Sabay silang dumating sa BEG. Si Bea ang nagdadala ng gym bag ni Louisse. Nakangiti sila pareho na pumasok sa BEG. Nilagay na ni Bea ang gym bag nila sa bleacher.
Ella : Wooohooooo! Nandito na ang magsing irog!
Maddie : Inggit ka na naman ate Ella!
Ella : At bakit naman ako maiinggit?
Ponggay : Wala ka kasing lovelife!
Ella : Aba! Bastos ng batang ito! Hoy, I love foods, no?
Nagtawanan ang ALE. Napapailing na lang si Bea. Tahimik naman na nakangiti lang si Louisse. Isinuot na nya ang kneepads nya. Inayos naman ni Bea ang buhok ni Louisse. Pagkatapos ay isinuot na ni Louisse ang kneepads ni Bea sa kanya.
Trey : Kaya napagkakamalan kayong may something dahil sa mga paganyan ganyan nyo!
Bea : Ano ba kami?
Trey : Yan! Para kayong mag jowa! Actions speaks louder than words,, Bei!
Bea : Bakit? Ano ba mga actions namin?
Kim : Yang mga pa ayos ayos ng hair, suot ng kneepads! Pahid ng pawis! Subo subo ng foods! Ikaw pa tagadala ng gym bag ni Louisse at kung ano ano pa!
Louisse : Bestfriend kasi kami.
Napairap naman ang mga team mates nila Bea at Louisse.
Den : Alam nyo, baka di nyo lang na realize na mahal na mahal na pala nyo ang isa't isa. Para kayong ahas sa isa't isa, e. Palaging nakalingkis.
Bea : We are sweet to each other, guys. Clingy naman talaga ako.
Ella : Super clingy kayo to each other!
Ly : Tama na yan! Warm up na tayo!
Partner partner sila sa warm up. At syempre, partner sila Louisse at Bea.
Super intense na naman ng training nila. Pawis na pawis na si Louisse. Para na itong basahan, hahahaha!
Coach Tai : Water break! Fifteen minutes!
Napaupo si Louisse sa sahig. Kumuha naman ng towel si Bea at pinunasan na si Louisse.
Binigyan nya rin ito ng gatorade.
Louisse : Akin na ang towel. Pawis na pawis ka rin.
Pinunasan naman ni Louisse si Bea. Sa mukha at likod, pati sa balikat.
Bea : Pagod ka na?
Louisse : Medyo.
Bea : Pahinga ka muna. I'll massage your back.
Tumalikod naman si Louisse kay Bea.
Minasahe na sya ni Bea. Napapikit si Louisse sa ginhawang naramdaman. After ilang minutes ay pinatalikod naman ni Louisse si Bea at minasahe naman nito ang likod.
After ng training ay inihatid na ni Bea si Louisse sa room nya. Pareho silang may class ngayon until 4 p.m. mamaya. Five p.m. ang afternoon training nila. May isang oras pa sila para magpahinga. Sabay na naman silang pupunta sa BEG.
Parang gulay na si Louisse na nakahiga sa kama nila ni Bea. Nakabihis na sya ng pantulog. May gagawin pa syang assignment mamaya. Pahinga muna nya ang katawan nya.
Bea : Bangon ka na, baby. Let's eat.
Dahan dahan naman na bumangon si Louisse at umupo na sa may study table.
Nilapag na ni Bea ang biniling foods sa mesa.
Nagdasal na sila.
Bea : You look wasted.
Louisse : Masyado akong napagod. Whole day pa ang class ko tapos may traning pa after.
Bea : Pahing ka na agad after natin mag dinner.
Louisse : May assignment pa ako.
Naka pout nitong sabi.
Bea : Tutulungan kita.
Sinubuan na ni Bea si Louisse. Pagod na pagod na talaga ang baby nya.
Bea : Nganga ka pa.
Ngumanga naman si Louisse. Subo, nganga, kain, inom.......
Bea : Toothbrush ka na.
Parang robot si Louisse na tumayo at pumasok na sa banyo.
Niligpit naman ni Bea pinagkainan nila at itinapon sa trash can.
Paglabas ni Louisse sa banyo ay kinuha na nito ang gagawin nyang assignment at umupo na sa tabi ni Bea.
Bea : Let me see.
Louisse : Ayan, o.
Bea : Sleep ka na. Ako na gagawa nito.
Louisse : Kaya mo?
Bea : Oo naman.
Hinalikan ni Louisse ang cheeks ni Bea at niyakap ito.
Louisse : Thank you, ha?
Bea : Your welcome, always.
Niyakap din ni Bea si Louisse at hinalikan sa noo ito.
Bea : Higa ka na.
Inalalayan ni Bea si Louisse na tumayo at pinahiga na sa kama. Kinumutan nya rin ito.
Louisse : Goodnight, bhe.
Bea : Goodnight, baby. Sleep tight.
Hinalikan nya ulit sa noo.
Bumalik na sa study table si Bea at ginawa ang assignment ni Louisse.
Matalino si Bea kaya madali lang sa kanya ang assignment ni Louisse.
After one hour ay natapos na nya ito.
Nag toothbrush na sya, pagkatapos ay humiga na sa tabi ni Louisse. Sa gilid lang sya pumuwesto. Ayaw nya maistorbo ang baby nya. Nakatulog sya agad. Pagod rin sya sa training nila. Whole day din ang class nya kanina.
Nagising sya sa ungol ni Louisse.
'Nanaginip yata'
Bea : Baby?
Umuungol pa rin ito. Dahan dahang niyugyog ni Bea ang balikat ni Louisse.
Bea : Baby? Baby...nanaginip ka.
Nagmulat naman ng mga mata si Louisse at napatingin sa kanya. Yumakap agad ito kay Bea.
Louisse : Sama ng panaginip ko.
Bea : Ano ba panaginip mo?
Louisse : Nagkahiwalay daw tayo.
Natawa si Bea.
Bea : Bakit? Tayo ba?
Nahampas naman ng malakas ni Louisse si Bea.
Bea : Aray naman.
Louisse : Nakakapagbiro ka pa talaga!
Bea : Sabi mo kasi, naghiwalay tayo.
Louisse : Ibig ko sabihin, di na daw tayo nagpapansinan.
Bea : Sakit naman non.
Louisse : Kaya nga. Ayaw ko mangyari sa atin yon. Bestfriend tayo di ba?
Bea : Opo. Panaginip lang yon. Tulog ka na ulit.
Yumakap na si Louisse kay Bea. Isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ni Bea. Napangiti naman na yumakap na rin si Bea kay Louisse.
