PART 2

24 1 0
                                    

KEN's POV

"Ang galing diba? Nagkataon yata na fan din ni Ken ung may-ari ng bakeshop kaya may pa freebies na ganito." Narinig kong may nag-uusap sa hallway. Hindi nila ako pansin dahil naka jacket, mask at cap ako.

"Anong pangalan nung bakeshop?" Tanong naman nung isa.

"Wait, check ko, ayun! ElaineSweetCakes.?"Paalis na sana ako ng marinig ko ang isinagot ng babae.

Natigilan ako sa sagot ng babae pero maya-maya ay umalis na rin kaagad ako.

Nang makauwi ako sa apartment na tinutuluyan naming lima, Hindi ako mapakali, kapag naririnig kong bumubukas ang gate ng bahay nila Eirine.Ano ba tong nangyayari sakin?

Habang pini play ko ang gitara ko narinig ko ang pamilyar na boses sa labas.  Hindi ako nagkamali dahil nakita ko si Elaine na nasa labas ng bahay ni Eirine.

Nagkatinginan kami at nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya agad naman siyang umiwas ng tingin sa akin. Napansin ko na nag iba na nga siya, dati kapag darating ito sa bahay ni Eirine ay makikita ang excitement sa mukha niya pero ngayon ay hindi na.

"HOY!JHON FELIP! Sinong----- uuy..si Elaine yun diba? Bakit mo tinitignan?" Tanong ni Josh.

"A-anong tinitignan? S-Sinong nagsabi s-sayong s-siya ang tinitignan ko?"

"Eh sinong pa bang ibang titignan mo diyan ha? Hangin?" Sabi nito.

"E-ewan ko sayo Josh!" Sabi ko at bumalik sa sofa at tinuloy ang ginagawa ko.

"Admit it Dre, nasanay ka na sa special treatment na ipinapakita sayo ni Elaine. Kaya ngayon na she's already avoiding you eh nagkakaganyan ka." sabi nito habang umupo naman sa sofa katapat ko.

"H-hindi lang n-naman s-siya ang nagbibigay ng special treatment s-sakin no! L-lahat ng fans ko! S-special ako para sa kanila!"

"Oo nga, pero ang tanong, lahat ba yun kilala mo? Aminin mo na kasi, na you're curious kung bakit inayawan ni Elaine ang pagiging isa sa mga sisiw mo. Aminin mo na yung minsang taong nakapagpapairitable sayo noon, eh hinahanap na ng sistema mo ngayon dahil nga unti unti ka nang nasanay sa ginagawa niya sayo."

Hindi ko maintindihan. Ang babaw naman ng dahilan niya. Narinig niya lang namaan ang ginawa kong pag amin kay Eirine, at isa pa, masaya na yun kay Pablo.

"Alam mo ba, nabanggit sa amin ni Eirine na ipinagbebenta na daw ni Elaine lahat stuff's niya na may kinalaman sayo.? Yung iba nga daw ginagawa niyang pa freebies sa bakeshop niya eh."

"A-ano? G--ganun kaseryoso?" Nagulat ako, dahil naging fan din naman ako noon at mahirap pakawalan ang mga bagay na naipon mo na, pero sya, its easy for her to let go all of that?

"Alam mo Dre, feeling ko may iba pang pinangggagalingan yung pag iwas ni Elaine sayo eh." Sabi nito at kunot noo naman akong tumingin sa kanya.

"Ano naman yun?"

"Aba malay ko! Ikaw ang aalam nun syempre,ano ka ba! Diyan ka na! Tutulog na ko. Ikaw din! Maaga pa tayo bukas!" Sabi nito at tsaka tumayo at umalis.

'Ibang pinanggagalingan? Ano naman kaya yun?'

Isang araw, after ng rehearsals namin ay pumasok ako sa dressing room para sa magpalit ng damit.

"Uyyy.. may cake! Haha!" Sabi ko at tsaka tinignan at bubuksan ko sana yung box

"Oh,oh akin yan" sabi ni Jah na pinalo ng bahagya ang kamay ko. .

"Ang damot naman neto!" Sabi ko sa kanya.Kapapasok lang nilang apat kasama si Eirine.

MY FAN THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon