Busy si Bea sa work nya. Nakatutok sya sa mcbook nya at nagty type. Di nya napansin na bumukas ang pinto ng office nya. Concentrated sya sa ginagawa nya.
Louisse : Hello, bhe!
Bigla na lang syang hinalikan ni Louisse sa pisngi.
Bea : Louisse!
Louisse : Lika na. Kakain na tayo! Nagluto ako ng pork adobo at ensaladang talong!
Naglakad na si Louisse papunta sa coffee table at nilapag ang laman ng paper bag na dala nya. Kumuha na rin sya ng mga plates, spoon & fork at baso. Kumuha sya ng tubig sa mini ref.
Umupo na si Louisse at naupo na rin si Bea.
Bea : What a surprise!
Louisse : Yes! At na surprise ka.
Pinagsilbihan na ni Louisse si Bea. Magana na silang kumain.
Bea : Di tayo busy, a! Wala kang project?
Louisse : Meron naman. Pero, di naman nagmamadali ang may ari. Kaya, relax lang ako!
Bea : Buti ka pa.
Louisse : Parang stress na stress ka nga! Masahe kita mamaya pag uwi natin.
Bea : Natin?
Louisse : Oo. Sa condo mo ako matutulog mamaya.
Napangiti naman si Bea.
Bea : Excited na ako umuwi.
Louisse : Gusto mo, umuwi na tayo pagkatapos natin kumain?
Bea : Hahahahahaha! That's so tempting. Pero, may tinatapos ako, e.
Louisse : Okey. Maglilibot libot lang muna ako sa mall.
Bea : Y-you can s-stay here.
Louisse : Talaga? Pwede?
Louisse : Oo naman!
Louisse : Okey. Antayin na lang kita matapos. Maaga tayo uuwi, ha?
Bea : Oo na.
Hinugasan na ni Louisse pinagkainan nila at nag toothbrush na silang dalawa. Yes! May toothbrush na si Louisse dito sa office ni Bea. Madalas sya dito naglu lunch. Nagdadala ng bagong lutong ulam at gulay.
Pag walang work si Louisse ay magkasama sila naglu lunch at dinner ni Bea. Natutulog sila sa condo nya o di kaya ay sa condo ni Bea May mga damit na rin sila sa kani kanilang condo.
Louisse : Bhe.
Bea : Yes.
Louisse : Uwi tayo sa Batangas sa Sabado.
Bea : Okey, miss ko na rin sila tita at Jaja.
Louisse : Maaga tayo, ha?
Bea : Okey.
Ngatrabaho na si Bea. Nasa sofa naman si Louisse naglalaro sa phone nya. Minsan nagbabasa naman. Tahimik lang sila pareho. Patingin silang dalawa sa isa't isa.
Nang mag three thirty ay pumasok si Ced at may dalang meryenda. Lasagna at juice.
Ced : Snakc time na po!
Nilapag na ni Ced sa coffee table ang snacks.
Bea/Louisse : Thanks, Ced!
Tumayo na ang dalawa at naglakad papunta sa table.
Ced : Your welcome, lovebirds!
Habang sinasabi yon ni Ced at naglalakad ito palabas. Nagkatinginan silang dalawa at awkward na kumain na.
Bea : W-wag mo na lang pansinin yon. Loka loka talaga yon.
Louisse : O-okey.
Tahimik lang silang kumakain. Nakatungo lang si Louisse habang si Bea ay nakatingin sa kanya.
Bea : Tahimik mo naman.
Louisse : M-masarap ang lasagna.
Natawa si Bea.
Bea : Pinagpalit mo na pala ako sa lasagna.
Louisse : Di, a!
Bea : Okey.
Natahimik na naman sila. Nag phone si Louisse kaya nakatingin na naman si Bea kay Louisse.
Pagkatapos nila kumain ay bumalik sa mesa nya si Bea para magtrabaho ulit. Nag phone naman ulit si Louisse.
Mayamaya ay nakita na lang ni Bea na nakatulog na si Louisse. Nakasandig na ito sa sofa. Napangiti sya at pinagpatuloy ang work.
