May outing sila Rex, Bianca, Trey at Bea. At isinama nya si Louisse.
Sa La Union sila nagpunta. Two nights and three days sila don.
Matagal na silang di nagkita kita. Last na nagkita sila ay nong graduation pa ni Bea.
Rex : Bea! How are you, dude?
Bea : Rex! Okey naman. Ikaw?
Rex : Ito, malapit ng ikasal!
Trey : Bakit? Nag propose ka na ba?
Nagtawanan silang lahat.
Trey/Rex : Hello, Louisse!
Louisse : Hi, Trey, Rex!
Nag beso beso silang lahat.
Katatapos lang nila mag check in at nasa open restaurant sila na nakaharap sa beach. Presko ang hangin kahit maaraw pa.
Bea : Mag propose ka na kasi, Rex!
Rex : It will be a surprise!
Trey : Surprise ka dyan! Ang sabihin mo, wala ka talagang plano!
Rex : Meron, no?
Bea : Sige, aabangan namin yan ni Louisse.
Rex : Kayo na ba?
Bea : We are bestfriends, guys!
Napairap naman sila Rex at Trey.
Trey : Okey! Nasaan na kaya si Bianca? Sabi nya, on the way na daw sya. Pero kanina pa yon, a!
Bea : Alam mo naman yon, mabagal kumilos.
Dumating na ang order nilang meryenda. Three thirty na kasi at maaraw pa naman kaya nakaupo lang muna sila dito.
Kumain na sila ng halohalo at pancit luglug.
Rex : Sabi ni Bianca, may kasama daw sya.
Bea : Boyfriend?
Trey : No. Nasa US naman boyfriend non ngayon. Friend nya daw na taga London.
Nakikinig lang si Louisse sa usapan nila. Kain lang sya ng kain.
Trey : Kumusta naman business mo, Louisse?
Louisse : Okey naman. Kumikita kahit papano.
Bea : Anong kahit papano? Laki po ng kita nya. Mga Filipina na nakapag asawa ng foreigner mga clients nya kaya madadatong!
Louisse : Di naman. Malaki lang budget nila.
Rex : Ganon na rin yon! Hahahaha!
Trey : Bilib na bilib ako sa inyong dalawa. Magkasama pa rin hanggang ngayon. Buti na lang, nagkabati na kayo. Napakalungkot kaya ni Louisse nong nawala ka, Bei.
Bei : Kailangan lang kasi yon. Para sa studies ko yon. Tsaka nandyan naman si Nico non.
Louisse : Magkaiba naman kayo ni Nico.
Rex : Ano ba pagkakaiba nila?
Louisse : Bestfriend ko si Bea at manliligaw ko naman si Nico.
Trey : Bakit nga ba di naging kayo ni Nico, Louisse?
Louisse : Kaibigan lang talaga ma e offer ko sa kanya. Wala, e.
Rex : Napaka pihikan mo pala, Louisse.
Nang mag four p.m. na ay naglakad lakad na sila sa tabingdagat. Pagkatapos ay naligo na. Langoy lang ng langoy si Bea. Samatalang si Louisse naman ay tumigil na sa kalalangoy. Madali kasi syang mapagod.
Louisse : Oy, tama na, bhe! Kanina ka pa langoy ng langoy!
Huminto naman si Bea sa harapan ni Louisse.
Bea : Ang sarap ng tubig, baby. Miss mo na ako agad?
Nahampas naman ni Louisse si Bea sa balikat nito.
Louisse : Feeling mo, no? Ba't naman kita mami miss, e, andyan ka lang naman!
Bea : Okey. Lika, langoy ka.
Hinawakan ni Bea si Louisse at pinapunta sa likod. Napayakap naman si Louisse at napahawak sa leeg ni Bea. Lumangoy na si Bea habang nasa likod nya si Louisse.
Louisse : Hahahahahah! Galing mo, bhe! Bilisan mo pa!
Bea : Bigat mo!
Nang malapit ng mag sunset ay umahon na silang dalawa. Umupo silang magkatabi sa buhangin at nakatingin lang sa araw.
Louisse : Di nakakasawa panoorin ang sunset.
Bea : Parang ikaw! Di nakakasawa!
Louisse : Oo naman! Ganda ganda ko kaya at napakabait pa! Di ka na makakahanap ng katulod ko!
Umirap pa si Louisse kay Bea at natawa naman si Bea.
Bea : Nag iisa ka kasi. Kaya, mahal na mahal kita.
Nag side hug si Bea kay Louisse at unti unti ng natatabunan ang araw.
Kumakain na sila ng dumating si Bianca at ang kasama nya.
Bianca : Hello, guys! Sorry were late! HInintay ko pa kasi si Marie. Na delayed ang flight nya, e. Marie, si Rex, Trey, Louisse and Bea.
All except Bianca and Marie : Hello, Marie!
Trey : O, kumain na kayo! Tamang tama, kakasimula pa lang namin kumain.
Marie : I am so famished na talaga! Wow! Inihaw!
Bianca : Marami pa yan, Marie!
Puro kwento si Bianca sa nakakatawa nilang pinagdaanan ni Marie bago makarating sa resort.
Marie : You are so matapang kanina, Biancs! Natakot ang mama, hahahaha!
Bianca Naku! Wag nya ako mabiro biro, pagod na pagod na ako!
Bea : Still the same Bianca! Palaban!
Napatingin si Marie kay Bea. At ngumiti ito.
Marie : So, your all friends, huh?
Bea : Bianca and I are friends since high school. Sila Rex, Trey and Louisse, nong college na kami sa Ateneo.
Rex : Correction. Bea and Louisse are bestfriends and super close!
Marie : Reallly! Your not in love with each other? Hindi kayo?
Napailing lang sila Louisse at Bea.
Marie : Sayang naman. Bagay na bagay pa naman kayo.
Namula naman sila Bea at Louisse.
Trey : Friends lang talaga sila!
Marie : So, may pag asa pala ako kay Bea, hahahahaha!
Buong gabi ay magkausap sila Bea at Marie. Masaya rin kausap si Marie at may sense of humor. Palagay agad ang loob nila rito.