Nag iikot ikot lang sila Ella at Louisse sa mall. Katatapos lang nila mag lunch. Nag buffet sila kaya bundat na bundat.
Louisse : Bakit di mo pala kasama si Jia?
Ella : Ayon! May date sila ni Miguel.
Louisse : Sayang naman. Minsan lang tayo magka bonding.
Ella : Busy ka kasi! Simula ng mag asawa ka, hirap mo mahagilap!
Louisse : Tinatapos ko kasi ang pinapagawang painting. Sampo ba naman.
Ella : Okey lang yan. May pagkaka abalahan ka na, kumikita ka pa!
Louisse : Kaya nga. Sinusunod ko na naman ang office hours para may time pa ako ipagluto si Bea at cuddling time na rin, bonding namin.
Ella : Maganda yan. Wag na wag kayong mawawalan ng time para sa isa't isa! Date, date pa rin kayo! Para di mawala ang kilig. Parang nong mag jowa pa lang kayo!
Louisse : At least once a week nga ako niyaya ni Bea kumain sa labas. O di kaya ay mag roadtrip.
Ella : Alam mo, swerte kayo sa isa't isa. Malambing kayo pareho at sweet. May pagka childlike rin! Parang bata maglambing!
Louisse : Mas malambing si Bea ko.
Ella : At super clingy, Lord ko! Noon pa naman yan during Ateneo days!
Louisse : Yeah.
Ella : Nood na tayo ng movie. Medyo lumuwang na beywang ko. Bili ka ng popcorn at drinks natin! Ako bibili ng tickets!
Napapailing na lang ako. Parang di pa nabawasan ang sikip ng pantalon ko, a.
Masaya kaming nanood ng movie. Comedy.
After ng anim na buwan....
Dave : Now, open it Royce.
Dahan dahan ng inalis ni Royce ang nakabalot sa bawat painting. KInakabahan naman si Louisse na nasa tabi lang ni Dave. Para syang naiihi na natatae!
Napanganga si Dave.
Dave : WOW!!!
Royce : Kuhang kuha ang facial ekspression nyo, boss!
Dave : That's awesome. Ang ganda ng eyeview mo, Louisse. Isinabuhay mo kami bawat isa thru your painiting.
Louisse : Y-you l-like it?
Dave : No.
Nalungkot naman nag mukha ni Louisse.
Nakangiti lang si Royce.
Dave : I love it!
Louisse : What? Thank you.
Dave : Parang nakamura ako sa yo, Louisse.
Louisse : Okey na yon, Dave.
Dave : Thank you for these. I will refer you to my friends and colleagues!
Louisse : Thank you, Dave.
Dave : Thanks again! Here's the full payment.
Louisse : Thanks.
Kinuha na ni Louisse ang iniabot na tseke ni Dave.
Louisse : So, paano, alis na ako.
Dave : Take care.
