THIRD PERSON POV
Nanlalaki ang mga mata ni Maureen habang isa-isang tinitingnan ang mga larawan na kinuha niya mula sa loob ng brown envelope na ibinigay sa kanya ng private investigator. Nanginginig ang mga kamay niya. Hindi niya alam kung paano pakakalmahin ang sarili kaya pinalabas na muna niya ng study room ang private investigator.
Ini-lock ni Maureen ang pinto ng study room bago nagmamadaling binalikan ang mga pictures na inilapag niya sa ibabaw ng wooden table sa loob ng study room na iyon. Inisa-isa ulit niyang tingnan ang mga larawan. Humihiling na sana ay hindi siya namamalikmata. Hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking nasa larawan ay ang lalaking nakasama niya ng isang gabi. Gabing nagkasala siya sa kanyang boyfriend na si Martin.
Maureen: Ang ama ng anak ko ang siyang ama ni Kitten?
Hindi pa rin makapaniwala si Maureen at nanginginig ang mga tuhod na umupo sa swivel chair na nasa likod ng wooden table. Hinayaang malaglag ang mga pictures mula sa kanyang kamay at magkalat sa sahig.
Maureen: This is not happening.
Parang gustong maduwal ni Maureen. Ganoon ang nararamdaman niya habang pinagpapawisan ang sentido.
Maureen: Lumiliit ang mundo namin. Wala pa naman akong balak na ipakilala siya sa anak ko, tapos ngayon ay father siya ng best friend ko. The irony of life.
Hinilot ni Maureen ang sentido sa sobrang stress na nararamdaman niya.
Maureen: Hindi ko naman alam na itong Marcus Quijano na pinaiimbestigahan ko ay ang Marcus na kasama ko that night.
Muling bumalik sa isip ni Maureen kung paanong nakipagkilala si Marcus sa kanya rati.
Nasa loob na ng kotse ni Maureen si Marcus nang magpakilala ito na sa tingin ni Maureen ay hindi naman kailangan. Isang gabing pagniniig lang naman ang mangyayari sa kanilang dalawa.
Marcus: Marcus. At your service.
Iiling-iling si Maureen habang sinusulyapan si Marcus sa kanyang tabi. Lasing na talaga ang lalaki.
Maureen: What a small world it is. Argh!
Pinaimbestigahan ni Maureen si Marcus Quijano once na nalaman niyang doon pumunta si Kitten sa apartment ng father nito after nitong umalis ng malaking bahay ng stepfather nitong si Glenn. Kinailangan niya itong paimbestigahan para malaman kung hindi ito magiging sagabal sa mga plano nila ni Enrique.
Sinabunutan ni Maureen ang sarili.
Maureen: Mababaliw na ako. Pati sarili ko ay kinakausap ko na. Oh, wait. Enrique needs to know this.
Tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair si Maureen at inabot ang kanyang phone na nasa ibabaw ng wooden table. Tinawagan niya si Enrique. Ilang ring bago ito sumagot at mukhang hinihingal pa ito.
Maureen: Rick?
Enrique: Ma-Mau...
Pumikit ng mariin si Maureen at ikinuyom ang palad.
Maureen: You promised na hindi ka na magloloko kay Kitten, but what the heck are you doing right now, Enrique.
May diin sa bawat salitang binibigkas ni Maureen. Tuluy-tuloy lang ang paghahabol ng hininga ni Enrique mula sa kabilang linya.
Maureen: This is not good for our plans, Rick. Alam mong hindi ka pa napapatawad ni Kitten sa nakita niyang kissing moment ninyo ni Yessa and now may iba ka na namang kinakalantari.
Pigil na pigil si Maureen na sumabog ang inis kay Enrique. Nagtatagis ang mga ngipin niya habang nagsasalita.
Enrique: Ma-Mau, I-I pro-promise, I'm not wi-with someone ri-right now.
BINABASA MO ANG
Daddy, Patikim...
General FictionSi MARCUS QUIJANO, iniwan ng asawa rahil sa isang pagkakamaling hindi niya kontrolado. Isang Daddy na hahangaan ng maraming babae ngunit sa huli ay isa lamang ang magwawagi. Sino ang mas may karapatan? Ang babaeng inakala niyang anak niya ng napakar...