Part 16

365 8 4
                                    


Nang makarating si Louisse sa condo nya ay naligo na sya agad at nagbihis ng pambahay.

Kahit nakaupo lang sya sa kotse ay napagod pa rin sya.  Di kasi sya makagalaw galaw.

At sobra syang naiinis kay Bea.....at kay Marie.

Kung di pa sya dumating, maghahalikan na ang mga yon!

Grabe!  Kakakilala pa lang, halikan na agad!  Aba!  Di pa naman nya kilala ang ugali ng babaeng yon, a!  Halikan na agad?

Nakaka bwisit talaga!

Busog na naman sya kaya di na sya nag take out ng foods.

Siguro, type nya si Marie.  Kasi si Marie, halatang type na type nya si Bea!

Kainis!

Humiga na si Louisse.

Pero, di naman sya makatulog.  Bumabalik balik sa isipan nya ang nakita kagabi.

'Mga haliparot!  Talipandas!'

Bumangon na si Louisse at nagpunta sa sala.  Binuksan nya ang tv at nanood ng movie sa netflix. Unti unting naka concentrate na sya sa movie at medyo nawala na sa isipan nya sila Bea at Marie.

Di namalayan ni Louisse na nakatulog na pala sya.


Nagising si Louisse sa doorbell.

Bumangon na sya at nag inat inat muna.  Nagkakamot sya ng pwet na naglalakad papunta sa pinto.  Pagbukas nya ay tumambad sa kanya ang nakangiting si Bea.  Pumasok na ito agad na may dala dalang paper bags.

Bea : Good morning, Louisse!

Sabay halik sa noo nito.

Napairap naman si Louisse.

Inilapag na ni Bea ang mga dala sa mesa.

Bea :  Common, let's have breakfast!

Magkatabi pa sila talaga na naupo.

Nilabas na ni Bea ang mga cartoons sa paper bag.  May coffee din, pancakes, sinangag, hotdog and eggs at tapa.

Pagkatapos magdasal ay kumain na si Bea.

Bea :  Hmn!  Sarap!

Louisse :  Nasaan na si Marie?

Bea :  Huh?  Ewan ko.

Louisse :  Akala ko ba close na kayo!

Bea :  We are friends because of Bianca and we are not close, yet!

Louisse : Maghahalikan na nga kayo kagabi, e!  So, super close na kayo!

Bea :  She was drunk.

Natahimik na naman sila. 

Bea : You did not kiss me sa cheeks before you leave yesterday.

Napabitaw sa kutsara at tinidor si Louisse.

Louisse :  Bakit?  Kailangan ba?

Bea :  Oo.  bestfriend kaya tayo.

Louisse :  Masanay ka na, na wala na!  Pag may jowa ka na, magbabago na ang lahat!

Bea :  Di ako magjojowa, no?  Ikaw lang ang super love ko kaya!

Namula naman si Louisse.

Bea :  Teka.  Nagseselos ka ba kay Marie?

Nanlaki naman ang mga mata ni Louisse at napaturo sa sarili nya.

Louisse :  Me?  Magseselos?  At bakit naman?

Meant To BeWhere stories live. Discover now