Part 31

238 8 3
                                    


Ella : Dalian mo, Jia!

Jia :  A second po!

Ella :  Yang second second mo, umabot na ng isang oras!

Jia : Natataranta kasi ako sa yo, e!

Ella :  Maabutan na tayo ng traffic!

Jia :  Tara na nga! 

Umalis na sila sa condo ni Jia at kotse ni Ella ang ginamit nila. 

Jia :  Nakabili ka ba ng mga faves foods ni Louisse?

Ella :  Oo, nasa backseat.

Jia :  Potato fries corn flavor?

Ella :  Check!

Jia : Pitcha?

Ella :  Double check!

Jia : Chicken wings?

Ella :  Triple check!

Jia : Iced tea, vanila ice cream, caramel cake?

Ella :  Quadraple check!

Jia : Okey.  We are ready.  Kumusta na kaya sila ni Bea?

Ella :  Syempre!  Malungkot pa rin.

Jia :  Ako nga na inaanak ko lang si Benjamin, napapaiyak ako pag naaalala ko sya.

Ella  :  Ang matatambok nyang pisngi!

Jia :  Ang nakakahawa nyang mga tawa at super kuliiit!

Ella :  Bata, bata pa non pero may sense of humor na!

JIa/Ella :  Haaay!

Ella :  Basta!  Operation pagpapasaya ang mission natin ngayon!

Jia :  Approved!


Pagdating ng dalawa sa bahay ng mga De Leon ay wala si Bea. 

Dinala na nila ang mga pinamili.

Yaya :  Good afternoon po!  Tulungan ko na po kayo, ang dami dami naman ng mga dala nyo!

Jia : Para sa amo mo ang mga ito.

Yaya :  Ganon po ba.  Di naman kumakain na yon!

Ella :  Si Louisse?  Aba!  Pwes, ngayon ipapaubos ko ang mga ito sa kanya!

Yaya :  Ay, goodluck!

Umupo na sa may garden ang dalawa habang hinihintay nila si Louisse.  Nasa ref muna ang ice cream at cake.

Jia :  Louisse!

Ella : Ineng!  Kumusta ka na?

Louisse :  Napadalaw kayo.

Nag hug sila at nag beso.

Jia :  How are you?

Nakita nilang walang ayos ang kaibigan and it hurts them.  Magulo ang buhok nito na nakatali at mukhang di pa ito nakaligo.  Hapon na, a!

Nang di sumagot si Louisse ay kumuha ng pitcha si Ella.

Ella :  Kain tayo, Louisse!  Para sa yo ang lahat ng ito.  May ice cream at cake pa sa ref nyo.  Mga favorite mo ang mga dala namin.

Jia :  Si Bea?

Louisse :  I don't know.

Ella :  Wow!  Di mo na alam kung nasaan sya?

Louisse :  May sinabi sya kanina pero nakalimutan ko.

Nagkatinginan sila Jia at Ella.

Isang taon na simula nong mawala si Benjamin.

Natahimik muna sila ng ilang saglit.  Kumakain lang sila ng chicken wings at pitcha.

Ella :  Kumusta na kayong dalawa, ineng?

Nakatingin lang sa chicken na nasa mesa si Louisse.  Marahan na ngumunguya.

Nagkatinginan na naman sila Jia at Ella.

Louisse :  O-okey naman kami.

Jia :  You don't look okey to me.

Ella :  Louisse.  Isang taon na.  Isang taon ng nawawala ang anak nyo. I think it's time to move on.

Napatungo na si Louisse.  Tahimik lang ito.

Jia :  Asikasuhin nyo na lang ang isa't isa.  Kayo ni Bea.  Ipagpatuloy nyo ang buhay. 

Louisse :  Ganon lang yon?  Kakalimutan na lang natin si Benjamin?

Mataas na ang boses ni Louisse.  Nabigla ang dalawa nyang kaibigan sa inasal nito.

Ella :  HIndi natin sya kakalimutan.  Maraming maggandang memories ang meron tayo kay Benjamin.  Di natin alam ang plan ni Lord.  Magtiwala tayo sa kanya.

Louisse : Kung mahal tayo ni Lord, kung mahal nya si Benjamin, hindi nya hahayaang mawala ang anak ko!

Jia : Louisse, naririnig mo ba ang sinasabi mo?  You are questioning God's will!

Louisse : B-bakit ang anak ko pa?  Bakit ang Benjamin ko pa?

Umiiyak na naman si Louisse.  Wala na syang ginawa araw araw kundi ang umiyak.

Tumayo si Ella at yinakap na ang kaibigan.

Ella :  Malalagpasan nyo rin ni Bea ang mga ito.  Darating ang araw na matatawanan na lang natin ito.  Louisse, mabuhay ka ulit na wala na si Benjamin.  Pinahiram lang ni Lord si Benjamin sa atin.  Maging masaya na lang tayo na nakapiling natin sya kahit sa maikling panahon.

Louisse :  Ate.  Mababaliw na ako sa kaiisip kong ano ang nangyari sa anak ko.  Bakit sya nawala?  Saan sya nagpunta?  Nasaan na sya ngayon?

Jia : Louisse.  Di namin masasagot yan.  Trust lang tayo kay Lord.  Ipaubaya natin ito sa KANYA.

Louisse :  Araw, gabi ako nagdadasal ako sa KANYA.  Pero, isang taon na, wala pa ring sagot sa mga dasal ko.  Bakit di nya ako pakinggan!  Bakit di nya marinig ang pagsusumamo ko, ang mga pag iyak ko?  Bakit di nya maramdaman ang paghihirap ng loob ko?

Yumakap na rin si Jia sa kanilang dalawa ni Ella at Louisse.

Ramdam na ramdam ng dalawa ang damdamin ni Louisse.

Pero, wala naman silang magagawa, kundi damayan ang kaibigan.

Ella :  Sssshss!  Tama na, Louisse.

Wala ng masabi si Jia.  Napaisip rin sya kung nasaan na ngayon ang inaanak nya.

Sila Jia at Ella ang kumain halos lahat ng mga dala nilng pagkain.  Patikim tikim lang si Louisse.

Wala syang gana.  Halos buto't balat na sya sa kapayatan.

Malalalim ang mga mata.

Mala tingting na shoulders.

Awang awa sila Ella at Jia sa kaibigan.

Umalis na rin sila ng maggagabi na.

Wala pa rin si Bea.




Meant To BeWhere stories live. Discover now