Part 42

311 5 3
                                    


6:30 na ng gabi nakauwi si Bea.

She parked her car at bumaba na.

Nagtaka sya kung bakit wala sa sala ang mag ina nya.

Bea :  Manang?

Manang : Nandyan ka na pala, anak.

Bea :  Si Louisse po at Benjamin?

Manang :  Ay!  Umalis kaninang umaga kasama si yaya.  Uwi daw sila ng Batangas.

Napakunot noo si Bea.  Walang sinabi sa kanya ang asawa na luluwas sila ng Batangas.

Bea :  Kakain na po ako, manang.

Manang :  Sige.

Dali daling naligo si Bea at nagbihis ng sweat pants at shirt.

Nagmamadali din syang kumain.

Bea :  Alis na ako manang.

Manang : Saan ka pupunta?  Gabi na.

Bea :  Sa Batangas po.

At patakbo ng lumabas ng bahay si Bea.

Di nya alam na malala ang galit ni Louisse sa kanya.

Nagpa music na lang sya para di sya antukin sa byahe.


After two hours ay nakarating na rin sya ng Batangas.  She used the shortcut para makarating agad at makaiwas sa traffic.

She press the doorbell.

Jaja :  Sandali!

Naghintay muna si Bea na mabuksan ang gate.

Jaja :  Bayaw!

Bea : Hi, Ja!

Nag hug sila at pumasok na si Bea sa gate.

Jaja : Buti naman at nakahabol ka.  Kanina ka pa hinahanap ng binata mo!

Bea :  Yeah?

Jaja : Oo!

Bea : Good evening, mama Lovel!

Lovel : Bea!  Kumain ka na?

Bea : Kumain po muna ako bago nagpunta dito.

Lovel : Mukhang pagod na pagod ka na.  Akyat ka na sa kwarto nyo ni Louisse.

Jaja : Sa akin matutulog si Benjamin, bayaw!

Bea :  Miss na miss mo na ano?

Jaja : Sobra!

Bea :  Good night, bayaw, mama Lovel!

Lovel/Jaja :  Goodnight!

Pag akyat ni Bea ay nagkatinginan ang dalawa.

Jaja :  World war.  Diyos ko.

Lovel : Umakyat ka na nga.

Jaja : Opo.  Goodnight, ma.

Lovel :  Goodnight.


Huminga muna ng malalim si Bea.

Feeling nya, parang mag u undergo sya ng thesis defense.  O mas malala pa nga.

Buhay nya ang pinaglalaban nya dito.

Dahil si Louisse ang buhay nya.

Sila ni Benjamin.

Kumatok sya ng dahan dahan sa pinto.

Napatingin naman si Louisse sa door.

Louisse :  Benjamin, sleep ka na.

Meant To BeWhere stories live. Discover now