Part 12

296 8 2
                                    



Unang nagising si Bea kinabukasan.  Louisse is not a morning person, kaya, mahimbing pa itong natutulog. 

Hinawi nya ang buhok nito na nakatakip sa mukha nya at pinagmasdan ito. 

Napakatagal na di nya nasilayan ang mukha nya.  Napakatagal na di nya nahawakan ang mga kamay nito.  At napakatagal na panahon na di nya nayakap ang bestfriend nya.

Hinawakan nya ang kamay ni Louisse at hinalikan ito.  Niyakap nya ng mahigpit ang bestfriend nya.  Sinisinghot nya ang amoy ng kaibigan.  Her scent is so familiar to Bea na hinahanap hanap nya nong nasa US pa sya.  She was dying inside, knowing, na nasa malayo ang kaibigan nya.

Paulit ulit nyang hinalikan ang noo at pisngi nito. 

Louisse :  Hmn.

Hinalikan ni Bea ang tip ng ilong ni Louisse. 

Napatingin sya sa labi ni Louisse.  At napalunok si Bea. 

Ipinatong na nya ang baba nya sa ulo ni Louisse.  

Nakatulog sya ulit.



Louisse :  Bhe.  Gising na!  Wakey, wakey na, bhe!

Bea :  Hmn.

Louisse kiss Bea's cheeks, forehead and the tip of her nose.

Bea :  Sleep pa tayo.

Louisse :  Nine a.m. na po!

Hinigit ni Bea pahiga si Louisse.  Napahiga si Louisse sa ibabaw ni Bea.  Nakayapos na si Bea kay Louisse pero nakapikit pa rin ito.

Louisse :  Bhe.  Bangon ka na!

Bea :  I love this position.

Hinampas naman ni Louisse si Bea sa balikat nito.

Louisse :  Di kaya ako comfortable!

Bea :  I am comfortable.

Louisse :  Bhe!

Bea :  Hmn.

Louisse :  Bangon ka na.

Pa baby talk na sabi ni Louisse.  

Louisse :  Lalamig na niluto ko.

Bea :  Hah?  Nagluto ka?

Louisse :  Oo.

Bea :  Tayo na. 

Louisse :  Teka.

Tumayo na si Louisse at sumunod naman na tumayo si Bea.  Sabay na sila na nagtungo sa dining area.

Bea :  Wow!  Dami naman nito!  Pancakes!  Sinangag, hotdog, omelette, bacon at fried danggit!

Louisse :  May orange juice at coffee pa!

Bea :  Hmn.  Bango naman ng mga niluto mo!

Nag pray muna sila bago kumain.  Kung noon ay si Bea ang naglalagay ng foods sa plate ni Louisse, ngayon ay si Louisse ang gumagawa non.

Louisse :  Kain ka na.

Bea :  Mapapadami makakain ko nito!  Sarap pa ng coffee mo!  Masarap lahat!

Napapangiti naman si Louisse.  She's glad na nagustuhan ni Bea ang mga simpleng luto nya. 

'Hmn.  Mamaya.  Matitikman mo ang paella ko.'

Meant To BeWhere stories live. Discover now