Part 33

228 6 2
                                    


Madaming linuto si Det.  Mga favorite foods ni Bea at Louisse.  Matagal tagal na rin na di sila nagkikita.  Maraming dahilan ang mag asawa kaya di nakakabisita sa kanila.

Elmer :  Dami naman ng hinanda mo.  Sino pa ang ibang ininvite mo?

Det :  Ang anak at manugang mo lang.

Elmer :  Wow! Parang bibitayin, a!

Bea :  Hi, mom, dad.

Nag kiss si Bea sa dad at mom nya.

Natigilan si Det at Elmer ng makita si Louisse.

Napakapayat na nito.

Elmer :  Hello, anak.

Niyakap na ni Elmer si Louisse at hinalikan sa buhok.

Det :  Hello, Louisse!  I miss you, anak!

Yinakap ng mahigpit ni Det si Louisse.

Louisse :  Hi, mom, dad.

Det : O, upo na tayo! 

Bea : Dami nito, mom.

Det :  Magpakabusog tayo!

Nagdasal na sila.

Marahan lang na kumakain si Louisse at nakatungo lang ito.  Nasa pagkain nya ang kanyang mga mata nakatutok.

Elmer :  How are you, guys?

Bea :  Okey lang, dad.

Det :  Di mo yata pinapakain si Louisse, Isabel!  Napakapayat na nya!

Nag angat ng tingin si Louisse at lumunok muna.

Louisse :  Wala po akong gana, mommy.

Det : Nagvi vitamins ka ba?  Magpa check up ka na kaya sa doctor, baka may di ka alam na sakit.  How do you feel?

Napaisip si Louisse.

Ano nga ba ang nararamdaman nya?

Sakit?

Oo, sakit.  Di sakit sa katawan,, kundi sakit sa puso.

Nangungulila.  Umaasa pa rin na makakabalik ang anak nya.

Louisse :  Okey naman po.

Bea :  Let's go to the doctor, baby.

Louisse : No!

Nagkatinginan ang mag asawang Det at Elmer.

Loel :  Kung buhay pa si Benjamin, makakabalik pa sya.  Try to move on na, sis, Louisse.

Elmer : Yes.  You are still alive and kicking, mga anak.  Ipagpatuloy nyo ang buhay.

Det : And Isabel, stop drinking!  Masama sa katawan yan.  Araw, araw ka daw uminom!

Napatungo na si Bea.

Sinasabi na nga ba nya na sermon ang aabutin nya sa lunch na ito.

Elmer :  Mga bata pa kayong dalawa.  Mahaba pa ang buhay nyo.

Louisse :  Di ko magawang kumain ng masarap, na baka nagugutom na ang anak ko.  Baka, wala syang makain kung nasaan man sya.  Baka inaapi sya ng kumupkop sa kanya.

Det : Louisse. Wag mo isipin ang ganyan, may mga mababait pa rin na tao dito sa mundo.  Yon ang ipagdasal natin.

Tahimik lang si Bea.  Ayaw nya magsumbong sa family nya ang present status ng relationship nila ni Louisse.

Loel :  Gawa na lang ulit kayo ng baby!

Napatingin naman silang lahat kay Loel.

Loel :  Sorry po.

Det :  I am sure na malulungkot din si Benjamin pag nalaman nya na naging ganyan kayo.  Nawala lang sya, tumigil na rin ang buhay nyo.  Mga anak, ganyan talaga ang buhay.  We lose some, we gain some.  Di tayo permanent na magkakasama.  Kay sulitin natin ang oras hanggat nandito pa tayo.  I saw how you love and took care Benjamin.  He is a very happy child.

Nakatungo na si Louisse at tumutulo na ang luha nya.

Bea is playing with her food naman.

Det :  Let's share good foods and some stories!


Madaming pinadalang pagkain si Det sa mag asawa.  Di naman nila naubos dahil sa dami.  At napaka sensitive ng topic nila kanina.

May purpose ang pag invite ni Det sa mag asawa kanina.  Para pagsabihan sila Louisse at Bea.

Sana.  Makabangon na sila pakonti konti.

Time heals all wounds.

Pagdating sa bahay ay dumiretso si Louisse sa kwarto nila ni Bea para maligo at magbihis.  Pagkatapos ay nagtungo na sya sa room ni Benjamin.

Laglag ang balikat ni Bea na naligo na rin.

'Bakit kami nagkaganito?'

'Di na ba nya ako mahal?'

Meant To BeWhere stories live. Discover now