GOOD NEWS FROM MARCUS

816 3 2
                                    

Sa loob ng isang studio ay naroon ang bida ng kwentong "Daddy, Patikim..." ni Mr. WOM na si Marcus.

Marcus: Magandang, magandang, magandang, magandang, magandang araw sa lahat ng readers ng "Daddy, Patikim...".

Kumaway pa si Marcus sa harap ng camera.

Marcus: So mabilis lang ito rahil mag-isa lang naman ako rito.

Malisyosong tumitig si Marcus sa harap ng camera.

Marcus: Kayo, ah. Baka bastos na naman 'yang iniisip niyong gagawin kong mag-isa ng mabilis, ha?

Pabiro pang umiling-iling si Marcus.

Marcus: So ito na nga. Dahil sa suporta ninyo sa kwentong ito ni Mr. WOM at dahil na rin gwapong-gwapo kayo sa akin, kaya naman naisipan niyang gumawa ng special chapter na ilalabas---

Tumigil sa pagsasalita si Marcus at muling malisyosong tumingin sa camera.

Marcus: Baka ibang ilalabas 'yang nasa isip niyo, ha? Huwag kayong dirty. Ilalabas ang special chapter bago ang final chapter ng story na 'to.

Nag-thumbs up si Marcus sa harap ng camera.

Marcus: Gets?

Mapang-akit na tumingin si Marcus sa harap ng camera.

Marcus: At syempre ang bida sa special chapter ay ang mananalong team sa Poll. Alam kong ako ang gusto ninyo, pero wala tayong magagawa.

Mayabang na nagkibit-balikat si Marcus.

Marcus: Paniguradong kapag isinama ako sa Poll ay wala nang makukuhang votes sina Rowena, Kitten, Yessa, at Maureen. Maawa naman kayo sa girls natin.

Malakas na natawa si Marcus sa sariling kalokohan.

Marcus: O siya. Sabi ko ay mabilis lang, pero ang dami ko na namang sinasabi.

Pa-cute na kumaway si Marcus sa harap ng camera.

Marcus: Huwag kalimutan, ah. Special chapter. Poll. At abangan ang update ng "Daddy, Patikim..." every second Tuesday at every third Friday of the month. Salamat sa inyong suporta, readers!

----------

Daddy, Patikim...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon