KEN's POV
"Huy Dre, kain na tayo! Tara na!" Pag-aya sa akin ni Josh nandito ako ngayon sa labas ng hotel room na tinutuluyan namin. Naiinis ako kasi kanina pa ako tumatawag kay Elaine pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.
Sa totoo lang, wala naman sa akin king hindi niya masagot ang tawag ko eh, syempre alam ko yung oras ngayon sa pilipinas, at alam ko rin na busy siya.
Pero nakakainis lang na hindi man lang niya ako mareplyan kahit isa lang.
-----
Naiinis ako, bakit ba hindi ko siya tinanong kung babae o lalake ba yung makakasama siya sa paggawa ng content.? Hindi ko naman alama na lalaki pala yun.! Sana hindi ko na lang siya pinayagan!"Ano bang nangyayari Ken? Wala ka yata sa focus ah.?!" Sabi sa akin ni Stell.
"Nakakabwisit kasi! Hindi nagrereply sa akin si Elaine" naiinis kong sabi.
"Baka naman busy, di ba sabi niya gagawa siya ng vlog." Sabi naman ni Jah.
"Haha! Nagseselos lang yan kasi ngayon lang niya nalamana na lalaki pala yung ka collab na chef ni Elaine!" pang-aasar pa sa akin ni Josh.
"Di ka nakakatulong Dre." sabi ko sakanya. Hindi ako mapapakalo hanggat hindi siya nagrereply sa mga text ko.
Maya maya pa ang biglang nag ring ang cellphone at nawala ang lahat ng inis na nararamdaman ko nang bigla siyang tumawag.
"Hi Love!" bulong nito."Nandito ako ngayon sa bakeshop ni Eduard eh..Sorry ha, di ako nakakareply. Nakailang takes kasi kami bago makakuha ng maayos na shots.. kamusta ka diyan?"
"O-Okay naman, Love, hindi mo nasabi sa akin na lalaki pala yung ka collab mong chef. Akala ko---"
"Hello? Love? Anong sabi mo? di kita masyadong marinig.. tatawag na lang ako sayo mamaya ha. May isu-shoot
pa kasi kami eh. Bye Love.. ingat ka diyan ha, wag kang papagutom. Bye. I love you." sabi nito at tsaka ibinaba na ang tawag.'Ganun ba talaga kahirap mag content?'
Bumalik na muna ako sa ginagawa ko. Aantayin ko na lang siyang tumawag mamaya. Ang importante nakausap ko siya ngayon.
Nang matapos na ang schedule namin para ngayong araw ay nagshower na muna ako at nakipagbonding kay Kuro habang hinhintay ko ang tawag ni Elaine.
Pero ilang ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin siya tumatawag. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.ELAINE's POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising para magprepare ng almusal. Maaga kasi akong pupunta ngayon mg bakeshop dahil may orders akong kailangan tapusin. Isa pa kulang ako sa tao ngayon kaya kailangan kong magmadali.
As i was checking on my phone nagulat ako nang mabasa ko ang maraming text ni Felip sa akin. Tsaka ko lang naalala na nagsabi nga pala ako sa kanya na tatawag ako.
Sobrang dami ko kasing ginawa at pagod na pagod na rin ako kagabi kaya nawala sa isip ko.
Nag-try akong tawagan siya pero hindi sumasagot. Nang chineck ko ang oras ay mag7 am palang. baka tulog pa yun or baka nagrehearse sila ng maaga.
Nang makarating ako sa bakeshop ay inaahos na ni Kenneth ang mga gagamitin ko. Medyo marami akong gagawing cupcakes ngayon kaya kailangan ko nang mag umpisa.
Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng cupcake mixture ng biglang nag ring ang cellphone ko. At sobrang saya ng puso ko ng makitang si Ken ang tumatawag sa akin via Videocall.
"Hi Love?" masiglang bati ko rito. "Love, sorry ha, sobrang dami ko kasing ginawa kahapon, sobrang nakakapagod kaya nawala sa isip ko na tatawagan pala kita kagabi.. sorry." sabi ko nakita ko naman na parang napilitan lang siyang ngumiti sa mga sinabi ko.