ELAINE's POV
"Ms. Elaine, kakakuha lang po nung mga standees at portraits dito." sabi sa akin ni Kenneth sa kabilang linya. Makikibalita sana ako kung tumawag na si Eirine pero ito ang ibinalita niya sa akin.
"Ah, ganun ba? Si Eirine ba tumawag na?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa po eh, Ms. Elaine nag-iwan po ng contact No. yung buyer isinend ko na po sa inyo."
"Kenneth, hindi naman tungkol dun ang tinatanong ko sayo eh, tungkol kay Eirine!" medyo naiinis na ako kasi nililihis ko nga yung topic pero ito namang assistant kong ito ay makulit at patuloy pa rin ipinapaalala.
"Sorry po, Pero nai--"
"OO na! kaloka ka! wala kang kasing kulit!" ibinaba ko na tawag dahil medyo naaasar ako kay Kenneth. Tinignan ko ang contact number na isinend niya sa akin.
---------------
'JFS'? Hinayaan ko na lang muna at pinatay ng phone ko. Nang makarating ako sa bahay ni Lola ay biglang may tumawag sa akin."Eleng!" tawag sa akin ni Nano. Kaibigan namin ito ni Felip. Pero nagulat ako nang makita ko kung sino ang kasama nila ni Balat! Si..........Felip.
"E-Elaine?" rinig kong sabi ni Felip. Halata sa mukha nito ang pagkagulat, marahil ay hindi rin niya inaasahan na makita ako ngyaon dito. Ako rin naman.
"Eleng! Si Fel----" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Nano.
"U-una na ako ha! may gagawin pa kasi ako eh, Sige! Bye!" sabi ko at biglang pumasok sa bahay at dumretso sa kwarto ko.
'Oh my God? S-Si Felip. Nandito rin si Felip.' sabi ko sa sarili ko at tsaka bumuntong hininga. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, bakit nga ba hindi ko man lang naisip na may posibilidad na magkita kami rito? Hello? tagarito siya malamang! Pero hindi ko naman naisip na magkikita kami dito dahil ang alam ko ay marami siyang ginagawa sa Manila!
'A-anong gagawin ko?'
Anong oras na at hindi naman ako makatulog, nang i-check ko ang oras 1:20 am na! Nagdesisyon muna akong magpahangin sa labas, tutal hindi naman ako makatulog.
Nandito na ako ngayon sa teresa ng bahay ni Lola, medyo malamig ang panahon pero mas gusto ko yung ganitong ambiance para makapag-isip-isip ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong alam na ni Felip na ako si Eleng.
Ano kaya ang naging reaksyon niya.? for sure hindi siya makapaniwala na yung taong habol ng habol sa kanya noon sa Maynila ay yung kababata pala niya dito sa probinsya.
Siguro gulat na gulat yun dahil hindi niya akalain na ako si Eleng. Well nagpa-enhance lang naman ako ng konti, medyo nagpatangos lang ako ng konti ng ilong, Pinaayos ko lang konti ang labi ko at medyo pinakortihan ko lang ang jaws ko yun lang.
Pero siguro nga hindi pa rin sapat yun para malaman niya na ako at si Eleng ay----
"Elaine."
"Ay kabayo!" nagulat ako ng biglang sumulpot si Ken sa kung saan."Fel--i mean Ken? a-anong ginagawa mo diyan ha? gabi-gabi na!" tanong ko rito muntik na akong atakihin sa puso sa ginawa nitong lalaking ito.
"Let's talk please."malumanay na sabi nito. Hindi ako makatitig ng deretso sa mga mata niya dahil feeling ko ay matutunaw ako.
"Ah ha? Ahm, gabi na kasi, pwede bang buk----"
"Why you didn't tell me?" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.
"Ha?!" hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na it was you already.?"
"Hmm.. w-wala lang,g-gusto ko lang, tsaka, inaalam ko k-kung m-makikilala mo ko kahit na h-hindi ko s-sabihin sayo."