THIRD PERSON POV
Nagpalinga-linga si Maureen sa loob ng Yessa's Sweets Shop nang makapasok siya sa bakeshop na pagmamay-ari ng kanyang kaibigang si Yessa para hanapin ito. Ngunit mukha yatang wala sa loob ng bakeshop na iyon ang kanyang kaibigan.
Naisipan ni Maureen na puntahan ang kanyang kaibigang si Yessa sa bakeshop na pagmamay-ari nito para kumbinsihin itong humingi ng kapatawaran sa isa pa niyang kaibigang si Kitten para sa ginawa ni Yessa na paghalik sa boyfriend ni Kitten na si Enrique.
Hindi alam ni Maureen kung kailan muling magpapakita sa kanya ang lalaking kumupkop sa kanila ni Enrique para muli siyang tanungin kung ano na ang balita sa kanyang ginagawang pagpapabalik kay Kitten sa mansyon ng stepfather nito. At sa totoo lang ay wala pa ring maisip na epektibong paraan si Maureen para makumbinsi si Kitten na bumalik na sa malaking bahay ng stepfather nito.
Kaya naman umaasa si Maureen na ang kanyang ipakikiusap kay Yessa ang maging daan para maisipan na ni Kitten na bumalik sa mansyon ng Daddy Glenn nito.
Nakita ni Maureen ang cashier ng bakeshop na nakangiti sa kanya kaya naisipan niyang lumapit dito para itanong kung nasaan ang owner ng bakeshop na isa sa kanyang mga kaibigan.
Nang makalapit si Maureen sa counter ay agad siyang binati ng cashier na si Clara.
Clara: Good afternoon, Ma'am. How can I---
Hindi na pinatapos ni Maureen na magsalita ang cashier na si Clara at agad niyang hinanap ang kanyang kaibigang si Yessa rito.
Maureen: I'm looking for the owner of this bakeshop, Yessa Movellano. I'm her friend, Maureen Ulliguier.
Nakita ni Maureen ang pag-angat ng dalawang kilay ng cashier bago siya pinakatitigan.
Clara: Ahm, Ma'am Maureen. Wait lang po, ah.
Napakunot ang noo ni Maureen nang makitang may hinahanap sa ilalim ng counter ang cashier na si Clara.
Maya-maya ay may hawak ng papel ang cashier at may binabasa ito mula roon.
Clara: Ma'am, ano nga po ulit 'yong name niyo? Maureen Ulliguier, tama po ba?
Nagdududang tiningnan ni Maureen ang cashier bago niya tinapunan ng tingin ang hawak nitong papel.
Nang muling tingnan ni Maureen ang mukha ng cashier ay halatang naghihintay ito ng kanyang kasagutan. Tumango si Maureen at taas-noong sinagot ang cashier.
Maureen: Yes, ako nga. Maureen Ulliguier.
Tumango-tango muna ang cashier sa harapan ni Maureen bago ito umiling.
Clara: I'm sorry, Ma'am. Pero hindi niyo po pwedeng makita si Miss Yessa. Nasa listahan po ng "Yessa's Sweets Shop Blacklisted People" ang pangalan ninyo.
Nanlaki ang mga mata ni Maureen nang marinig ang sinabi ng cashier sa kanya.
Maureen: Blacklisted people? Ano ang ibig mong sabihin?
Pinipilit ni Maureen na pakalmahin ang kanyang sarili kahit may hinala na siya kung para saan ang listahan na iyon ng "Yessa's Sweets Shop Blacklisted People".
Nagbuntung-hininga muna si Clara bago ipinaliwanag kay Maureen kung bakit naroon sa listahan ng Blacklisted People ng Yessa's Sweets Shop ang kanyang pangalan.
Clara: Ganito po 'yan, Ma'am Maureen. Kapag narito po sa listahan ng "Yessa's Sweets Shop Blacklisted People" ang pangalan ninyo, ang ibig sabihin po ay hindi kayo maaaring kumain o pumasok man lamang dito sa loob ng bakeshop.
Napahigpit ang kapit ni Maureen sa kanyang bitbit na handbag sa kanyang kanang kamay habang pinoproseso ang sinabi ng cashier.
Maureen: B-bakit ako kasama sa listahan na 'yan?
BINABASA MO ANG
Daddy, Patikim...
General FictionSi MARCUS QUIJANO, iniwan ng asawa rahil sa isang pagkakamaling hindi niya kontrolado. Isang Daddy na hahangaan ng maraming babae ngunit sa huli ay isa lamang ang magwawagi. Sino ang mas may karapatan? Ang babaeng inakala niyang anak niya ng napakar...