KABANATA 8

3.1K 9 2
                                    

MARCUS' POV

Ang taba talaga ng utak ko.

Talagang ginamit kong paraan ang pag-a-apply ko sa Yessa's Sweets Shop bukas para mapalapit sa aking Rowena, my loves. Paano? Syempre bumili agad ako ng bio-data pagkauwi ko galing construction site. Kahit naman hindi ako nakatapos ng High School ay alam ko ang ilalagay sa bio-data. Pero nagpanggap akong kailangan ko ng tulong sa mga isusulat na impormasyon para maharot ko si Rowena.

I'm so proud of myself. O, English 'yon.

Pinuntahan ko agad si Rowena sa kanyang bahay para magpatulong. Siya pa ang nag-offer na sa bahay ko na lang gawin dahil hindi pa siya nakakapaglinis ng bahay galing trabaho.

Kita niyo 'yon? Concerned ang Rowena, my loves ko sa akin at doon pa sa maayos at malinis na lugar gusto niyang tulungan ako. Hindi lang 'yon. Maglilinis pa rapat siya pagkagaling ng school, pero mas inuna niyang tulungan ako.

How sweet! Oha, English ulit.

Kaya naman ay nandito kami ngayon sa aking apartment at magkatabi sa sofa habang tinutulungan niya ako sa paglalagay ng mga mahahalaga at tamang impormasyon tungkol sa akin sa bio-data.

Gusto kong tapikin ang aking sarili sa aking mahusay na plano.

Pasimple kong idinidikit ang aking kaliwang tuhod sa kanyang kanang tuhod habang nagsusulat ako sa bio-data. Pero rahil teacher si Rowena ay hindi siya basta-basta malilinlang ng isang tulad kong marami ng karanasan sa mga babae.

Rowena: Ano 'yan?

Napatigil ako sa pagsusulat nang marinig ko ang tanong na iyon ni Rowena.

Huli ka, Marcus. Manyakis ka kasi.

Unti-unti akong lumingon sa gawi ni Rowena. Nakita kong inginunguso niya ang kaliwang tuhod kong nakadikit sa kanang tuhod niya. Sinundan ko ang tingin niya. Bumalik uli ang tingin ko sa kanyang mukha.

Marcus: Alin?

Patay-malisya ka pa, Marcus, ah. Wala kang lusot kay Rowena. Lagot ka ngayon.

Rowena: 'Yang tuhod mo kumikiskis na sa tuhod ko. Akala mo siguro hindi ko mapapansin, ano?

Nandidilat pa ang mga mata ni Rowena. Pero, grabe, ang ganda pa rin niya.

Inalis ko ang pagkakadikit ng tuhod ko sa kanyang tuhod.

Marcus: Ikaw naman, my loves, parang napadikit lang.

Umirap si Rowena at inabot mula sa ibabaw ng maliit na mesa ng sala ang baso ng juice na ibinigay ko sa kanya kanina. Anak ng. Ang hot ng pagkakalunok ni Rowena sa juice. Parang ako ang natutuyuan sa pagkakatitig sa kanya.

Rowena: Napadikit?

Nakatulala na pala ako sa kanya at tapos na siyang uminom ng juice.

Marcus: Oo nga sabi. Saka, naramdaman mo na pala, pero hindi ka pa umiwas. Ikaw, my loves, ah. Gusto mo rin, eh.

Tinaas-baba ko ang aking mga kilay kasabay ng mapanuksong ngiti at pabirong pagkiliti sa kanyang kanang tagiliran gamit ang ballpen na hawak ko.

Nagpipigil na tumawang umiiwas sa ballpen si Rowena. Maya-maya ay tuluyan na itong umatras ng pagkakaupo.

Rowena: Marcus, tama na. Tapusin mo na 'yang sinusulat mo.

Animo ay isa ako sa mga estudyante niya kung pagsabihan. Tumigil ako sa pagkiliti ng baywang ni Rowena at seryoso siyang tinitigan.

Hay, ang ganda talaga.

Marcus: Kiss muna.

Ngumuso ako sa harapan ni Rowena at pumikit nang maramdaman kong may tumamang malambot na bagay sa mukha ko. Pagdilat ko ng mga mata ko ay nakita kong nasa sahig na ang isa sa mga throw pillow ng sofa.

Daddy, Patikim...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon