24

12 1 0
                                    

ELAINE's POV

"Ikaw naman, wala ka man lang pasabi na darating ka pala."sabi sa akin ni Eirine. Past 8am na kasi akong dumating rito sa Davao. At wala nga akong pinagsabihan na uuwi ako ngayon. Even Eirine.

"Biglaan kasi eh, tsaka naka book na yung ticket ko. Sayang naman." sabi ko. "Kamusta ka naman dito? Yung kambal? Grabe 6 years old na sila Mars!"

"Ok naman, Oo nga eh, parang kailan lang, ngayon napasok na sila sa Pre-School tsaka lumalabas na rin ang talent nila. talent nila na siyempre kay Paulo nakuha." sabi nito

"Hm, Grabe ka ha! 6 years mo nang itinago kay Pablo ang lahat! pareho lang kayo ni Vivienne eh, tinago niyo sa mga tatay ng anak niyo yung totoo. Wala ba kayong balak ipaalam sa kanila yan ha?" tanong ko rito.

"Darating yun dun Elaine. Eh Ikaw baka mamaya sabi ka nang sabi na itinatago namin yung mga anak namin, baka mamaya nanganak ka na rin sa Europe ha!" makahulugang tingin nito sa akin

"Hoy! Bruha ka! Wala no! Tsaka hindi ko naman yun itatago kung meron man!"

"Weh? Eh bakit hindi ka umuwi agad after six months? Siguro nagbuntis ka run tapos pinaalagaan mo sa iba--"

"Hoy OA ka ha! ang OA mo! Hindi ako umuwi kasi ayoko pang umuwi! yun lang yun! tsaka kung may anak ako. bakit ko naman iiwanan dun? Edi sana isinama ko narito yun!" sabi ko.

"Hahaha, di ka parin nagbago, ang ikli pa rin ng pasensya mo. Binibiro ka lang eh.!" sabi nito.
"Ready ka na bang kausapin si Ken ha? kapag nagkita kayo? Grabe ka, nakakaawa yung ginawa mo run sa tao! umalis ka ng hindi nagpapaalam!"

"Wow ha! look who's talking parang nagpaalam ka kay Pablo na nandito ka ha?" sarcastic kong sabi.

"Pero mas grabe yung ginawa mo kay Ken! Halos weekly yun pumupunta rito para i check kung nakauwi ka na. Tapos lagi pa siyang nagbobook ng flight pa Europe kaso laging hindi siya pinapayagan ng management nila."

"Teka nga, kinokonsensya mo ba ako ha?"

"Bakit nakokonsensya ka na ba?"

"Sa ngayon hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko sa kanya, if ever magkita kami. Yun lang."

"Edi sige. haha sabi mo eh. Ipinahanda ko na nga pala yung kwarto mo. Magpahinga ka na."

"Sige, Salamat." sabi ko at tsaka pumunta na sa kwarto ko. Bago matulog ay inayos ko na muna ang mga gamit ko. Nakita ko ang lumang cellphone ko na nagnotify napa lowbat na ito.

Tinatago ko pa rin ang phone na ito dahil nandito ang dating number ko. Dito ko nariricieved ang mga texts messages ni Felip sa akin. Dito ko rin nalamana na kaya niya pinupuntahan noon si Marguax dahil may cancer ito. Para naman akong nakonsensya nung nalaman ko yun pero ano pa bang magagawa ko? nangyari na?

Walang araw na hindi siya nagtetext sa akin at hindi nagso-sorry. Nakakatawa nga na hindi kami nagbreak kahit na dalawang taon na kaming hindi nag-uusap.

Naagaw naman ng atensyon ko ang isang phone ko kung saan katext ko si JFS.

Sa paglipas ng taon habang nasa Europe ako siya lang ang nakausap ko at pinagsabihan ko ng lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Nakakatuwa na, never ko pa siyang nakilala ng personal pero sobrang gaan na ng loob ko sa kanya. Yung tipong kahit hindi ko alam kung sino siya eh, kumportable akong mag open sa kanya ng mga nararamdaman ko.

Nang mag aasikaso na akong matulog ay nabigla ako ng biglang may kumatok sa pintuan. Si Eirine siguro to.

"Mars? may nakalimu--" pabukas ko ng pintuan ay nagulat ako sa lalaking nakatayo sa harap ko ngayon.

MY FAN THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon