MARCUS' POV
Bigla akong tumuwid ng pagkakaupo mula sa aking pagkakasandal sa sandalan ng driver seat na aking kinauupuan sa loob ng isang kotse nang makita kong lumabas na mula sa isang motel ang isang babae.
Ito ang babaeng pinapamanmanan sa akin ng lalaking nangakong magbibigay ng malaking halaga sa akin kung matatapos ko ang aking misyon.
Ang ginagamit kong kotse sa pagmamanman sa babaeng ito ay nagmula rin sa lalaking nagbigay sa akin ng misyong ito.
Noong isang araw ay natanggap ko na ang paunang bayad sa akin ng lalaki katulad ng ipinangako nito at halos manginig ang aking kamay nang mahawakan ko ang ganoong kalaking halaga ng pera.
Paunang bayad pa lamang iyon pero maaari ng maging puhunan para sa isang maliit na negosyo.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang aking naramdaman nang mahawakan ko sa aking mga kamay ang napakalaking halaga ng paunang bayad na iyon na unang beses na nangyari sa aking buhay.
Kaya naman hindi na ako makapaghintay na matapos ko ang misyong ito para makuha ko na ang kabuuang bayad para sa akin.
Kahit paano ay natutuwa akong nakita kong muli ang taong nagbigay sa akin ng misyong ito.
Ang taong iyon na malaki ang parte sa aking nakaraan at masasabi kong isa sa mga taong aking pinagkakatiwalaan.
Nakatutuwang isiping hindi pa rin ako nakakalimutan ng lalaking iyon at ganoon pa rin kalaki ang tiwala nito sa akin para sa akin nito ipagkatiwala ang misyong ito.
Gusto ko sanang kumustahin ang lalaking iyon tungkol sa nangyari sa buhay nito matapos maghiwalay ang aming mga landas noon lalo na nga at bigatin na ito ngayon pero nagmamadali raw ito.
Kahit noong isang araw ay dalawa lamang sa mga tauhan ng lalaking iyon ang humarap sa akin para ibigay ang paunang bayad dahil sa rami raw ng ginagawa ng amo ng mga ito.
May mga sandaling gusto kong pagdudahan kung paanong nagkaroon ng ganoong kalaking yaman ang lalaking iyon pero pinairal ko ang aking tiwala rito.
Maraming taon ang pinagsamahan namin ng lalaking iyon at sa loob ng mga taong iyon ay buo ang aking tiwala rito.
Kaya siguro ganoon na lamang kadali para sa akin na tanggapin ang iniaalok na misyon ng lalaking iyon ay dahil sa laki ng aking tiwala rito kahit napakaraming taon na ang lumipas na hindi kami nagkita at nagkausap.
Agad kong kinuha mula sa loob ng camera bag ang camcorder na ibinigay din sa akin ng mga tauhan ng lalaking iyon kasama ang paunang bayad.
Marunong akong magmaneho kaya hindi na mahirap para sa akin ang imaneho ang kotseng ibinigay ng lalaking aking pinagkakatiwalaan ngunit wala akong ideya kung paano gamitin ang camcorder kaya naman kinailangan pa akong turuan ng mga tauhan ng lalaking iyon.
Hay, Marcus. Sana lang talaga ay hindi ka magkamali sa paggamit ng camcorder na ito.
Umiling pa ako rahil sa sinabing iyon ng aking isipan.
Sana nga lang talaga ay hindi ako magkamali sa paggamit ng camcorder na ito rahil kung may makukuhanan akong video ngayon na pwedeng magamit na isang magandang ebidensya ng lalaking nagbigay sa akin ng misyong ito ay baka mas maagang matapos ang aking misyon at makuha ko na ang kabuuan na bayad sa akin.
Dahan-dahang kong iniangat ang camcorder para hindi mahalata ng babaeng aking minamanmanan kahit na nga ba malayo mula sa motel ang pwesto ng kinapaparadahan ng aking ginagamit na sasakyan.
Lintik.
Bakit ako pinagpapawisan?
Ayusin mo 'to, Marcus. Hindi ka pwedeng magkamali.
BINABASA MO ANG
Daddy, Patikim...
General FictionSi MARCUS QUIJANO, iniwan ng asawa rahil sa isang pagkakamaling hindi niya kontrolado. Isang Daddy na hahangaan ng maraming babae ngunit sa huli ay isa lamang ang magwawagi. Sino ang mas may karapatan? Ang babaeng inakala niyang anak niya ng napakar...