ELAINE's POV
Gabi na nang makarating ako ng Manila. Nandito ako ngayon sa tapat ng condo ni Felip. Kaiangan ko siyang makausap. HIndi ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang babaeng sumagot ng tawag ko nung isang araw.
Kinakabahan man ay lakas loob akong pumasok sa loob. Habang nasa elevator at palapit na ng palapit sa 17th floor kung saan nandoon ang condo na tinutuluyan ni Felip, ay pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko.
Pilit kong pinahihinahon ang sarili ko nang makarating na ako sa tapat ng pinto ng Condo niya. Nang pinnindot ko ang doorbell niyon hindi rin nagtagal ay bumukas na ito.
Niluwa nito ang isang magandang babae. Kinakabahan man ay pinilit kong magsalita.
"Ah, andyan ba si Felip?" tanong ko rito, Marahil ay nagtataka ito kung bakit ako nandito sa harap ng Cond ni Feli[p.May tinignan ito sa isang panig ng bahay bago nagsalita.
"Ken! Baby may naghahanap sayo." sabi ng babae. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ng babaeng ito sa harap ko. Maya-maya pa ay lumabas si Felip na parang gulat na gulat ang mukha. Pero mas nagulat ako ng maita ko na wala siyang damit na pang itaas at naka-shorts lang siya!
"Love?' tawag nito sa akin pero hindi ko siya inimikan. nagpapalit-palit lang ang tingin ko sa kanila ng bababeng nasa harap ko.
Maya-maya pa sa tingin ko ay nakuha na niya kung ano ang iniisip ko.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng liha ko. Nakita ako naman na nag iba ng reaksyon si Felip maging ang babaeng katabi niya ngayon..
"Love, what are you----- Elaine!" hindi ko na pinatapos ang sasabihin dahil umalis na ako... Naririnig ko siyang tinatawag ako pero ko siya pinapansin. Maging ang babae yun ay tinatawag rin ako pero ayoko soyang lingunin.
Hindi ko akalain na magagawa to sa akin ni Ken. Bakit?
Wala sa sarili akong pumasok sa loob ng elevator. Dahil sa nararamdaman ay pilit ko agad yun isinara dahil nakita kong habol habol ako ni Felip. "Love, sandali--" naiiyak akong sumalampak sa loob ng elevator.
Bakit kailangan ko pang makita ang eksena na yun? Kung alam ko lang sana ay hindi ako nagpunta pa rito. Patuloy ako sa pag-iyak nang biglang tumigil ang elavator na sinasakyan ko.
Mas lalong limakas ang labog sa dibdib ko. Dahil ngayon ko lang napanson na wala pala akong kasamang tao dito sa elevator kundi ako lang mag-isa.
'Hindi pwede, hindi pwede akong magtagal dito.'
Maya-maya pa ay nagsisimula na ang paghahabol ko ng hininga.
"Fel...Felip." tawag ko sa kanya kahit alam ko naman na hindi niya naririnig.
KEN'S POV
"Ken! Baby, may naghahanap sayo." sigaw ni Ate Van mula sa may pintuan. Katatapos lang naming maglinis ni Stell at nabasa ang damit ko kaya hinubad ko muna ang tshirt ko.
'Sino kaya yun?'
Ganun na lang ang gulat ko nang makita ko sa harap ng pintuan si Elaine. Tatanungin ko pa sana siya kaya lang ang naunahan ko na kung ano ang iniisip nito dahil nagpapalit palit sa amin no Ate Van ang tingin niya.
"Love, what are you----- Elaine!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang siyang tumakbo papalayo. Agad ko naman akong kumuha ng shirt para mahabol ko siya. Naabutan ko siyang kakapasok lang sa elevator at nakita kong dali dali niya iyong isinasara.
"Love, Sandali!" hindi na tuluyan pa soya naabutan dahil sa nagsara na ang elevator na sinasakyan niya.
Agad ko naman pinuntahan ang isa pang elevator, pero. hindi na ako makahintay dahil kagagaling pa lang nito sa ground floor, kung hihintayin ko ito ay siguradong hindi ko na maabutan si Elaine.