Nagluluto ang mag asawa sa kanilang maliit na kusina. Mahangin sa labas at pumapasok ang hangin sa kanilang kubo.
Josh : Luto na ba yan?
Mae : Sandali na lang.
Josh : Nasaan na ba si Boy?
Mae : Inutusan ko bumili ng pepsi.
Josh : Ganon ba.
Mae : Teka. Kanina pa yon, a! Naku! Naglalaro na naman yon!
Boy : Nay, Tay!
Humahangos na sabi ng isang batang lalaki. Mga nasa anim na taong gulang na ito.
Mae : Bakit ngayon ka lang?
Boy : Sorry na po!
Josh : Sino yang kasama mo?
Lumitaw ang bata sa likod ni Boy. Nakangiti ito sa mag asawa.
Bata : Hi po!
Mae : Ang dumi mo, anak! Sino yan, Boy?
Madumi rin ang mukha nito at damit pati ang mga kamay. Ewan lang kung saan nagsusuot ang batang ito! Pero super cute po nya.
Boy : Nakita ko lang po sya sa kalsada. Naglalakad! Tinanong ko kung nasaan ang bahay nila tapos sabi nya di nya raw alam!
Josh : Taga saan ka, Totoy?
Bata : Di po Totoy ang name ko. Benjamin po.
Mae : Okey, Benjamin, nasaan ba ang bahay nyo para maihatid ka na namin! Nag aalala na sigurado ang mga magulang mo!
Napakamot sa ulo nya si Benjamin.
Benjamin : I don't know po.
Boy : Di mo alam?
Josh : Baby ka pa, a!
Mae : Naku! Nawawala pala 'to!
Josh : Kumain muna tayo at pag usapan natin yan.
Mae : Paliguan mo muna yan, Boy! Ang bantot! Pahiramin mo ng damit, Boy!
Boy : Opo, nay! Lika na, Benjamin!
Hinawakan ni Boy ang kamay ni Benjamin at lumabas na sila ng bahay.
Sa poso pinaliguan ni Boy si Benjamin.
Nakatingin lang ang mag anak sa kumakain na si Benjamin.
Sunod sunod ang subo nito.
Mae : Gutom na gutom ka yata, anak.
Benjamin : Opo. Kahapon ang last ko na lunch.
Josh : Santisima. Aba'y kumain ka pa!
Napansin ni Mae na mukhang sosyal at yayamanin ang bata. Sa suot pa lang nito kanina at sa kutis nito. Kahit ngayon na nakasuot lang ito ng ukay ukay ay matingkad pa rin ang ayos. Napakagaling gumamit ng kutsara at tinidor. Samantalang silang mag anak ay nagkakamay lang. Medyo nahiya sya kaya kumuha sya ng kutsara at tinidor.
Pagkatapos nila kumain ay si Boy ang naghugas.
Nakaupo sila sa sala nila.
Josh : Nabusog ka ba, Totoy?
Benjamin : Benjamin nga po ang name ko.
Natawa ang mag asawa.
Josh : Basta, Totoy ka pa rin sa akin.
