Part 9

157 3 1
                                    


Wala ng balita si Louisse kay Bea.  Palaging nyang tinitingnan ang twitter, instagram at FB ni Bea.  Wala itong activity.  Nag message sya sa messenger.  Nangungumusta. 

Walang reply.

'Sobrang busy siguro.'

Sinadya nyang di magpunta sa dorm.  Di naman sila nag extend sa vacation nila.  Sinabi nya lang yon kay Bea para di sya kulitin nito na bumalik na ng dorm.

Ayaw nya makita na umalis na si Bea dala dala ang mga gamit nya.  Hindi nya kakayanin.

Nadurog ang puso nya ng makitang magkahiwalay na ang bed nila ni Bea.  Bumalik na ito sa dati na nasa magkabilang gilid.  Nang makitang wala ng laman ang closet nito at wala ng kalaman laman ang study table nito.   Napadapa sya ng higa sa kama ni Bea at iyak lang sya ng iyak.

Some very good things never last. 

Nag concentrate na lang si Louisse sa studies nya at volleyball.  Mas naging busy pa sya sa thesis nya.  Halos wala na syang oras gumala.  Ayaw din naman nya gumala.  Nasanay sya na si Bea ang kasama nya sa mga ganon.   Dorm, school, library at Gesu lang sya.

Naglalakad si Louisse pabalik sa Eliazo.  Katatapos lang ng class nya at wala naman silang training ngayong hapon kaya makakapagpahinga na sya sa wakas. 

Nico :  Hello, Louisse!

Louisse :  Hi, Nico!   Napasyal ka yata.

Nico :  Yes.  Yayayain sana kitang mag meryenda o early dinner?

Louisse :  Hmn.  Parang alam mo na wala kaming training ngayon, a!

Nico :  Yeah.  Nakasalubong ko si Maddie kanina.

Louisse :  Sige.

Nico :  Sa UPTC na lang tayo para malapit lang.

Louisse :  Okey.


Pagdating sa UPTC ay sa shakeys na sila kumain.  Type kasi ng pizza at chicken ni Louisse. 

Naalala na naman nya si Bea.  Madalas mag take out si Bea noon, nong magka room mate pa sila.  Sabay sila magdi dinner at magku kwentuhan.  Mag aasaran at kung ano ano pa. 

Nico :  Kumusta ka naman?

Louisse :  Ito.  Super busy pa rin.  Dami requirements.

Nico :  Ganyan talaga pag graduating na! 

Louisse :  Oo nga.  Parang si Bea noon.  Halos di na kami magkita sa mga projects at thesis nya!

Nico :  Kumusta na pala sya?

Louisse :  N-nasa Boston.  Masteral sa Harvard.

Nico :  Wow!  Napaka brainy talaga ni Bea.  Nakaka inggit naman sya!

Louisse :  Napakatalino talaga non!

Nico :  M-may communications pa rin kayo?

Louisse :  Super busy nya, e.

Yon na lang ang sinabi ni Louisse para wala ng matanong si Nico.

Nico :  Sabagay.  Puro researh yata sila don.  Swerte naman nya.  Nakapasok sya sa Harvard.

Louisse :  Napaka yaman din kasi.

Nico :  Yeah.  So, ano plan mo right after college?

Louisse :  Ayokong matali sa office.  Freelance lang siguro.

Meant To BeWhere stories live. Discover now