ang tumulong luha sa kanyang kanang pisngi habang nakatingin kay Xavier na nakaupo sa couch sa sala ng kanilang apartment unit at may tini-text ng kung sino sa phone nito habang may ngiting nakapaskil sa mukha nito.
Tumaas ang isang kilay ni Martin at humalukipkip nang makita ang ngiting sumilay sa mga labi ni Xavier. Bigla siyang nakaramdam ng selos. Naisip ni Martin na baka nakikipag-flirt si Xavier sa kung sinumang ka-text nito sa phone para ngumiti ito ng ganoon.
Parang gustong manibugho ni Martin sa kung sinumang dahilan ng ngiting iyon sa mga labi ni Xavier. Para kay Martin ay siya lang dapat ang maging dahilan ng mga ngiti ni Xavier at gusto niyang siya lamang ang nagpapasaya rito.
Pagkatapos nang may nangyari kina Martin at Xavier ay napansin na lamang ni Martin na nagsimula na siyang iwasan ni Xavier. Napakaagang gumigising ni Xavier para pumasok sa trabaho at kapag nagigising na si Martin ay nakaalis na ang kanyang roommate sa kanilang apartment unit.
Sa gabi naman ay nakakatulugan na ni Martin ang paghihintay kay Xavier na makauwi ito galing sa trabaho para sana sabay nilang kainin ang kanyang mga nilutong pagkain para rito. Gustung-gustong ipinagluluto ni Martin si Xavier para hindi na nito hanap-hanapin ang mga masasarap na putaheng iniluluto ng Ate Rowena nito at ma-realize ni Xavier na wala na itong hahanapin pa sa piling ni Martin.
Ang kaso ay sa tuwing nakakatulog si Martin at magigising siya ay sakto namang nasa loob na ng kwarto nito si Xavier. Hindi man lamang siya ginigising nito na ikinatatampo ni Martin.
Sa tuwing titingnan ni Martin ang mga pagkaing inihanda niya para kay Xavier ay hindi man lamang nagalaw ang mga iyon kaya alam ni Martin na hindi pinagkakaabalahan ni Xavier na silipin ang mga pagkaing iniluto niya para rito. At labis na ikinasasakit iyon ng puso ni Martin.
Sa tuwing wala namang pasok si Xavier ay nagkukulong lamang ito sa loob ng kwarto nito maghapon at lumalabas lamang para kuhain mula sa mga delivery riders ang mga pagkaing in-order nito online. At kapag babalik na ito sa loob ng kwarto nito ay hindi man lamang nito tinatapunan ng tingin si Martin na para bang may nakadidiri siyang sakit.
Talagang ginagawa ni Xavier ang lahat ng paraan para iwasan si Martin.
Ilang araw nang gustong kausapin ni Martin si Xavier ngunit hindi siya nakakakita ng pagkakataon. Pero ngayon ay naroon sa sala ng apartment unit si Xavier at hindi ito nagkulong sa loob ng kwarto nito hindi katulad ng madalas nitong gawin noong mga nakalipas na araw.
Naisip ni Martin na iyon na siguro ang magandang pagkakataon para kausapin niya si Xavier.
Pinasadahan ng kanang kamay ni Martin ang kanyang mukha para masigurong wala ng bakas ng luha roon at pagkatapos ay naglakad na patungo sa sala mula sa kusina para puntahan ang lalaking kanyang iniibig.
Hulog na hulog na ang loob ni Martin kay Xavier at hindi siya papayag na mapunta ito sa iba. Kung hindi ito mapupunta sa kanya ay mas mabuti pang walang makinabang dito.
Kaya naman handa na si Martin para ipagtapat kay Xavier ang kanyang nararamdaman para rito.
Malakas na tumikhim si Martin para makuha ang atensyon ni Xavier. Hindi naman siya nabigo rahil nag-angat ng ulo si Xavier mula sa pagkakayuko nito sa phone nito at nakakunot ang noong tiningnan si Martin.
Martin: N-napansin kong i-iniiwasan mo ako simula nang gabing may nangyari sa ating dalawa. B-bakit?
Nawala ang kunot sa noo ni Xavier at umiwas ito ng tingin kay Martin.
Xavier: H-hindi ko alam k-kung paano kita pakikibagayan pagkatapos ng nangyari, Martin. A-ayokong paasahin ka.
Napuno ng kalituhan ang mukha ni Martin dahil sa sinabing iyon ni Xavier.
BINABASA MO ANG
Daddy, Patikim...
General FictionSi MARCUS QUIJANO, iniwan ng asawa rahil sa isang pagkakamaling hindi niya kontrolado. Isang Daddy na hahangaan ng maraming babae ngunit sa huli ay isa lamang ang magwawagi. Sino ang mas may karapatan? Ang babaeng inakala niyang anak niya ng napakar...