Part 8

245 4 1
                                    


Nagliligpit na ng mga gamit nya si Bea.  Aalis na sya ng dorm.   Tinutulungan sya ni Deanna. 

Deanna :  Nasaan si ate Louisse, ate Bei?

Bea :  Nag extend sila ng vacation nila.

Deanna :  Sana nandito sya.  Para naman masamahan ka nya dito.  Tulungan mag ayos ng gamit mo at magka paalaman!

Bea :  Mabuti na rin siguro ito, Deans. 

Deanna :  Kasama na naman nya si kuya Nico?

Bea :  Yes.

Deanna :  Di ka ba nagseselos don?

Bea :  For what?

Deanna :  Sobrang close nyo ni ate Louisse!  Para na nga kayong mag asawa, e.

Bea :  Mag bestfriend lang po kami Ma. Deanna Izabella Wong!

Deanna :  Hasus!  Sa akin mo pa talaga sinabi yan!

Bea :  Hoy!  Tapusin na natin ito!

Deanna :  Tapos na ako.  Ikaw nga dyan!  Parang nagbabasakali ka pang dumating si ate Louisse!

Bea :  Hindi, no?  Ninanamam ko lang huling sandali ko dito sa room namin.  Dito sa dorm!

Deanna :  Ate Bei,  sobra kitang mami miss!

Yumakap na si Deanna kay Bea.

Bea :  Me, too.

Jia/Maddie :  Oy!  Tama na drama nyo!

Maddie :  Ito na ba lahat ng gamit mo?

Bea :  Opo.

Jia :  Dalhin na natin sa baba, Mads!

Maddie :  Okey.

Deanna :  Tulungan ko na kayo, mga ate's!

Naiwang mag isa si Bea sa kwarto nila ni Louisse.  Matagal nyang pinagmasdan ang picture nilang dalawa ni Louisse na magkayakap.  May tumulong luha sa mga mata nya.  

' I will miss you, baby.'

Inusog na nya ang kama nya sa kabila.  Like before,  magkahiwalay na ang kama.  Pinahid na nya ang luha nya at lumabas na ng kwarto.  Ni lock na nya ito.

Napakabigat ng nararamdaman ni Bea ng lisanin nya ang Eliazo.

She is now closing a chapter of her life and will start a new one.



After one week nong pag uwi  ni Bea sa bahay nila ay tumungo naman silang mag anak sa US para magbakasyon.  Masayang masaya sila dahil sa wakas ay nakatapos na rin ang bunso nila.  Matutulungan na ni Bea ang daddy at kuya nya sa business nila.

Nagpunta sila sa New York, Las Vegas, Chicago, New Jersey.  Pagkatapos ay sa San Francisco kung nasaan ang family ni Det.  Reunion din nila doon. 

Di pa rin mawala sa isipan ni Bea si Louisse.  Di na sya naging active sa social media.  Ayaw nya makibalita sa ALE.  Mas mami miss lang nya sila.  No communications, totally.

Si Deanna lang nakakausap nya minsan.  


Elmer :  You can take your masters sa Harvard, Bei.  One year and half din yon.  Para pag nagtrabaho ka.  Tuloy tuloy na. 

Bea :  Okey sa akin yan, dad.

Det :  Hay! Malalayo ka naman sa amin, Isabel.

Loel :  Eighteen months din yon!  But, we will visit you often, sis!

Meant To BeWhere stories live. Discover now