ELAINE's POV"OK pa ba kayo Araneta!!" tanong ni Stell na nasa Stage. Nasa kalagitnaan na ng concert at may isang portion dito kung saan ay bibigyan ng pagkakataon an Audience na makapagtanong sa kanilang lima.
"Ok Simulan na natin!" sigaw ni Stell
"Sana naman madadali lang yun tanong, para hindi mahirap sagutin!" sabi naman ni Josh.
May mga staff na nandito sa Audience para mag-abot microphone para makapagtanong sa lima.
Unang tanong ay para kay Josh.
"Hello Josh, Ano po yung isa sa katangian ng girl na sa tingin mo ay ika-tuturn off mo kung sakali?" tanong ng isa sa mga Fans ni Josh.
"Sabi ko na nga ba mahirap eh, haha" sabi nito at nagpalakpakan at nagtawanan naman ang mga nandito.
"Well, siguro, kahit pa Gusto ko siya o mahal ko man siya...Wala pa! kayo naman!" sabi nito dahil hindi magkamayaw ang mga fans nito.
"So siguro ang ikaka-turn off ko ay kapag nalaman ko na may itinatago siya sa akin. or kapag hindi siya nagsasabi ng totoo. Hindi honest ganun, kasi diba kahit sino naman, hindi maganda kung hindi ka magiging totoo. Mahirap kasing kasama o mahalin yung taong hindi totoo sayo or kapag marami siyang itinatagong sekreto sayo." makahulugang sabi ni Josh.
Sunod naman tinanong ay si Stell.
"Hi po Stell."
"Hello po"
"Ask ko lang kung may isang bagay kang pwedeng ibalik o balikan. Ano yun?"
"Grabe namang tanong yan! PAGEANT BA TO?!" nagtawanan naman ang mga taga presa ni Stell.
"Ahm, ano ba? ayan nag-iisip tuloy ako! andami ko na ngang iniisip, dinagdagan mo pa yung tanong mo!" kahit kailan talaga ay bentang benta sa A'tin ang Anger Issue at humor nitong si Stell
"Ah, siguro kung meron akong gustong balikan, yun yung buhay ko bago pa ako maging parte ng SB19."
"AAAAAAAAWWWWWWWWWW.."
"Pero syempre masaya naman ako sa kung ano at kung nasaan na kami ngayon, kaya lang gusto ko lang balikan yung dating ako, na hindi kayang i express ang nararamdaman sa mga tao sa paligid ko. Siguro kung naging matapang lang ako sa pag-amin ng feelings ko noon. Mas magiging masaya pa ako ngayon."
Nagpalakpakan lang ang mga tao, pero ako syempre alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.Alam ko mahal pa rin ni Stell hanggang ngayon si Vivienne. Ang hindi ko lang alam ay ano pa ba ang pumipigil sa kanya para sabihin kay Vien ang totoo. Nasasayang ang mga araw. Nasasayang ang araw para sana sa pagiging masaya niya kasama si Vien at si Star na anak nya.
'Ay nako, Stell!'
"Si Pablo naman! Ikaw naman Pablo!" sabi ni STell at lalo namang nagkagulo ang A'tin.
"Hello po, Kuya Pau, Kung ire-range niyo po ang happiness na nararamdman ngayon ng puso mo, paano mo po siya ire-range 1-10."tanong ng isang fan.
"Yari ka Pablo! magtransform ka muna!" sabi ni Justin
"Bakit magtatransform?" tanong naman ni Ken kay Jah.
"Eh diba mage-range siya? Oh dapat mag-transform muna siya as,, POWER RANGER!!" Biro nito at natawa naman ang audience kahit ang totoo ay corny pa rin ang dating ng joke nito.
"AMACANNA NGA JUSTIN! JUSKO! KAHIT KAILAN WALANG KWENTA KA MAG JOKE!" sigaw ni Stell na mas lalo namang ikinagulo ng A'tin.
" Ito namang mga A'tin na to! Mga Cum Laude ba kayo? Ang hihirap ng mga tanong niyo samin ah, Ano to Bar Exam?!" banat na naman ni Stel kaya hindi matawaran ang energy ng A'tin ngayon.