Bago umuwi si Bea ay nag iikot ikot muna sya kung saan saan. Nagababasakaling makita nya si Benjamin.
Naglalakad.
Nakasakay sa sasakyan.
Tumatakbo. Mahilig tumakbo yon.
Unti unti ng nagsitigil ang mga kaibigan nya sa pagahahanap sa anak nya. May mga buhay din sila na kailangang pagtuunan ng pansin at oras. Para na ring nawawalan ng pag asa sila mommy at daddy. Sila mama Lovel at Jaja. Pati si Loel.
Sila Louisse na lang ang di bumibitaw.
Naniniwala pa rin silang buhay pa ang anak nila.
Buhay pa si baby Benjamin.
Thursday ngayon kaya nagpunta ng St. Jude Church si Bea. Napakadaming tao. Nag alay sya ng kandila.
Tatlo.
Isa para sa kaligtasan ng anak nya.
Pangalawa. Sana makauwi na si Benjamin.
Pangatlo. Sana bumalik sa dati si Louisse.
Ang malambing, maalaga at mapagmahal na Louisse.
Alam nyang si Benjamin lang ang susi ng pagbabalik sigla ng asawa nya.
'Sana, mapanaginipan kita baby Benjamin. At sa panaginip ko, sabihin mo kung nasaan ka.'
'Please, Lord. Maawa po kayo sa anak ko. Maawa po kayo kay Louisse. Mahal na mahal namin ang anak namin. Karugtong na po sya ng buhay namin.' Sobra akong nasasaktan sa pagkawala ng anak ko. At sobra rin akong nasasaktan sa nangyayari ngayon sa asawa ko.'
Umiyak si Bea habang nakaluhod at nagdarasal. Taos puso syang humiling kay Lord.
Pagkatapos ng mass ay umuwi na si Bea. Gabi na rin at ma traffic pa.
Manang : Ginabi ka na naman, anak.
Bea : Good evening, manang.
I hug manang and yinakap nya rin ako ng napakahigpit. Nanatili akong nakayakap sa kanya. Umiiyak na naman ako. Nagsisikip ang dibdib ko sa hinagpis.
Kelan ba ito matatapos?
Kelan babalik si Benjamin?
Kelan magwawakas ang sakit?
Manang : Tatagan mo ang loob mo, Bea. Kailangan ka ng asawa mo. Lugmok na si Louisse sa lungkot at pangungulila. Mas kailangan ka nya ngayon.
Bea : P-parang di ko na kaya, 'nay.
Manang : Nandito lang kami ni yaya. Kausapin mo yon ng kausapin at matatawa ka!
Napangiti ako.
Yaya talaga.
Humiwalay na ako kay manang.
Manang : Maghahain na ako. Baba na kayo ni Louisse, mayamaya. Maligo ka na!
Bea : Opo, manang.
Umakyat na ako.
Nakita kong tulog si Louisse.
Madalas na syang natutulog ngayon. Kung di tulog ay nasa kwarto sya ni Benjamin.
Pumasok na ako sa banyo at naligo.
Bea : Baby, wake up na. Kakain na tayo.
Nagmulat naman ng mga mata si Louisse. May eye bags na sya. Kahit tulog ng tulog.
Alam kong nakapikit lang ang mga mata nya, pero madalas, gising sya.
Hinalikan ko ang buhok at noo nya.
Dahan dahan syang bumangon at naglakad palabas ng room namin.
Ni hindi man lang ako sinagot. No hello, no kiss.
Napabuntunghininga na lang ako.
Lumabas na rin ako.
Pinagsilbihan ko si Louisse.
Tahimik pa rin kaming kumakain.
Binasag ni Bea ang nakakabinging katahimikan.
Bea : Labas tayo bukas.
Louisse : Lilinisin ko ang kwarto ni Benjamin.
Bea : A. Sa sabado na lang. Kain tayo sa labas. Watch a movie or shopping.
Louisse : Tinatamad ako.
Uminom ng tubig si Louisse at tumayo. Naglakad na ito palabas ng dining area.
Napatingin si Bea sa plate ni Louisse.
Halos di nabawasan ito.
Tinapos na rin nya ang pagkain.
Nawalan na sya ng gana,
Nakahiga na silang dalawa.
Bea : Matagal na tayo di lumalabas.
Louisse : Ano ba pinagsasabi mo? Baka nakakalimutan mo na di pa natin nahahanap si Benjamin! Parang wala lang sa yo, a!
Napaupo na si Louisse sa kama.
Louisse : May gana ka pang gumala samantalang ang anak natin, di natin alam kung ano ng nangyayari sa kanya! Kung nakakain ba sya ng maayos! Kung nakakatulog ba sya ng mahimbing na di nya kayakap ang favorite stuff toy nya! At wala tayo sa tabi nya, Bea! Nag iisa lang sya!
Bea : Louisse. Huminahon ka. K-kung, di na natin sya m-makikita. D-dapat tanggapin na natin yon kahit mahirap at napakasakit. Ipagpatuloy natin ang buhay. Buhay pa tayo. I miss you so much. I need you.
Napatayo na si Louisse. Nanlilisik ang mga mata nya na nakatingin kay Bea.
Louisse : Buhay pa tayo? So sinasabi mo ba na wala na ang anak natin, ha? Na patay na si Benjamin, ha? Pinapatay mo na ang anak natin! Anong klase kang ama?
Napatayo na rin si Bea.
Bea : Mahal na mahal na mahal ko ang anak natin, Louisse. And you know that. Napakasakit din sa akin ang nangyari. Pero, kung yon ang gusto ng Diyos ay wala na akong magagawa. Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko. I am hopeless.
Louisse : Bawiin mo yan! Bawiin mo!
Pinagsusuntok na ni Louisse ang dibdib ni Bea. Pareho na silang umiiyak.
Bea : I a-am tired. Pagod na pagod na ako umasa. Nakakapagod maghintay. Nakakapagod na. It's almost a year na.
Louisse : Di ka dapat mapagod. Magulang ka! Ama ka!
Bea : I a-am sorry, Louisse.
Louisse : Buhay pa ang anak natin! Buhay pa si Benjamin, Bea!
Nasasaktan na si Bea sa mga suntok at hampas ni Louisse. Pero hinayaan nya lang ito. Gusto nyang parusahan ang sarili nya sa nangyari. Parang kulang pa ang ginawa nya. Parang kulang pa ang paghahanap nya.
Bea ended up drinking again.
Nasa room naman ni Benjamin si Louisse.
Her family is falling apart.
