Nahihirapan tuwing umaga si Bea.
Pumasok na sya sa office, kahit ayaw pa nya sana. Ang bigat bigat ng bawat hakbang nya palabas ng bahay nila. Natatawa na lang si Louisse. Karga karga nya ang munting anghel nila ni Bea habang nagwa wave si Bea bago sumakay sa sasakyan.
Lumukso ang puso ni Bea ng makitang nag wave rin sa kanya ang kanyang munting prinsipe. Two months old na ang baby at tawa ito ng tawa basta di gutom at tuyo ang diaper nya. Lalong lalo na pag bagong gising ito. Super fresh lang tingnan.
Maaga umuuwi si Bea araw araw. May dala kung ano ano para sa bata at kay Louisse na rin.
Louisse : Ano na naman yan, Beatris?
Bea : Laruan lang, baby.
Louisse : OA ka na, beh! Napupuno na ang kwarto ni Benjamin sa mga nabili mong laruan! Sila Jia at ate Ella rin, kung ano ano binibili. Sila daddy Elmer at mommy Det! Si kuya Loel pa! DI pa two months old pa lang si baby, baka nakakalimutan mo?
Napatigil naman si Bea, hawak hawak ang cartoon na may lamang laruan. Para syang bata na napagalitan.
Bea : Sige. Titigil na ako.
Louisse : Promise?
Bea : Promise po! Hi, baby! Ano gawa mo maghapon, ha? Naughty, naugthy ka ba kay mommy?
Tawa naman ng tawa si Benjamin. HInahalikan ni Bea ang kanyang tyan at leeg.
Bea : Tawa, tawa ka lang, ha? Tanggal na agad ang pagod ni daddy!
Louisse : Maligo ka muna at magbihis!
Bea : Yes, ma'am! Wait ka lang, baby Benjamin dyan! Sandali lang si daddy!
Patakbo ng umakyat si Bea at pumasok sa kwarto nila. Napapailing na lang si Louisse.
Nakangiting nakatingin lang si Louisse sa mag ama nya na naglalaro sa sahig dito sa sala. Nagbabasa naman ng magasine si Louisse sa sofa. 5:30 p.m. pa lang kaya maaga pa para mag dinner. Nakaluto na si Louisse. Inaagahan talaga nya magluto para pagdating ni Bea ay tapos na sya.
Louisse : Bea!
Napalingon naman si Bea kay Louisse. Napatingin din ang baby sa mommy nya.
Bea : Bakit, baby?
Louisse : Baka masaktan si baby Benjamin nyan! Mahihina pa ang buto nya!
Bea : Baby naman. Alam ko po. Nagkakatuwaan lang po kami.
Louisse : Wag mo masyado hawakan ang mga kamay nya, parang nasasaktan na sya.
Bea : Hello? Tawa nga ng tawa, e!
Louisse : Dahan dahan ka lang.
Bea : Yes, po! Benjamin? Ang cute, cute ng baby namin, mwaaah! Mwaaah! Mwaaah!
Bigay na bigay ang tawa ng baby.
Nanood ng cartoons si baby kasama ang yaya habang nagdi dinner ang mga magulang nya.
Bea : Bilis nya lumaki. Parang di sya two months old pa lang.
Louisse Alagang alaga kasi natin.
Bea : 'Bagay. At super love pa natin.
Louisse : Mismo! Ulam ka pa, o.
Bea : Konti na lang. Baka tumaba ako at humanap ka kapalit.
Nanlaki ang mga mata ni Louisse at hinampas nya si Bea ng pagkalakaslakas.
Bea : Ouch!
Louisse : Siraulo ka talaga! Bakit mo nasabi yon?
Bea : Joke lang!
Louisse : Wag ka magbibiro ng ganyan! Ito tandaan mo Isabel Beatris Paras De Leon! HIndi kita ipagpapalit kahit maging balyena ka na!
Bea : Complete name talaga? Opo!
Louisse : Kain!
Bea : Yes, kumander!
Nag salute pa si Bea kay Louisse.
Naghahanda na silang matulog. Nakahiga na si Bea at nasa banyo pa si Louisse.
Nakatitig lang si Bea sa kisame nila.
Paglabas ni Louisse ay binuksan na nito ang nightlight at pinatay na ang ilaw.
Humiga na sya sa tabi ni Bea at niyakap ito. Nakaunan sya sa balikat ni Bea.
Louisse : Ano iniisip mo?
Malambing nitong tanong sa asawa.
Bea : Ano...
Louisse : Ano nga?
Bea : Pwede na kaya?
Louisse : Pwede ng ano?
Bea : Yong ano....
Louisse : Ano nga?
Bea : Yong loving, loving.
Louisse : May pagka manyakis ka talaga!
Bea : Tagal na kasi nong huli. Five months?
Louisse : HIlig mo.
Bea : May bago kaming client. May maganda syang anak.
Piningot agad ni Louisse ang tagiliran ni Bea ng marinig ang maganda.
Louisse : Subukan mo at puputulin ko yan!
Bea : Wag naman. Bibigyan pa natin ng baby sister si Benjamin.
Louisse : Bwisit ka! Di ka lang maka iskor, hahanap ka na ng iba.
Bea : Wala naman akong sinabi na maghahanap ako ng iba.
Louisse : Sige na.
Bea : Anong sige na?
Louisse : Pwede na.
Bea : Anong pwede na?
Louisse : Nahampas na ni Louisse si Bea.
Natawa naman si Bea.
Siniil agad ni Bea ng halik ang asawa.
Hanggang halikan lang sila these past months dahil sa kalagayan ni Louisse.
Kapwa sila uhaw na uhaw sa isa't isa.
They made love all night.
![](https://img.wattpad.com/cover/359061214-288-k243623.jpg)