THIRD PERSON POV
Ipinilig ni Maureen ang ulo. Ayaw nang maalala ang pangyayaring pansamantalang nakalimot siya sa mga plano nila ni Enrique. Wala sa plano nila ang pagkakaroon niya ng anak, pero wala na silang magagawa at nangyari na. Nagbunga ang isang gabing pagtataksil niya kay Martin. Ngunit sa tuwing titingnan niya ang anak ay napapawi ang pagkadismaya sa sarili.
Wala siyang planong ipaalam sa ama ng anak niya ang pagkakaroon nila ng anak. Isang gabi ng kapusukan lamang iyon at walang ibang ibig sabihin. Kung aalalahanin niya ang hitsura at pag-uugali ng ama ng anak niya ay masasabi niyang wala itong sinasabi sa buhay at hindi iyon ang buhay na gusto niyang maranasan para sa anak.
----------
Oras ng 30-minute break nina Marcus at Bruce at naisipan nilang kumain ng fish ball. Halos pumutok na ang pisngi ni Bruce sa sunud-sunod na pagsubo ng fish ball. Natatawa rito si Marcus lalo na nang mabilaukan ito. Pinalo-palo niya ang likod ng kaibigan.
Marcus: Grabe, pare, parang isang taon kang hindi pinakain. Dahan-dahan naman.
Uubo-ubo pa si Bruce bago sumagot kay Marcus.
Bruce: Ang sarap kasi nitong kinakain natin at maliban doon ay pagod na pagod ako ngayon. Tirik na tirik pa ang araw.
Napansin ni Bruce na biglang natahimik si Marcus matapos tumawa kanina.
Bruce: Oh, pare, natahimik ka. Nabilaukan ka rin ba?
Sinundan iyon ng tawa ni Bruce. Nang hindi sumagot si Marcus ay sinundan nito ang hinahayon ng tingin ng kaibigan. Kaya pala natahimik si Marcus ay dahil binabasa ang nakasulat sa karatula ng bakeshop na nasa kabilang bahagi ng kalsada katapat ng kinatatayuan nila. Maliit lang ang bakeshop, pero mukhang malinis at namimintina ng maayos base sa nakikita mula sa labas.
Bruce: Wanted delivery boy.
Nanlaki ang mga mata ni Bruce at biglang kinalabit ang kaibigan na binabasa pa rin ang karatulang nakasabit sa pinto ng bakeshop.
Bruce: Kailangan mo ng dagdag income, pare, 'di ba? Lalo na ngayong nakatira ang anak mo sa iyo. Kahit pa sabihin nating may trabaho siya.
Maya-maya ay humarap si Marcus kay Bruce.
Marcus: May time pa naman tayo. Mag-i-inquire muna ako.
Nagulat si Bruce nang nagmamadaling tumawid sa kabilang gilid ng kalsada si Marcus. Sumunod ito sa kaibigan. Pumasok sina Marcus at Bruce sa loob ng bakeshop. Hindi marami ang tao sa oras na 'yon. Lumapit ng counter sina Marcus at Bruce. Nabasa nila sa nameplate ng cashier ang pangalan nito. Clara ang nakalagay doon.
Clara: Good afternoon. Welcome to Yessa's Sweets Shop.
Sinabi agad ni Marcus ang pakay sa pagpasok doon.
Marcus: Ah, itatanong ko lang 'yong nakasabit sa labas. Kailangan niyo pa ba ng delivery boy?
Nagliwanag ang mukha ni Clara.
Clara: Ah, yes. Kung interesado po kayo, magpasa lang kayo ng resume or bio-data. Ang mag-i-interview po sa inyo ay ang owner ng bakeshop. Si Miss Yessa. Kaso nakauwi na po siya. Half-day lang siya ngayon. Kung hindi po abala sa inyo, balik po kayo bukas ng umaga para sa interview.
Tumango si Marcus. Pagkatapos ay ngumiti kay Clara.
Marcus: Okay, babalik ako bukas. Ako nga pala si Marcus Quijano. Sabihan mo na ang Miss Yessa mo na may mag-a-apply ng delivery boy. Salamat.
Ngumiting muli si Marcus kay Clara at pagkatapos ay tumalikod na. Kasunod niya pa rin si Bruce.
Bruce: Sana matanggap ka, pare. Dagdag income din 'yon.
BINABASA MO ANG
Daddy, Patikim...
General FictionSi MARCUS QUIJANO, iniwan ng asawa rahil sa isang pagkakamaling hindi niya kontrolado. Isang Daddy na hahangaan ng maraming babae ngunit sa huli ay isa lamang ang magwawagi. Sino ang mas may karapatan? Ang babaeng inakala niyang anak niya ng napakar...