5

41 3 0
                                    

KEN's POV

"Oh My God! Ang sesexy naman ng mga chicks na yun oh!may mga jowa na kaya yun?" sabi ni Alexa, kapatid ni Pablo. Sinabi niya ito para mapunta ang atensyon namin kina Eirine,Vien at Eaine na nakita namin sa seaside at nakasuot ng swimsuit.

"B-bakit sila nag s-swwimsuit?" sabi ni Pablo at nahihimigan kong may inis siyang nararamdaman. Samantalang itong si Stell ay hindi naman nagsasalita pero sa tingin ko ay hindi rin niya nagugustuhan ay ginagawa ng dati niyang asawa.

"Parang nang-aasara talaga ah?" bulong ni Josh kay Stell pero sapat para marinig naming lima ang sinabi nito. Marahil aang binabanggit nito ay ang sunod sunod na pagka badtrip ni Stell dahil kanina lang ay may lalaking nagpakilala kay Vien at binigyan siya nito ng Mango Shake.

"Oh, yung isa diyan hindi makapag-over protective kasi hindi naman siya ang boyfriend haha." nang-aasar na sabi naman ni Jah.

"Gusto mong sakalin kita diyan Justin?" tanong ko dito. Hindi ko alam kung bakit at saan ako naiinis. Kung dahil ba sa nakikita ko ngayong eksena kung saan ay may nagpapakilalang lalaki kay Elaine at agad naman niyang kinakausap ito, o dahil sa mga sinabi ni Justin.

Nang matapos na kaming kuhaan ang lahat ng scene dito sa yate ay nagmamadaling makabalik itong sina Pablo at Stell.

Nang makababa ng yate agad na nga nilang  pinuntahan ang nagkakasiyahang sina Eirine at Vien na kasama si Elaine.

"Uy! Eirine! Hala! Vien!" gulat na reaksyon ni Elaine nang parehong buhatin pabalik ng kwarto nina Pablo at Stell sina Eirine at Vien

Naiwan naman kaming nakatayo rito ni Elaine dahil sina Justin at Josh ay pumasok na rin sa loob. Nakaramdam ako ng pagkailang sa ilang minuto naming pananahimik ni Elaine at alam kong ganun din ang nararamdam niya.  Maya-maya pa nagdesisyon nang umalis si Elaine pero hindi ko napigilan magsalita.

"Wait." pagpigil ko sa kaniya. "H-how are you f-feeling? y-you were s-so drunk y-yesterday."nauutal kong sabi sa kanya.HIndi ko mai-explain ang nararamdaman ko kung bakit ako nauutal sa  pagkausap ko sa kaniya. Sa pagkakatanda ko ay sa isang tao pa lang ako nagkaganito noon.

"Im fine. Normal yun sa umiinom." yun lang ang sabi niya at tsaka umalis. Nag-iba na talaga siya ngayon, dati mag-Hi pa lang ako sa kanya ay sobrang laking bagay na para sa kanya.

Simula noong malaman niya na nakatira kami sa katabing-bahay nila Eirine, halos araw-aaraw ay nandoon siya kayla Elaine. Lagi din siyang dumadaan sa  Studio para magpadala ng cake. Sa concert at mall tour namin,  laging siya ang nasa unahan at tuwang tuwa pa siyang ibalita noon sa akin na  nakabili na siya ng bagong design ng hood jacket from my clothing line. Noon rin ay ipinakita sa akin ni Eirine kung ano ang itsura ng kwarto ni Elaine. Maski ako nun ay nagulat dahil  hindi ko akalain na ganung level na pala ang paghanga niya sa amin. Sa akin. Ilangg beses na rin niya akong niregaluhan ng mga Guitar Picks na halatang sa abroad pa galing.

Ganun siya bilang isang FAN.  NOON. Pero ngayon nag-iba na ang lahat.

Nang makauwi kami galing ng Davao, ay nagkaroon kami ng malaking problema, nagtalo kasi sina Pablo at Eirine.  Ang totoo ay hindi namin alam ang buong nangyari. Basta ang alam lang namin ay dapat isu-surprise ni Pablo sa Eirine sa yate. Pero hindi yun nangyari dahil sa misunderstanding nila Eirine.

Ilang linggo mula noon, ay naaksidente si Paulo habang papunta sana kay Eirine para kausapin. kasabay pa noon ay ang pagkawala ni Eirine.  Pero ang hindi alam ng marami, ay alam ko kung nasaan si Eirine.

Nakita ko siyang umiiyak noon nung papalabas na siya ng ospital nung bisitahin niya  si Pablo. Sinabi niya ang balak niyang paglayo dahil  pakiramdam  niya ay napapasama at napapahamak si Pablo dahil sa kanya. Sinisi niya ang sarili niya kung bakit naaksidente si Pau.

MY FAN THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon