Nang mga sumunod na araw ay naging busy ang mag asawa. Pati sila Ella at Jia, Det, Elmer, Loel, Lovel at Jaja. Nag ikot ikot sila habang nagbibigay ng mga flyers sa dumaraan. Pina announce na rin nila sa iba't ibang newcast, tv shows, facebook, twitter at instagram.
Nagbayad na rin si Elmer ng private investigator. May mga binayaran na rin syang mga tao na maghahanap sa kanyang apo.
Lovel : Kain naman muna kayo, Bea, Louisse. Kailangan nyo ng lakas para hanapin ang apo ko.
Louisse : B-busog ako, ma.
Jaja : Ate, ang payat payat mo na.
Bea : Let's eat, baby.
Louisse : Busog ako, bhe.
Bea : Di ka pa nag almusal kanina. Kahit konti lang.
Sinubuan na ni Bea ang asawa. At sumubo na rin sya. Nasa isang fastfood resto silang mag anak ngayon.
Jia : Frank lang yong tumawag sa akin nong isang araw. Namemera lang.
Ella : Makikita rin natin si baby Benjamin. Tiwala at faith lang, people.
Napangiti si Bea kahit paano. Pero si Louisse ay lugmok ang mukha.
Bea : Drink this, baby. Vitamins ito.
Ininom naman ito ni Louisse.
It's been one week since nong nawala si Benjamin.
Habang tumatagal ay mas naging slim ang pag asa nilang makita ang anak.
Louisse : Baka may kumidnap sa kanya. Baka ibebenta sya sa mga walang anak o sa foreigner. Bhe, hanapin natin ang anak ko! Baka ibebenta nila ang body parts ni baby Benjamin! Bea, huhuhu!
Det : Calm down , Louisse.
Naiiyak na rin si Det.
Paano nga kung totoo ang sinabi ni Louisse. Paano kung kasalukuyang nagba byahe na ito palabas ng bansa.
Lovel : Manalig tayo kay Lord. Ipagdasal natin parati na mabuti ang kalagayan ni Benjamin.
Pagkatapos mag lunch ay naghiwahiwalay na naman sila. Hinanap na naman nila ang bata.
Magkahiwalay sila Ella at Jia. Magkasama sila Jaja at Lovel. Det at Elmer. Mag isa lang si Loel. Magkasama naman sila Bea at Louisse.
Kung saan saan na sila nakakarating.
Laguna.
Cavite.
Batangas.
At marami pang iba.
Pag weekends ay tumutulong ang ibang ALE sa paghahanap. They scattered flyers everywhere. Kung saan saan din sila nakakarating.
Two months.
Two months ng nawawala ang anak nila Bea at Louisse.
Patuloy pa rin sa pagahahanap ang mga pulis at mga kaibigan nila Louisse at Bea. Sobra na silang naawa sa mag asawa. Ang payat payat na ng dalawa. Kulang sa tulog, kulang sa kain. Gabing gabi na umuuwi sila araw araw sa paghahanap.
Ly : Magpahinga naman kayo, Louisse, Bea. Baka magkasakit pa kayo. Wala ng babalikan si Benjamin dahil namatay na kayo!
Napatingin ang dalawa kay ate Ly.
Den : Tama si Ly. Alagaan nyo ang katawan nyo. Kailangan pa kayo ni Benjamin.
Louisse : P-parang palabo ng palabo na makita pa namin sya. Habang patagal ng patagal ay naging slim ang chance na makabalik pa sa amin ang anak namin.
Maddie : Don't lose hope, Louisse, Bea. Have faith. May awa si Lord!
Deanna : Oo nga, ate Louisse. Basta, makikita ko pa ang bulilit na yon!
Ella : Naku! Pag nagpakita sa akin yon, Ibibitin ko ng patiwarik!
Giselle : Wag naman, ate Ella! Baka matakot sa yo ang baby Benjamin natin!
Ella : Joke lang, ano ka ba?
Jia : I miss him.
All : Me, too.
Ly : May pinagmanahan pa naman sa katakawan yon!
Den : Oo nga, hahahahha!
Ella : Ako na naman!
Maddie : Guilty, hahahahha!
ALE : Hahahahahahahha!
Napangiti saglit si Bea at Louisse.
Bea : Thanks, guys. Dinamayan at tinulungan nyo kami. Di pa rin nawawala ang sense of humor nyo in time like this.
Jamie : We are in this together!
Ponggay : Kanta yan, a!
ALE : WE ARE IN THIS TOGETHER!!!!!!