Part 4

257 4 0
                                    



Nasa park/garden na naman sila Bea at Louisse.  Nag aaral si Louisse dahil may exams sya mamayang two p.m.  Katatapos lang nila mag lunch at wala pa naman silang klase.  parehong two p.m. ang next class nila.

Napatingin si Bea kay Louisse.  Naaliw sya sa pakumpas kumpas ng kamay nito habang nagsasaulo.  She is memorizing her lesson para mamaya.  Nakatingin pa ito sa taas, tapos titingin sa notes nya.  Napangiti si Bea.  Ngayon lang nya napansin na napakaganda pala ng bestfriend nya.  Cute rin.  Morena.  May kakaibang pilantik ang mga daliri nito.  Babaeng babae ang dating.  She hates make up.  Lip gloss at konting powder ay okey na sa kanya.  Pawisin kasi.  Si Bea rin ay di nagme make up.  Pareho silang simple lang.  Raw beauty.

Louisse :  What?

Bea :  Huh?

Louisse :  Kanina mo pa ako tinititigan!

Bea :  Naa amuse lang ako sa yo.  Nakakatuwa kang nag aaral.

Louisse :  O?

Bea :  May sariling galaw ang mga kamay at daliri mo.  Ikaw lang nakakagawa non.  Maganda ka rin pala.

Namula si Louisse.  

Louisse :  A-alam ko!

Bea :  You have this moves na.....unique.  So feminine.

Louisse :  T-thank you.

Bea :  Your welcome.

Tumayo si Louisse at umupo sa tabi ni Bea.  Tumalikod sya dito at sumandig.  ipinatong nya ang mga paa nya sa bench.

Bea :  Nice position.

Louisse :  Nangangalay na likod ko, e.

Bea :  Okey.  Sandig ka lang dyan.  Sandali.

Tumalikod din si Bea kay Louisse.  Nakasandig na sila sa isa't isa.  Ipinatong din ni Bea ang mga paa nya sa bench.  At nagtawanan sila.

Naramdaman nila ang init ng isa't isa.  They are so comfortable with their position.  Nag games si Bea  sa phone nya habang si Louisse ay nag aaral pa rin.



Palabas na sila ng Arena.  Katatapos lang ng game nila.  Naghintay muna sila ng isang oras bago lumabas.   Naisip nila Bea at Louisse na wala ng tao sa labas.    May kasama silang dalawang guard.   Bitbit ni Bea ang gym bags nila ni Louisse at nakahawak naman ang isang kamay ni Bea kay Louisse.

Nabigla sila ng makalabas ng MOA Arena.  Nagsisigawan ang mga tao at dinumog agad sila.  Humarang agad ang isang guard sa harapan nila Bea at Louisse.  Niyakap naman ni Bea si Louisse.   Nasa likod nila ang isang guard at tumatawag ng iba pang guards.

They were all chanting JHOBEA!  JHOBEA! JHOBEA!

Nakatakip na ang mga kamay ni Louisse sa taenga nya sa lakas ng sigawan.  Kinakabahan na si Bea at Louisse.  Baka masaktan sila sa panggigil ng mga fans.

Girl1 :  Pa picture, Bea, Louisse!

Girl :  Pa fan sign po ako!

Girl3 :  Payakap naman po!

Girl4 :  Pa shake hands po, JHOBEA!

Sabay sabay na nagsasalita ang mga fans.  Nakakabingi na ang mga sigawan nila.  May dumating naman na mga guards.   Pinalibutan nila si Bea at Louisse at dahan dahan silang naglakad papunta sa kotse ni Bea. 

Nakasunod pa rin sa kanila ang mga tao.  Nang makapasok na sila sa kotse ay agad na pinaandar na ito ni Bea.  Nanginginig na si Louisse.

Nang makalayo na sila ay pinahinto ni Bea ang kotse.

Niyakap nya ng napakahigpit si Louisse.

Bea :  It's okey.  Wala na sila.  Di kita pababayaan, baby.

Umiiyak na si Louisse.  Takot na takot pa rin. 

Bea :  Tahan ka na.  

Louisse :  N-nakakatakot sila. 

Bea :  Di kita pababayaan.  I will always take care of you, baby.

Louisse :  Talaga?

Bea :  Yes.

Umiiyak pa rin si Louisse sa balikat ni Bea.  Hinagod hagod naman ni Bea ang likod ni Louisse. 

Mayamaya ay humiwalay na si Louisse sa pagkakayakap.  Napangiti si Bea ng makita ang mukha ni Louisse.

Louisse :  Bakit?

Bea :  Para ka ng bruha, hahahaha!  Pahiran kita.

Hinampas naman nya ng mahina si Bea.  Pinahidan na nito ang mukha ni Louisse at sinuklay ang buhok nito na nakadikit sa mukha nya.

Bea :  Ayan!  Mukha ka na uling tao!

Napangiti na si Louisse.

Bea :  I am sure na super hungry ka na.

Nag drive na si Bea.  

Sa buffet sila kumain.   Nasa may gilid lang sila ng restaurant at may nakaharang na plant box sa kanila.

Bea :  Para tayong di nakakain ng one week!

Louisse :  Kagutom kaya ang game kanina.  Sa nerbyos at kaba ko ba naman!

Bea :  Hasus!  Kayang kaya mo naman yon!  Kaw pa ba?

Louisse :  Thanks to your words of wisdom and encouragement!

Bea :  Your welcome!

Louisse :  Alam mo?  Tama ang ALE.

Bea :  Tamang ano?

Louisse :  May effect sa akin ang mga words mo.  Nakakabigay ng confidence at sigla.

Bea :  Bestfriend kaya tayo!

Louisse :  Yes!

Bea :  Kain, kain pa!

Nakangiting nakatingin si Bea sa bestfriend nya.  Magana silang kumain pa.

Busog na busog sila pagkatapos ay umuwi na rin sila.


Ly :  JhoBea?  Okey lang kayo?

Den :  Grabe ang vids na nakita namin!  Nagkagulo pala kanina paglabas nyo ng Arena!

Ella :  may pasa ka ba, JhoBea?

Maddie :  Kakakaba naman yon!

Bea/Louisse :  Okey lang po kami.

Ponggay :  Wow!  Sabay sabay pa!

Pinandilatan naman ni Den si Ponggay.  Nag peace sign na lang ito.

Bea :  We are okey po.  Thanks sa pag aalala.  

Kim :  Super dami nyo na talagang fans!  Kung dumugin kayo pang artista na ang peg nyo, e!

Jamie :  They so popular na.

Bea :  Pahinga na po kami ni Louisse.

Hinawakan na ni Bea ang kamay ni Louisse.

Ly :  Sige, akyat na kayo.

Umakyat na ang dalawa. 

Parang bata na pinahiga na ni Bea si Louisse.  Kinumutan nya rin ito.

Bea :  Pahinga ka na.

Louisse :  Ikaw?  Tabi tayo.

Pa baby talk nitong sabi.

Humiga na rin sa tabi ni Louisse si Bea.  Umunan agad si Louisse sa balikat ni Bea at niyakap ito ng napakahigpit.

Hinalikan ni Bea si Louisse sa noo nito.


Meant To BeWhere stories live. Discover now