THIRD PERSON POV
Sumasakit ang ulo ni Maureen habang nakatingala sa kisame ng kanyang kwarto.
Hanggang ngayon ay iniisip pa rin ni Maureen kung paanong mapababalik ang kanyang kaibigang si Kitten sa mansyon ng stepfather nitong si Glenn.
Hindi pa rin kinokontak si Maureen ng kaibigang si Kitten tungkol sa whereabouts nito kaya hindi pa madali para sa kanya na puntahan ang kaibigan sa apartment unit ng ama nito.
Frustrated na hinawi ni Maureen ang kanyang buhok at bumulong sa hangin.
Maureen: Kung bigla naman akong susulpot sa apartment unit ni Kitten, paniguradong magtataka 'yon kung bakit alam ko kung nasaan siya ngayon. Baka malaman pa niyang nag-hire ako ng private investigator?
Bumangon mula sa pagkakahiga sa kanyang kama si Maureen at malalim na nagbuntung-hininga.
Kung wala lamang utang-na-loob si Maureen sa taong nag-uutos sa kanyang mapabalik si Kitten sa mansyon ng stepfather nito ay hindi sana siya namomroblema ngayon.
Pero ano ang magagawa ni Maureen?
Kung hindi rahil sa taong iyon ay baka sira na ang buhay ni Maureen ngayon o hindi kaya ay baka matagal na siyang kinuha ng langit.
Ayon sa kwento ng taong pinagkakautangan ng loob ni Maureen ay napulot siya nito noong sanggol pa lamang siya sa tabi ng isang kalsadang kilala na laging pinag-iiwanan ng mga sanggol ng mga magulang sa iba't ibang kadahilanan.
Iyon ang unang beses na napadaan sa kalsadang iyon ang taong nakapulot sa sanggol na si Maureen. Ang taong ito ang kumupkop sa kanya.
Sa isang bahay dinala ang sanggol na si Maureen at doon ay inalagaan siya ng isang nanny na kinuha ng taong kumupkop sa kanya. Hindi katagalan ay isa pang sanggol ang nakasama ng sanggol na si Maureen sa bahay na iyon. Ang sanggol na iyon ay si Enrique.
Linggo-linggo ay dinadalaw ng lalaking kumupkop kina Maureen at Enrique ang dalawang sanggol. Inayos ng taong ito ang lahat ng mga mahahalagang papeles para ito ang maging legal guardian ng dalawa sa tulong na rin ng malaking halaga ng pera.
Pinakain at pinaaral ng taong pinagkakautangan ng loob ni Maureen silang dalawa ni Enrique hanggang maka-graduate sila ng College.
Mga bata pa lamang sina Maureen at Enrique ay alam na nila ang katotohanang napulot lamang silang dalawa ng lalaki mula sa kalsada at nakatanin na sa kanilang isipan na malaki ang utang-na-loob nilang dalawa sa taong kumupkop sa kanila kaya naman marapat lamang na sundin nilang dalawa ang mga ipinag-uutos ng lalaki sa kanila.
Iisang bagay lang naman ang gusto ng taong kumupkop kina Maureen at Enrique at iyon ay ang mapanatili nilang nasa mansyon ng stepfather nito ang babaeng nagngangalang Kitten.
Nang unang makilala ni Maureen si Kitten noong High School ay naging magaan agad ang kanyang loob dito kaya naman kahit parte pa ng planong bantayan si Kitten ang pakikipaglapit dito ni Maureen ay bukal sa kanyang loob iyon.
Madali namang pakisamahan si Kitten kaya hindi nahirapan si Maureen na maging ka-close ito at sa huli ay naging kaibigan din nila si Yessa.
Hindi nagpahalata sina Maureen at Enrique na rati pa silang magkakilala kaya ilang buwan matapos ang unang pagkikita nina Maureen at Kitten ay saka pa lamang nakipag-close si Enrique sa magkakaibigang Maureen, Kitten, at Yessa.
Nasa High School si Maureen nang maramdaman niyang nahuhulog na ang kanyang loob sa kaibigan at kaklase niyang si Martin. Sa huli ay ipinagtapat ni Maureen ang kanyang nararamdaman para kay Martin at ganoon na lamang ang kanyang saya nang malamang may katugon ang kanyang damdamin para rito.
BINABASA MO ANG
Daddy, Patikim...
General FictionSi MARCUS QUIJANO, iniwan ng asawa rahil sa isang pagkakamaling hindi niya kontrolado. Isang Daddy na hahangaan ng maraming babae ngunit sa huli ay isa lamang ang magwawagi. Sino ang mas may karapatan? Ang babaeng inakala niyang anak niya ng napakar...