THIRD PERSON POV
Naiirita si Martin dahil hindi niya nasilayan ang hitsura at pangangatawan ng ama ng kaibigan ng kanyang girlfriend na si Maureen.
Hindi nakita kanina ni Martin si Marcus Quijano, ang ama ni Kitten.
Nang makiusap si Kitten kay Martin na huwag niyang sasabihin kahit kanino na nagkita silang dalawa ngayong araw ay sumang-ayon si Martin kapalit ng isang kondisyon.
Ang hininging kondisyon ni Martin kay Kitten ay ang payagan siya ni Kitten na sumama rito at sa kanyang ultimate crush na si Xavier sa pagpunta ng mga ito sa lugar kung saan naroon ang apartment unit ng ama ni Kitten at ng kapatid ni Xavier na si Rowena.
Sinabi ni Martin kay Kitten na curious lang siya kung saan tumutuloy si Kitten ngayon at para na rin kapag nangailangan ng tulong si Kitten ay madali itong mapupuntahan ni Martin para tulungan.
Pumayag naman si Kitten at nagpasalamat sa concern na ipinapakita ni Martin dito.
Madali namang nakumbinsi nina Martin at Kitten si Xavier na sumama si Martin sa mga ito sa kadahilanang gusto lang niyang sumama rahil bored na siya sa apartment unit nila ni Xavier.
Kaso pagkarating nina Martin, Kitten, at Xavier sa apartment na inuupahan nina Marcus at Rowena ay wala pa roon si Marcus. Hindi pa ito nakakauwi galing trabaho.
Matapos magtingin-tingin ni Martin ng kung anu-anong gamit sa loob ng apartment unit ni Marcus ay nagsabi siya kay Kitten na samahan siya nito sa apartment unit ng ate ni Xavier.
Nag-alangan pa si Kitten ngunit napahinuhod din ito ni Martin at pagkarating nga nina Martin at Kitten sa apartment unit ni Rowena ay agad na ipinakilala ni Martin ang sarili sa kapatid ng kanyang lalaking hinahangaan.
Tandang-tanda pa ni Martin ang mga naging kaganapan sa loob ng apartment unit ng kapatid ni Xavier kanina.
Martin: Hello po, Ate Rowena. Martin Gaviales po, new roommate po ng kapatid ninyo.
Nakipagkamay si Martin kay Rowena at ngiting-ngiti siya habang nakatitig sa mukha ni Rowena.
Martin: Ang ganda niyo po pala. May pinagmanahan naman po pala ang kagwapuhan ni Xavier.
Naiilang na ngumiti si Rowena kay Martin at pasimple nitong hinatak ang kamay nitong hindi pa rin binibitiwan ni Martin.
Martin: Nabanggit po sa akin ni Xavier na masarap daw po kayong magluto, Ate Rowena. Pareho po pala tayo. Hilig ko po ang magluto.
Sandaling nilingon ni Martin si Xavier.
Martin: Kaya nga po itong kapatid ninyo ay palagi ko pong ipinagluluto. Pangako po, habang ako po ang kasama ni Xavier sa apartment unit namin ay hindi ko po siya hahayaang magutom. Aalagaan ko po ang kapatid ninyo.
Si Rowena ay hindi alam ang sasabihin sa mga sinasabing iyon ni Martin.
Pakiramdam ni Rowena ay parang sobrang komportable na agad ni Martin dito kahit iyon pa lamang ang kanilang unang pagkikita.
Si Xavier ay napakamot ng batok nito at nahihiyang tumingin sa kapatid nitong si Rowena.
Si Kitten ay naninibago sa mga ikinikilos ng boyfriend ng kaibigan nitong si Maureen.
Parang gustong isipin ni Kitten na pinapabango ni Martin ang sarili kay Rowena para sa kapatid nitong si Xavier.
Kung hindi lang alam ni Kitten na boyfriend ng kaibigan nito si Martin ay iisipin talaga nitong may gusto si Martin kay Xavier.
BINABASA MO ANG
Daddy, Patikim...
General FictionSi MARCUS QUIJANO, iniwan ng asawa rahil sa isang pagkakamaling hindi niya kontrolado. Isang Daddy na hahangaan ng maraming babae ngunit sa huli ay isa lamang ang magwawagi. Sino ang mas may karapatan? Ang babaeng inakala niyang anak niya ng napakar...