KABANATA 15

1.6K 8 2
                                    

THIRD PERSON POV

Kalalabas lang ni Kitten mula sa building ng company na kanyang pinagtatrabahuan nang may bumusinang kotse sa kanyang harapan na kanyang ikinagulat.

Nanlalaki ang mga mata ni Kitten dahil pamilyar sa kanya ang kotseng nasa kanyang harapan ngayon.

Ang kotse ng lalaking nakasagi sa siko ni Kitten sa mall noong isang araw na naging dahilan para tumapon sa kanyang suot ang iniinom na milk tea.

Ang kotse ni Xavier Marciano.

Agad na naningkit ang mga mata ni Kitten pagkakita sa mukha ni Xavier nang buksan nito ang bintana sa tabi ng passenger seat.

Kitten: At ano ang ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?

Napakamot si Xavier ng sentido nito.

Xavier: Itinanong ko kay Kuya Marcus kung saan ka nagwo-work. Kaya heto, sinusundo kita. Pambawi pa rin sa nagawa ko sa iyo sa mall noong nakaraan.

Kumunot ang noo ni Kitten.

Xavier: Nagmamadali pa akong pumunta rito rahil naisip kong baka hindi kita maabutan. Sumabay ka na, Kitten. Pupunta rin ako kay Ate Rowena ngayon.

Nakangiti ang mukha ni Xavier na naging dahilan para mapagtuunan ng pansin ni Kitten ang kagwapuhan nito.

Kung tutuusin ay pwedeng mag-artista si Xavier dahil sa gwapong mukha nito na may matangos na ilong at nangungusap na mga mata. Huwag nang idagdag pa ang kissable lips nito.

Nanlaki ang mga mata ni Kitten dahil sa kanyang naisip.

Talaga bang iniisip ni Kitten na kissable ang mga labi ni Xavier?

Xavier: Hey, Kitten. Sumakay ka na. Baka mag-cause pa ako ng traffic dito?

Nagulat pa si Kitten nang muling marinig ang tinig ng boses ni Xavier.

Nakatulala na pala si Kitten sa nakangiting mukha ni Xavier.

Humalukipkip si Kitten at nagtaas ng isang kilay.

Kitten: Hindi na. Kaya kong umuwing mag-isa. Umalis ka na. At saka inihatid mo na ako noong nakaraang araw. Okay na 'yon. Nakabawi ka na.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Xavier at parang nakikiusap itong tumitig kay Kitten.

Xavier: Sumabay ka na, Kitten. Please.

Ipinagdikit pa ni Xavier ang dalawang palad at parang nagmamakaawa kay Kitten.

Hindi napigilan ni Kitten ang mapangiti sa ginawa ni Xavier. Sa gwapo nito ay hindi bagay dito ang nagmamakaawa.

Isa pa ay nakikita naman ni Kitten sa mukha ni Xavier na genuine ang kagustuhan nitong makabawi sa kanya.

Malalim na nagbuntung-hininga si Kitten bago nagsalita.

Kitten: Sige na nga. Mamaya makaabala ka pa sa mga sasakyan.

Mahinang tumawa si Kitten dahil malabo namang mangyari iyon dahil napakalawak ng kalsada at hindi naman talaga nakaharang sa daan ang sasakyan ni Xavier.

Bumalik ang sigla sa mukha ni Xavier at sobrang laking ngiti na ang nakapaskil sa mga labi nito.

Akmang bubuksan na ni Kitten ang pinto ng passenger seat nang bigla siyang pigilan ni Xavier.

Xavier: Hep! Diyan ka lang, Kitten. Hintayin mo ako. Bababa ako.

Napakunot ang noo ni Kitten.

Mabilis na bumaba ng kotse si Xavier at naglakad patungo sa tabi ng pinto ng passenger seat at binuksan ito.

Daddy, Patikim...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon