MARCUS' POV
Hay...
Anong oras na ba?
Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding ng aking kwarto.
Anak ng!
Alas onse y medya na pala.
Argh!
Bukas pa naman ang aking unang araw ng trabaho sa Yessa's Sweets Shop at hanggang ngayon ay gising pa rin ako.
Hindi ako makatulog dahil iniisip ko pa rin ang naging reaksyon ni Kitten nang aking sabihin sa kanyang natanggap ako bilang delivery boy sa Yessa's Sweets Shop kanina.
Totoo nga kayang pagod at gutom lang siya kaya tumaas ang tono ng kanyang boses nang kausapin ako kanina? Iyon nga kaya ang dahilan kung bakit parang kinabahan siya?
Tandang-tanda ko pa ang naging eksena sa living room ng aking apartment kanina.
Pasipol-sipol ako habang dahan-dahang pinipihit pabukas ang seradura ng pintuan ng aking apartment.
Good mood ako ngayon dahil unang-una ay nagkasama kami ni Rowena, my loves kahit ilang minuto lang. Sinundo ko ito sa paaralang pinagtatrabahuan nito para maihatid sa sarili nitong apartment.
Pangalawa ay dahil natanggap ako sa Yessa's Sweet Shop bilang bagong delivery boy. Marami pala ang nag-o-order sa bakeshop na iyon kaya kailangan ng owner ng bakeshop na si Yessa ng taga-deliver ng order ng customers nito.
Pagkabukas ko ng pintuan ng aking apartment ay agad akong pumasok sa loob ng aking bahay. Nakita ko ang aking anak na si Kitten na nakatayo sa sala ng apartment.
Nakasuot na ng damit-pambahay si Kitten kaya malamang ay kanina pa siyang nakauwi.
Marcus: Nakauwi ka na pala, anak.
Napansin kong nakatitig sa aking katawan si Kitten at nagulat pa siya nang ako ay magsalita.
Kitten: Ah, ka-kani-kanina lang. Hi-hinihintay ko po talagang makauwi kayo pa-para malaman kung pu-pumasa po kayo sa interview.
Nang marinig ko iyon ay nagkaroon ng malaking ngiti sa aking mukha.
Masarap pala sa pakiramdam iyong maririnig at malalaman kong may pakialam ang aking anak na si Kitten sa nangyayari sa aking buhay. Ilang taon ko ring hinintay ang ganitong pagkakataon.
Pero hindi ko alam kung bakit pinagpapawisan si Kitten. Para siyang kinakabahan.
Marcus: Ah, oo. Na-hire ako ng owner ng bakeshop. 'Yong Yessa.
Napansin kong parang nanlambot ang mga tuhod ni Kitten at dahan-dahang siyang napaupo sa sofa.
Nang mapaupo si Kitten sa sofa ay bigla siyang sumigaw.
Kitten: No!
Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakikitang hilakbot sa mukha ni Kitten.
Nag-aalala ako sa ayos ni Kitten kaya agad ko siyang dinaluhan sa sofa. Umupo ako sa kanyang tabi at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
Iniharap ko sa akin si Kitten bago ako nagsalita.
Marcus: A-ano ang nangyayari, anak? Ma-may masakit ba sa iyo?
Alalang-alala ako kay Kitten.
Pinagpapawisan ang sentido ni Kitten at malakas ang aking pakiramdam na kinakabahan siya. Hindi siya nagsasalita. Nakatitig lamang siya sa akin at nanlalaki ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Daddy, Patikim...
General FictionSi MARCUS QUIJANO, iniwan ng asawa rahil sa isang pagkakamaling hindi niya kontrolado. Isang Daddy na hahangaan ng maraming babae ngunit sa huli ay isa lamang ang magwawagi. Sino ang mas may karapatan? Ang babaeng inakala niyang anak niya ng napakar...