Part 15

301 6 4
                                    


Nagkayak sila Bea at Louisse.  Very calm ang dagat kaya matiwasay na nag paddle lang si Bea.   Nakatingin naman si Louisse sa karagatan.

Nakatitig naman si Bea kay Louisse.

Bea : M-may nanliligaw na sa yo?

Napasulyap si Louisse kay Bea.

Louisse :  Wala po.

Bea :  Bakit naman?  Napakaganda mo kaya.

Louisse :  Thank you po.  Wala, e.

Bea :  Hasus, kung ako ang lalaki liligawan kita agad agad!  At pakakasalan!

Louisse :  Weeeee!

Bea :  Oo!  Promise!

Louisse : Ikaw.  May nililigawan ka na ba?

Bea :  Hmn.  Ayaw nya yata sa akin.  Hanggang kaibigan lang ako sa kanya.

Louisse :  Alam ba nya na mahal mo sya?

Bea :  Hindi ko alam.  Hindi.

Louisse :  Sabihin mo.

Bea :  N-nakakahiya, baka mabasted lang ako at iwasan na nya ako.

Louisse : Paano mo naman malalaman kung di mo susubukan?

Bea :  M-mahirap, e.

Pagkatapos magkayak ay nag jetski silang dalawa at sumakay silang anim sa banana boat.  Napapansin ni Louisse na dikit ng dikit si Marie kay Bea.

Palagi na itong nakasunod kay Bea after nong nag banana boat sila.

Marie :  Jetski tayo, Bea!

Bea :  Sige.

Sumakay na si Bea at nasa likod naman nya si Marie, mahigpit na nakayakap.

Habang nagke jetski sila Marie at Bea at nakatitig lang si Louisse sa kanila.  Naka pout na ito.

Bago bumaba si Marie sa jetski at hinalikan nito si Bea sa pisngi.

Marie :  Thanks, Bea!  Sobra akong nag enjoy!  Napakagaling mo mag drive!

Nakaupo lang sa buhangin si Louisse.  Nasa may cottage naman sila Rex, Trey at Bianca.

Bea :  Hi!  Bakit mag isa ka lang dito?

Louisse : Iniwan mo ako, e!

Bea :  Hahahahaha!  Niyaya kasi ako ni Marie na mag jetski.

Louisse :  At pumayag ka naman!

Bea :  Nakakahiyang tanggihan.

Tumayo na si Louisse at nagpunta sa cottage.  Sumunod naman si Bea sa kanya.

Kumain na sila ng lunch at masayang nagku kwentuhan.

Rex :  Di ko kaya ang bilis ng pagpapatakbo mo ng jetski, Bei.

Marie :  She is so good kasi!

Trey :  Sanay na sanay yan si Bei.  Nong high school kami, palaging panalo yan pag nagkarerahan!


Nag bon fire sila nong last night na nila.   Nakaupo sila in circle at nasa gitna nila ang bonfire.

May mga drinks sa cooler at mga pagkain din.

Nagsmula na silang uminom maliban kay Louisse.  Juice lang sa kanya o di kaya ay tubig.

Marie :  You should drink, Louisse.  The fun starts when you have tama na ,hahahaha!

Louisse :  Nahihilo ako sa amoy pa lang ng alak.

Meant To BeWhere stories live. Discover now