Part 35

266 7 4
                                    


Pina anunsyo na rin sa radio station sa kabayanan ang pagkawala ni Benjamin. 

Benjamin Maraguinot De Leon.

Mabuti at alam nya ang buong pangalan nya.

Na share na rin ng mga kaibigan nila Mae at Josh ang naka post nito sa facebook.  Kumalat na ito sa kanilang lugar.

Dumaan ang tatlong buwan ay wala pa ring balita.

Minsan, sa gabi ay umiiyak si Benjamin.  Hinahanap ang mommy at daddy nya.

Benjamin :  Mommy?  Daddy?  Where are you?  I miss you so much na.  Kunin nyo na po ako dito.  Promise!  I'll behave na.  Huhuhuu!

Hinagod hagod lang ni Mae ang likod ni Benjamin.

Isang araw ay bumili ng sardinas si Mae sa kabayanan.  Nakabukas ang tv ng maliit na grocery.  

News.

Saktong pag alis ni Mae ay ipinakita sa screen ang mukha ni Benjamin.

Newscaster :  Ito ang larawan ng bata na matagal ng nawawala.  PInaghahanap na po sya ng kanyang mga magulang.  Kung may impormasyon kayo.  Tumawag o mag message sa phone#0927&^^%$$.   Sana makita ka na Benjamin.  Sa ibang balita.....

Di rin nakita ng tindera o may ari ang balita dahil busy sila sa grocery.


Benjamin :  Ano po ito, nanay Mae?

Mae :  Sardinas na may odong at malunggay.  Masustansya yan!

Benjamin :  Amoy at mukhang masarap po.

Mae :  Talaga!  Boy, kakain na tayo! 

Patakbo naman na dumating si Boy at umupo na agad ito.

Benjamin : Let us pray na po.

Mae : Ikaw na, Benjamin.

Benjamin :  In the name of the FATHER, of the SON, and of the HOLY SPIRIT, Amen.  Lord, thank you for these foods and thank you, too for nanay Mae who prepared it.  Lord, sana po, makita ko na ang mommy at daddy ko.  I miss them so much.  Amen.

Malungkot na linagyan ng kanin ni Mae ang plate ni Benjamin, tsaka ulam.

Mae :  Et ka na.

Benjamin : Hmn!  Napakasarap!

Boy :  Isa ito sa paborito ko!  Mura lang pero napakasarap!

Benjamin :  Favorite ko na rin ito.

Gumagamit na ng kutsara at tinidor ang mag anak.  Nahiya sila kay Benjamin.

Nag improve na rin ang table manners nila, hahahaha!


Palaging magkakasama sila Boy at Benjamin.

Maliligo sa ilog.  Makikipaglaro sa ibang mga bata. 

Walang tv sa bahay nila Boy.  Wala ring tv ang mga kabitbahay nila na nasa malalayo.  Nasa bukid kasi sila nakatira.

Tanging radio lang ang libangan nila...at kwentuhan.

Boy : O?  Bakit ganyan ang mukha mo?

Benjamin : I miss my dad.

Boy :  Mahal na mahal ka non, no?

Benjamin :  Sobra!  Minsan, isinasama nya kami ni mommy sa office nya.  I played there and dad joined me when she is not busy.  We always eat outside.  Swim in the pool.  My mom cooks and cooks our favorite foods!

Boy :  Napakayaman nyo pala!  May swimming pool, e!

Benjamin : I guess.

Boy :  Nandyan ka naman sa kaka English mo!

Benjamin :  Sorry.  Hahahahahaha!

Boy :  Ets okey.  Basta, kakampi mo ako.  Kakampi mo kami ni nanay at tatay ko.

Benjamin : Oo naman! 

Benjamin hugs Boy at yumakap na rin si Boy sa kanya.

Umakyat na si Boy sa puno ng bayabas at nasa baba lang si Benjamin nakatingala.

Benjamin : There!  Hinog na yon, o!

Boy :  Sandali!

Pinagsaluhan nilang kainin ang mga nakuhang bayabas.

Benjamin :  Tamis!

Boy :  At masarap pa!

Pinahidan ni Boy ang mukha ni Benjamin.  Madumi na kasi ito.

Boy : Ako mapapagalitan ni nanay pag madumi ka ng uuwi sa bahay!

Benjamin : Ligo na lang tayo sa ilog, para clean na tayo!

Boy :  Yey!

Tumakbo na sila papunta sa ilog.

Boy : Napakabilis mo tumakbo!

Benjamin : Habol, kuya Boy!  Kupad mo, hahahahahah!

Boy :  Aba't....


Benjamin :  Whew!  Sarap ng tubig!

Boy :  Talaga!

Benjamin :  Ang linis, linis pa!

Boy :  Wala ba nito sa inyo?

Benjamin :  Wala.  Swimming pool lang meron sa bahay namin.

Boy :  Yaman, yaman naman!


Dahan dahan na pumasok ang dalawa sa bahay.

Ayaw nila magising ang nanay Mae nila.  Alam nilang natutulog yon ngayon dahil hapon na.

Boy :  Dahan dahan.

Benjamin : Opo.

Di sinasadyang natabig ni Benjamin ang kaserola, kaya kumalangpag ito sa sahig.

Boy :  Di ba sabi ko dahan dahan!

Benjamin : Sorry.

Mae : Saan kayo galing?  Bakit basang basa kayo, ha?

Boy :  Hello, nay!

Benjamin :  Hi, nanay Mae!  Ang ganda ganda nyo po!  Sarap po ng tulog nyo!

Mae :  Akala nyo madadala nyo ako sa paganyan ganyan nyo?  Luhod!

Boy :  Nay, di ko na po uulitin!

Benjamin :  Sige po, nay Mae, paluin nyo po kami.  Kasalanan naman namin, e.

Lumuhod na ang dalawa at napatungo.

Mae :  Di ba sabi ko sa inyo na wag na wag maliligo pag katatapos lang mananghalian!  Tigas ng ulo nyo!

Benjamin :  Sorry, nanay.  Madumi na kasi ako kanina, e. 

Mae : At bakit ka naman nadumihan?

Benjamin :  Kumain po kami ng bayabas.

Benjamin has this charm na di ka magagalit sa kanya o mawawala agad ang galit mo sa malambing nyang boses.

Mae :  Naku!  Kayo talagang dalawa!  Sige!   Tayo na!  At matulog kayo, ha?

Boy :  Opo, nay!

Tumakbo na si Boy papasok sa kwarto nya.

Benjamin :  Thank you, nay Mae.  Ang bait, bait nyo po.

At yumakap na si Benjamin sa nanay Mae nya.

Napayakap na rin si Mae.  Napangiti sya.  Napakalambing talaga ng batang ito.

Ma swerte ang kanyang mga magulang.


Meant To BeWhere stories live. Discover now